Aling Puring(TRUE STORY)

122 1 0
                                    

Simula pa nung first year college ako ang dami ko nang naririnig na kwento tungkol kay Aling Puring. Kwinento sya samin ng prof namin sa drawing. Sya daw yung multo sa 5th flr. ng engineering building. Meron kasing meditation room doon tapos matagal na syang hindi nagagamit. Pero meron na ata ngayon. Sa 5th floor kasi kakaiba. Parang walang gumagamit masyado. Lalo pag bandang gabi na. Kahit na matagal ko na syang naririnig ngayon ko palang sya naexperience.

Gabi na noon. Katatapos lang ng finals namin sa Autocad. Mga 8 pm. Pero hindi pa kami pwedeng umuwi kasi marami pa kaming projects na gagawin. Kaya pumunta kami dun sa malapit sa my hagdan. Tatlo lang kami nun. Meron kasing mga upuan dun tsaka lamesa. Nagsisidaanan yung mga kaklase namin tapos tinatanong kung hindi pa kami uuwi. Sabi namin. Hindi pa tatapusin pa yung circuit tsaka yung database. Edi umuwi na sila. Kami tuloy lang sa paggawa ng project kasi ipapasa na yun lahat bukas.

Dumaan pa yung prof namin nun sa autocad. Sabi nya bakit hindi pa daw kami umuuwi. Umuwi na daw kami baka daw makita pa namin si Aling Puring. Edi tinawanan lang namin sya. Napakatahimik ng paligid pwera lang sa pusa na parang nagagalit na umuunggol na ewan. Kaya nagsoundtrip kami. Nakatodo pa yung volume. Edi kanta lang kami ng kanta. Sabay sa music. Tapos maya maya may biglang tumunog. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Pero hindi namin pinansin. Sabi nya baka daw cabinet lang yun. May cabinet kasi na parang locker sa gilid namin. Pero bumanat yung isa ko pang kaibigan ng "Talaga, cabinet ba yun. Para kasing yabag ng paa." Edi tinignan ko sya ng masama. Hindi kako electric fan lang kako yun. Syempre may project kami kailangan tapusin. Nakabanat pa silang hindi nasa 5th flr si Aling Puring hindi bababa yun.  Edi tuloy padin kami sa ginagawa namin. Pero yung sound na naririnig namin paulit ulit pa rin. Nung pinakinggan kong mabuti, para nga talagang sound ng paa. Yung parang dahan dahan. yung step by step syang humahakbang sa hagdan ganun. Tapos yung pusa andun pa din maingay pa din. Tapos dun sa may hagdan parang may kakaiba na talagang feeling. Yung kaklase kong nagsabi na parang yabag ng paa nag tanong kung may tao daw ba. Sabi namin wala. Kasi nga gabi na. Kami nalang yung tao dun sa buong building. Sembreak na din kasi ng karamihan. Edi tuloy padin kahit medyo kinikilabutan na ko. Nakatalikod kasi kami sa hagdan kaya feeling ko tuloy may tao sa likod na ewan. Yung parang gusto mo na ayaw tignan yung hagdan. Ayoko kasi ng feeling na may tao sa likod mo. kaya tumayo ako sa upuan tsaka dun umupo sa lamesa. Bale nakatalikod ako sa bintana kasi nakadikit dun ung lamesa. Tapos nakaharap ako sa hagdan. Pero tuwing tatalikod ako feeling ko talaga may soemthing. Tapos yung isa ko namang kaklase nakaupo sya magisa dun sa isang mahabang silya na bakal. Maya maya may tumutunog na din dun sa may gawi nya. Yung parang may umuupo na ewan. Kasi parang tumutunog yung bakal e hindi naman sya gumagalaw. Hindi ko na talaga kaya kaya nag aya na ko umuwi. Pero ayaw talaga nila. Kailangan daw matapos yung project. Nandun naman kasi kami nung isang gabi tapos wala namang ganun. Inangkin na nga namin yung pwesto na yun. Sabi pa nung kaibigan ko. "Bakit ka matatakot e bahay natin to. Walang natatakot sa sarili nyang bahay. Basta wala lang tatakbo." Edi sige na nga tumuloy padin kami sa paggawa. Pero yun talagang feeling na may kasama kang iba hindi nawawala. Buti nakita ako nung guard na nakatalikod sa bintana. Gabi na daw. Umuwi na daw kami. Buti nalang. Edi sabi namin magaayos lang kami ng gamit. Tapos habang nag aayos kami nagulat ang buong sistema ko nung may nagsalita sa likod namin. Napatalon ako. Si manong guard lang pala. Matagal pa daw ba kami. Edi sabi namin hindi nagliligpit na lang. Tapos iniwan nya na kami.  

Nung pauwi na kami. Tinanong ko sa kanila bakit ayaw pa nilang umuwi. Hindi ba nila nararamdaman. Sabi nung isa kong kaibigan nararamdaman nga daw nya. Yung isa naman sabi nya hindi daw. Kailangan daw kasi naming matapos yung projects. Pero naririnig nya din yung something na sound sa likod nya pero ayaw nya daw pansinin. Hindi daw kami matatapos kung papansinin pa yun.

Sabi ko sa may hagdan kasi parang may something. Tapos sabi nung isa kong kasama. "Shet meron nga! Hindi ko lang sinasabi kasi baka sabihin nyo nagiimbento ako. Kaya nga ayaw ko tumingin sa hagdan. Parang merung bumababa e." Tapos kinilabutan ako nun. Ewan ko. Malalaman mo naman kasi kapag may iba kang kasama o may nasa likod ka e diba. Parang ganun yung feeling.

Kaya nga nung kausap ko sya na nasa gilid ko tapos hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sya. Akala ko may something sa likod ko kaya nagtatakbo ko tapos sya lang pala. Kaya sure ako na may someone sa likod namin nun.

PS. Sabi sa naresearch ko. Takot daw yung mga spirits sa mga pusa. Siguro kaya ganun. Meron nung gabi na yun tsaka nung nasa chapel kami nun.

Eto pa:

Basically sudden drop of temperature means that something is drawing energy from the air, and sudden rise of temperature is a sigh of energy being in use. In your case I could guess that something or someone (even a livig person) was sending energy towards you, either to put it in you, or make you move (or get your attention). 

-ghostplace.com

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aling Puring(TRUE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon