Writer's Block

57 11 3
                                    



Alam mo, ang hirap magka-writer's block sa totoo lang. Tipong, ang dali na lang ng patimpalak ng wattph tapos, walang mga salitang nabubuo sa'yo.


Dagli?


Ang dali na lang no'n! Isang page lang may panibagong istorya ka na agad. Pampadagdag works din 'yon! Kaso wala eh, marami ang salita subalit kulang ang mga ideya.

Hays

Alam mo ba, kagabi ko pa sinusubukang gumawa. Inabot pa nga ako ng pag-shutdown nitong aking telepono tandang-tanda ko pa na alas-onse iyon ng gabi.


Hays umuulan. Ang lakas. Kailan kaya titila? Natatalo kasi ang tunog ng t.v ng ingay ng bubong hirap talaga 'pag walang kisame ang bahay.

Nga pala, kahit 'di ko naririnig ang t.v dahil sa natatalo ang tunog nito ng pagbagsak ng ulan. Nakita ko si Kardo sinusugod sa ospital, naka-stretser.

Sa wakas! Matatapos na rin ang probinsyano. Napakahaba na ng palabas na iyan. Hindi ba sila nagsasawa diyan? Hays mga pilipino nga naman talaga.


Umihip ang hangin! Malamig! Napatingin tuloy ako sa kama na kitang-kita ko mula sa sahig na aking kinauupuan ngayon. Naku po! Nanunukso ito tila binubulungan ako na,

"Halika... Humiga at magpahinga~"

nakakainis.

Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin. Kasl, sakto naman sa gilid nakita ko ang pusa.

Tulog!

Parang bola sa sobrang pamamaluktot. Lumingon na lang ako sa aking kanan, bagsak na rin ang aking bunsong kapatid sa puzzle mat.

Nakakainggit!



Nangangamoy na ang sinaing, luto na kaya? Nilapitan ko ito at saka binuksan ang rice cooker.

Hmmm.. Luto naman, akala ko hilaw. Sinara ko na at babalik na 'ko sa pwesto ko.




Alam mo? Ayoko magbukas ng messenger. Dahil may mga kaibigan ako na niyayaya akong mag-part time, mag-apply daw kami. Pero may panahon ako sa wattpad ang galing no?


Sa katunayan, kailangan ko ng trabaho at baka mamaya'y mapurnada pa ang aking pag-graduate. Mahirap na, huling semester ko na para sa taong ito. Subalit, hindi ko naman masabi sa magulang ko ang aking plano. Sila kasi ang tipo ng tao na sobrang hirap timplahin.


Sala sa init, sala sa lamig ang ugali.


Lalo na ang tatay ko, wala ka'ng lulugaran sa kanya. Siya lang ang palaging tama, siya lang ang magaling. Kung tatanungin mo ako kung paano ako nakatagal sa ganitong sitwasyon simple lang ang sagot, hindi ko din alam. Buti na lang at may Dios ako, nagagawa ko'ng makapagtiis sa kabila ng pangd-down na ginagawa nila.


Pero teka sandali, ang dami ko nang naidada hindi naman dapat ito ang maging pokus dito kundi ang dagli. Lumipas na ang mga minuto wala pa rin akong nasisimulan, ni pamagat wala! Ganundin sa ideya. Badtrip!


Hahahays


Teka sandali...




Aha! Alam ko na! Mayroon na pala akong maipapasa. Gusto mo malaman?



Ito.



Oo itong kinukwento ko sa'yo. Hindi ba't ang dagli ay isang maikling kuwento? Oneshot ? Alam mo rin ba na saktong limangdaan na ang bilang ng mga salitang nabuo ko rito? Binasa mo, naku salamat!


Biruin mo 'yon? Dahil sa kadaldalan ko nakabuo ako ng isang kuwento?


Kunsabagay, ang kwento naman ay nagsisimula sa salita na maaaring kinuwento o isinulat. Pinagsama-sama, binasa, may nakinig hanggang sa naging isa nang ganap na kwento.


Maraming salamat ulit ha! Hanggang sa uulitin ;)

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon