THE I.D
__
Hayyy hilong hilo na talaga ako, yung amoy kase ng bus eh nakakahilo kaya ayun nasusuka na ako, pero titiisin ko na lang muna malapit na kami ehh! Magpapakilala muna ako, I'm Kimberly Ford, 15 years old, 4th year higschool.
Fieldtrip namin ngayon, pupunta kami sa De La Salle College of Saint Benilde, ewan ko ba naman kung bakit doon kami pupunta. Pero ayus lang naman kung dun kame pupunta kase maganda naman daw doon, malamang La Salle eh. Sikat kaya yun, sigurado naman akong alam niyo din yung school na iyon diba? Um-oo na lang kayo pag hindi niyo alam. Hahaha
**After 20 Minutes**
Andito na kami sa La Salle, well tama nga ang sabi nila. Isa itong building na maganda, malawak, malaki tapos mataas. Sa labas pa nga lang ang ganda na eh, sa loob pa kaya? Ohaaa!
So pina-pila na muna kami. Pagkatapos binigyan ng stickers yung may color, ginrupo kase kami. Why? kase may mag tu-tour samin dun, eh hindi naman kaya ng isang tour guide na i-tour kaming lahat diba? Eh ang adami kaya namin, kaya ayun! Basta wag niyo na masiadong isipin yun.
Ang first na pupuntahan namin ay yung ewan nakalimutan ko kase yung name nun, basta dun yung may mga pwedeng mag edit ng pictures or kaya mag drawing sa computer, basta sosyal yun Hahaha!
Tapos yung sunod naman na pinuntahan namin ay yung SDA Equipment Center. Andaming SLR Camera dun, mga Canon and Nikon.
Nawala ang atensyon ko sa mga magagandang camera, kase napunta ang aking atensyon sa isang lalaking kakapasok lang. Isang lalakeng matangkad, may katamtamang kulay ng balat, may matangos na ilong, may magandang mata na kulay brown at may katamtamang laki ng katawan. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot na Orange t-shirt at pantalon, simple lang pero bagay sa kanya, parang ako, simple lang din pero bagay sa kanya. Hahaha. At masasabi ko namang gwapo siya. Lalo na nung ngumiti siya! Winner teh! \(^_^)/
Sa sobrang gwapo niya naging crush ko kaagad siya! Eto yata yung tinatawag na "crush at first sight" Wala eh, malandi ako, in a good way nga lang! Alam mo ba kung ano ginawa ko? Malamanghindi pa, so eto ikekwento ko na.
Pinicture-ran ko siya, stolen nga lang. Tapos nung napicture-ran ko na siya,bigla na siyang lumabas. Kaasar naman oh. Pero pagkalabas niya, may biglang nahagip ang mata ko na sobrang ikinaligaya ko. Yung "I.D" niya nakita ko! Agad ko namang kinuha ang aking camera at pinicture-ran iyon. Pagkatapos na pagkatapos kong makuhanan ng picture yung kanyang I.D, pinalabas na kami dun. Kase pupunta na ata kami sa Library.
So ayun lumabas na sila, nagpahuli ako kase tinitigan ko pa yung I.D niya. Pero tinawag na ako ng classmate ko kaya napilitan na ako lumabas. Lumabas ako ng may ngiti sa aking labi, na agad namang napansin ng aking magaling na kaklase.
"Ganda! Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Lizzie
"Wala, masama bang ngumiti?" Kim
"Hindi naman! Bakit nga kase?" Lizzie
"Wala naman, ang gwa- este ang gaganda kase ng mga camera dun, gusto ko sanang bumili ng ganun kaso ang mahal!" Kim
"Oo nga hahahaha! Ako din eh gusto ko, kaso walang money. Pero teka, ano yung una mong sinabi na hindi mo naituloy? ANG GWA? Sinong gwapo?" Lizzie
Nako tong babaeng ito, napalakas ng pandinig eh. Talagang hindi ako makakalusot dito.Pero siempre iisip parin ako ng palusot.
"Wala no, mali ka ng pandinig. Siguro di ka naglilinis ng ears mo! Ang bingi mo eh!" Kim
"Palusot mo! Excuse me kaka-linis ko lang kaninang morning" Lizzie
BINABASA MO ANG
THE I.D [EXO ONE-SHOT]
HumorKung kami talaga ang para sa isa't isa, pagtatagpuin kaming muli ng tadhana. Pero kung hindi, isa lang ibig sabihin non, hindi kami ang para sa isa't isa. A/N: Ginawa ko po na bida si Krisgege. Bukod kase kase kay Luhan KO, crush ko din si Kris. heh...