Chapter Sixteen: look beyond

5.1K 236 7
                                    

Ireneia Xyke Vein

Umaga na pero tulog na tulog parin ang mga kasama ko. Kahit si Lukas na dapat ay kasama kong nagbantay kagabi hanggang mag-umaga ay hindi na kinaya ang sobrang antok.

Kaya ang ending ay ako lang ang nanatiling gising at ang nagbantay sa mga kasamahan ko.

"If I were you, hindi ko na susubukang makawala pa sa taling yan. Because the second time na maghabulan tayo at mahabol kita, hindi ka na magigising pa." Seryosong sabi ko sakanya habang binabalatan ang prutas na nakuha ko habang nagmamasid sa paligid kanina.

Nagsquat ako sa harap nya bago inalok sakanya ang binalatan kong prutas pero sinamaan nya lang ako ng tingin kaya nagkibit balikat na lang ako bago kumagat doon.

"Hindi na ako magtatanong kung sino ka dahil halata naman na hindi mo sasabihin ang pangalan mo so I'll just ask you another question." Tanong ko sakanya in a really emotionless tone na ikinalunok nya ng ilang beses.

"Anong kailangan nyo? Bakit parang pakalat-kalat ata kayo sa lugar namin?" My forehead creased when I saw how his expression changed.

Parang may kung anong pumipigil sakanya para magsalita. Parang naghihesitate sya kung matatakot ba sya o hindi saakin.

Well he should be afraid of me.

"Ano? Hindi ka pa sasago~" bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay natitigan nya na ako diretso sa mata at sinabi ang mga salitang naghatid ng malakas na bagyo sa loob ng utak at pagkatao ko.


"Kailangang bawiin ang prinsesa. Kailangan namin ang prinsesa ng dark kingdom." He answered on a monotonous tone before flashing me a really creepy smile.

"Sinong prinsesa? Wala dito ang prinsesa ng Dark kingdom. Mali kayo ng napuntahan." Nakakunot-noong sagot ko sa sinabi nya. But instead of being dissapointed like I expected him to be, he laughed.

His loud annoying laugh roared in the woods where we're at.

"You don't have any idea do you? O may ideya ka pero ayaw mo lang tanggapin?" Mapanuyang tanong nya saakin na naging dahilan para matunaw ang kahit na anong emosyon sa mukha ko.

I stared at him blankly.

"Wala ang hinahanap nyo sa Heleina Cross." Walang emosyon na diin ko sakanya bago akmang maglalakad na palayo ng magsalita syang muli.

"Hindi mo matatakasan ang tadhana Prinsesa. Kahit anong gawin mo mas lamang ang dugo ng ama mo sa mga ugat mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit naging itim ang kapangyarihan mo ng mamatay ang ama mo? Hindi ikaw ang huli sa lahi ng mga Psyske at Vein. Hindi iyon ang dahilan kung bakit itim na kapangyarihan na ang hawak mo. Yun ay dahil ikaw ang magiging sunod na Reyna ng Zafiro. Hindi si Tyron, Hindi ang kasalukuyang hari, hindi ang anak nito, Ikaw Prinsesa Ireneia! Ikaw ang prinsesang hinahanap namin!" Hindi ko sya nilingon kahit gusto ko na syang sakalin dahil sa mga salitang binibitawan nya.



"Hindi ako magiging katulad nyo. Oo anak ako ng dating prinsepe ng Zafiro. Oo, si ama ang dapat na hari ng kaharian nyo. Ngunit nagtapos na ang lahat ng iyon ng ang lahi nyo mismo ang pumatay sakanya. Nagtapos na ang ugnayan natin ng patayin ng mismong lahi ng ama ko ang babaeng minahal nya. Naiintindihan mo ba ako? Dugo na lamang ang naguugnay sa lahi natin." Puno ng puot na litanya ko sa hangal na nasa harap ko ngayon.



Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon