CHAPTER 36

113 2 1
                                    

Jay Mee's POV

Our ladies might kill us..

"Nakakainis si Jay Dee! Halatang pinagtitripan tayo bwisit."

"I agree, pare. Nagpipigil nga ng tawa si loko!"

"The ladies might kill us but chill... Mas lagot siya dahil pag nalaman ni Casey na nandito si Lany, magkakagulo yan."

"How can you say so?"

"Pano mo nasabi?"

"Wala, hula ko lang. Tara na nga!" Aya ko na lang sa kanila at lumabas na sa office ng kakambal ko na yon.

"Aalis na kayo, Kuya Jay Mee?"

"Sa tingin mo? Ikaw ha, di mo kami dinamayan ah."

"Do you need someone to accom--"

"Stop. Sabihin mo sa pangit mong boss, humanda siya ha?"

"To whom?"

"Ah basta, paalam!"

Tsaka kami tuluyang umalis dun. Nakakainis talaga. Nag-mana ata si Jameson sa boss niya lol.

Habang palabas kami, maraming natingin samin.. or sakin? Sus. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?

"Siya yung kakambal ni Mr. Song, diba?"

"Wow.. it really runs in their blood."

"Ang gwapo nila.."

"Mas gwapo si Mr. Song Jay Dee, kesa sakanya.."

Napahinto ako bigla sa narinig ko.. tama ba yon? Tama ba yong narinig ko?

"Mga pare, did you hear what I just heard?" Tanong ko sa mga to.

"Mali yung narinig mo pre. Maling-mali." Hah, sabi na eh.

Aakbayan ko na sana si JJ sa sinabi niya nang magsalita si Mago.

"Maling-mali na sinabihan kang gwapo.. pfft! HHAHAAH" aish!

"Aray!" Makabatok tong si Min Ji oh! Bakit ba siya nambabatok?

"Hahaha ang hangin mo talaga kahit kelan. Tara na nga hahaha" Aish, mga siraulo.

Nakaalis na kami ng building ng kompanya ni Jay Dee nang may tumawag sa phone ko..

Oh sh't, I'm dead.. we're dead..

Bakit ba kasi iniwan kong nakabukas yung mobile data ko? Taena.

"T-tumatawag yung m-mga babae sa GC, pare.. Paano na to?"

"Damn, ikaw na sumagot." Sabay pasa ni JJ kay Mago ng mission.

"Eh ayako, hawak mo na phone mo eh. Ikaw na sumagot"

"Ayoko nga, oh Jay Mee sagutin mo na"

"Alam niyo, mga lalaki tayo.. dapat hindi tayo nagpapatinag sa mga babae. Especially, we didn't do anything wrong naman, am I right? She was the one who did that kiss on our own cheeks. Kaya siya dapat ang matinag hindi tayo. Understood?"

"Tama ka, Pare.."

"I agree, magpakalalaki tayo."

"Oh, sige ako na sasagot ng tawag. Back-up kayo ah? We just have to act normal, okeh?"

"Okeh!" Hahaha mga uto-uto

"one.. two.. three.." bilang ko sabay sagot ko ng tawag.

<Oh, nasaan na kayo?>

"Pusa ko, hindi kami ang may gawa nun okay? Wag na wag mo kong bubugbugin"

"Jay Mee's right, Jae Hee.. Hindi kami ang humalik sa pisngi.."

I Fell In Love With My Best Friend: Are You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon