"Xander, may ipapasa akong link sayo."
"Ano namayan yan? baka mamaya kalokohan mo nanaman yan ah?"
"Hindi pare! babae to. tang ina pre! ang Ganda. Paniguradong tatamaan ka."
Kumikinang pa ang mga mata niya. Na akala mo nakikita niya yung babaeng sinasabi niya. "Ulol. alam mo namangwala akong hilig na sa babae kahit maganda pa yan."
"Xander, Iba to. Hindi ito katulad ni dianne."
Biglang nag-init ang ulo ko ng banggitin niya ang pangalan ni dianne. " Eh. gago ka pala. Bakit sakin mo binibigay yang babae mo?!." Pasigaw na sabi ko.
Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Pero napatigil ulit ako ng may nakalimutan akong sabihn. "Isa pa Mike. Wag mong itulad si Dianne sa mga naging babae mo. Dahil ibang-ibang si Dianne sa lahat ng naging babae mo."
___________________
Tinitignan ko ang mga pictures namin ni Dianne ng may mag message sa'kin.
"Mike: Xander, Pansensya na sa nasabi ko kanina. Gusto ko lang naman na maging masaya ka. Kung nabubuhay si Dianne ay yun din ang gugustuhin niya. Dahil mahal ka niya. Ayaw ka niyang nakikitang malungkot. Gusto niya masaya ka rin katulad niya na masaya na kung nasaan man siya ngayon. Kaya pare maging masaya nalang tayo para kay Dianne at wag mo ng sisihin ang sarili mo sa pagkamatay niya. Dahil wala kang kasalanan pre aksidente ang nangyare."
Napailing nalang ako ng mabasa ko ang message ni Mike. magla-log out na sana ako ng makatanggap uli ako ng message galing kay Mike.
"Mike: Xander! Eto na pala yung sinasabi ko sayong babae. Picture lang yan. Dahil isa siyang character sa story sa wattpad. I-nooperate niya lang ang account na yan."
Wattpad? ano yun?
Ah! alam ko na ayun yung sikat na website sa school namin. Yung binabasahan ng mga kababaihan. Teka....Kababaihan? eh bakit alam to ni mike? Hindi kaya ba--- Hindi naman siguro. Babaero kaya yung lokong yun.
Dahil sa curious ako eh tinignan ko na. kinilick ko yung link ng picture at fb account na pinasa ni mike.
Inuna ko yung picture. At ang masasabi ko lang. OO MAGANDA SIYA. Wala siyang ka make-up make-up. Kaya pala pinipilit to sa akin ni mike, Mas type ko kasi ang walang kaartehan sa mukha o katawan. Makikita mo kasi ang kagandahan ng isang tao kapag walang kaartehan sa katawan.
Tinignan ko naman ang FB link na ibinigay ni Mike. Hindi ko alam pero pinindot ko ang "Add Friend."
____________________
Isang linggo na ang lumipas at isang linggo ko narin siyang Friend. Simula ng I-accept niya ang Friend Request ko sa kanya ay nag message ako sa kanya ng Hi. Kaya lang hindi niya ako pinansin, kaya medyo nadisappoint ako. Kaya nag log out nalang ako.
Dalawang araw ng buksan ko muli ang account ko. May 4 message ako at 60 notifications, 30 friend request. sanay na ako jan. Hindi sa nagmamayabang pero may itsura naman ako. Kaya madaming babaeng humahabol sakin. Nauna kong buksan ang Notification puro games lang. At sunod kong binuksan ang Friend Request puro ka schoolmate kong babae. Kaya inaccept ko nalang. Ng buksan ko ang message bigla akong na-excite nang makita ko ang pangalan ng girl character. na Inooperate niya.
"Girl Character : Hello."
Namalayan ko ang sarili kong nakangiting nagrereply sa kanya.
Lumipas ang dalawang buwan ay lagi na kaming magkausap ma pa facebook,cellphone at iba pang pwedeng naming pag-usapan. nalaman ko rin ang totoong pangalan niya at real account niya. At doon ko napatunayan na isa lang siyang simpleng babae. walang kaartehan sa katawan at mukha.