Be Brave

2 0 0
                                    

Hindi sa lahat ng pag kakataon ay makukuha mo ang gusto mo, hindi sa lahat ng pag kakataon ay magiging masaya ka kasi hindi mo malalaman na masaya ka kung hindi mo mararanasang maging malungkot. Oo masakit kasi iniwan ka nya, pinag-palit pero palagi mong tatandaan na mahalaga ka palagi mong tatandaan na kahit anong mang-yare mahalin at pahalagahan mo ang sarili mo. Hindi porket iniwan at niloko ka nya ay ibig sabihin na non eh nag kulang ka kasi ang totoo nyan hindi ka nag kulang sumobra ka. Nasobrahan ka sa pag mamahal at pag titiwala sa kanya kaya ganon kasi alam mo kung totoong mahal ka nya makukuntento yan kahit pa hindi kayo nag kikita o mawalan kayo ng komunikasyon kasi kung talagang mahal ka nya di nya iisipin na iwanan at ipag palit ka. Kung talagang mahal ka nya di ka nya sasaktan, kung mahal ka nya mag sstay yan kahit na ano pang mang yare at kung mahal ka nya hinding-hindi sya mag papadala sa tukso kasi ang tunay na nag mamahal marunong makuntento. Makukuntento sya sayo at hindi mag hahanap ng iba kasi ikaw lang dapat sapat na, sapat kana at di na nya gugustuhin pa na mag hanap ng iba at palagi mong tatandaan na kung nasaktan ka nya wag kang magagalit sa kanya wag mong hilingin na sana maramdaman nya din yung sakit na pinaramdam nya sayo kasi alam mo kung magagalit ka ikaw lang din ang mahihirapan learn to accept it, oo masakit at mahirap pero konti-konti mong tanggapin na wala na unti-untiin mo lang wag mong biglain. Kalimutan mo sya wag mong pang hinayangan na nakilala mo sya bagkus eh mag pasalamat ka sa lahat ng mga memories na binigay nya masaya man o hindi kasi bawat isang memories na binigay nya sayo eh may matututunan kang aral siguro ka nga kasi hindi kayo ang para sa isa't-isa siguro ginamit kalang ni tadhana para makilala nya yung para sa kanya at ganon kadin. Tandaan mo na kung nasasaktan ka ngayon lilipas din yan dahil pag dating ng panahon at nakilala mo na yung talagang para sayo mag papasalamat ka sa pang-iiwan na ginawa nya at mag mula ngayon ingatan mo at mahalin mo ang sarili mo para sa future mo na nag hihintay sayo at sa susunod na mag mamahal ka mag tira ka sa sarili mo at wag mong ibigay ang lahat sa kanya para kung sakali mang masaktan ka ulit atleast may natira padin para sa sarili mo diba kaya kung malungkot ka ngayon cheer up kasi pag subok lang yan hindi yan ibibigay ni Papa God kung hindi mo kayang lagpasan at kung talaga pakiramdam mo na hindi mo na kaya mag dasal kalang tutulungan ka nya lagi mong tatandaan na andyan lang si Papa God ginagabayan ka😇😇😇

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now