"Pag-ibig"

366 3 0
                                    

          Ang pag-ibig ay isang napakatibay na tulay tungo sa KAPAYAPAAN. Ito ay hindi nabibili sa kahit na anong website o tindahan. Kaya nitong buksan ang saradong puso't isipan, at kailanma'y hindi nito kayang manakit ng damdamin.

     Maraming umiiyak dahil sa pag-ibig?

     Hindi nananakit ang pag-ibig, kundi ang tao mismo ang nananakit. Hindi ang pag-ibig ang sumisira sa pamilya kundi ang makasariling tao ang gumagawa nito. Huwag sisihin ang pag-ibig kung ikaw ay umiiyak, dahil ang pag-ibig ay hindi kayang manakit kailanman. 

     Huwag nating gawing dahilan ang pag-ibig para manakit ng kapwa. Ang ugali natin mismo ang naninira at nanakit ng iba kaya wala tayong karapatan na sisihin ang pag-ibig.

     Huwag din nating gamitin ang pag-ibig para sa mga bagay na pansarili lamang. Hindi pagmamahal ang iyong nararamdaman kung ang layunin mo nama'y manakit ng kapwa. 

     


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SANAYSAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon