PAGLAHO

6 1 0
                                    

Habang papalakas ng papalakas ang ulan, pinagmamasdan ko ang bawat pag patak nito sa aking kinatatayuan
Ingay ng bubong lamang ang aking naririnig, at lamig ng hangin na dumadampi sa aking mga kamay

Isang sigaw ang bumasag sa aking katahimikan

"Maaahaaal"

Tumingin ako hinanap ko kung sino iyon,

Laking gulat ko siya yung babaeng minahal ko 3 years ago

Nag balik siya

Oo nag balik siya

Niyakap niya ako sabay sabing "Mahal Kumusta?"
Natulala ako nabigla ako sa mga pangyayari,
Totoo ba ito? O baka nananaginip lang ako
tinitigan ko siya sa mga mata niya, kitang kita
Ko yung kasiyahan sa kanyang mga mata

Siya nga, siya nga yung taong minahal ko ng buo
Siya nga yung taong pinangakoan ako,
Napaluha ako nag balik ka nga

Niyakap ko siya ng mahigpit habang unti-unti siyang nag laho
Unti-unting nawala yung ngiti sa mga labi ko
Umiyak umupo at napayoko ako

Bigla akong sinampal ng katotohan
Katotohanang hindi kana mag babalik

Dahil isa kana lamang abo,

Author: KingQueen117

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAGLAHOWhere stories live. Discover now