KUMAKABOG ang dibdib ni Armie habang nakaupo't naghihintay sa loob ng meeting room ng Criminal Intelligence Division ng National Bureau of Inverstigation. Kanina, nang pumasok siya sa loob ng compund ng NBI ay parang gusto niyang umiyak. Na-miss niya bigla ang loob ng PNPA.
Ikatlong araw na dapat niya iyon ng training kasama si Piper na nakansela dahil nga sa scheduled briefing na iyon sa loob ng NBI. Suot niya ang maong jacket ni Mac, at dark sunglasses nito. Anlakas tuloy maka-Witness Protection Program ng dating niya.
At ngayon nga na naghihintay siya magsimula ang meeeting, parang gusto naman niyang isuka ang inalmusal niyang Lucky Me! pancit canton. Siya kasi ang pinakabata sa loob ng meeting room. At siya lang ang walang kausap. Ang iba ay nagkukumustahan sa mga kasong hawak ng mga ito, at gumagamit ng mga code kaya hindi rin niya maintindihan ang mga ito. Maski si Mac na katabi niya ay abala sa pakikipag-usap sa katabi nitong si Beverly Barbadillo na ipinakilala nito sa kanya kanina na isa sa mga magiging special investigator sa kaso. Kanina lang din niya nalaman na para pala maging isang NBI Agent, kailangan abugado ka o kaya ay Certified Public Accountant. Mas maganda kung pareho. Kaya pala sa kabila ng pagiging CPA na ni Mac ay gusto pa nitong mag-abugado.
"Good morning, let's start," ang malaki at buong boses ng pumasok na sa meeting room si NBI Director General Francisco Ignacio. Nakilala niya ito dahil sa picture nito na naka-display sa hallway ng opisina, katabi ang picture ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
Tumikhim si Mac at tumayo. Napalunok siya. Ang tanging sinabi ni Mac sa kanya ay briefing ito ng magiging assignment niya. Wala naman sigurong recitation doon? Baka tuluyan na siyang sumuka ng pancit canton.
Pumunta si Mac sa gitna, sa may white screen na may nakatutok na projector. Tinanggal nito ang takip sa lente ng projector at lumabas ang title ng presentation nito: Task Force Barbie.
Nagpatuloy si Mac. "The last death threat she got about a month ago, had these words: 'Good luck at the beauty contest, Sweetheart. We'll be watching.' This is a direct threat, and the use of 'we' might mean that this is a work of not just a lone individual. Notwithstanding that theory, all her ex-boyfriends are still under surveillance by our operatives. The pageant organizers of Miss Global Beauty did not agree to have Miss Ignacio's close-in at the pre-pageant activities for they might be accused of favoritism, thus, our team will be there to make sure that Miss Ignacio will be safe and sound during the course of this pageant in Puerto Princesa, Palawan."
Kasunod nitong ipinaliwanang kung sinu-sino ang bahagi ng Task Force Barbie na binuo nito. Ito na team leader ay magsisilbi bilang bahagi ng security ng mga beauty pageant contestants, kasama ang tatlo pang agent na nasa loob din ng meeting room na iyon: sina Lyndon Salvacion, Rodel Copino, at John Michael Alagon. Dalawang babae naman ang magiging assistant: ang ipinakilala kanina sa kanya na si Beverly Barbadillo, at ang isa pang babaeng nakaupo sa tapat niya, si Elaine Joy Gravamen.
"And lastly," patuloy ni Mac, "We have one special recruit from the PNPA to be a beauty pageant contestant, Cadet Second Class Armida Mananquil."
Wala sa loob na napatayo siya sa kinauupuan. "Hello po! It's my honor to be here po—"
"You can sit down, Miss Mananquil." Ang seryosong boses ni Mac ang animo nagbuhos ng malamig na tubig kay Armie. Kung gaano kabilis ang naging pagtayo niya ay siya ring bilis niyang umupo muli. "Sorry," yuko ang ulong sabi niya. Nakarinig siya ng mahinang tawanan ng mga tao sa paligid.
"Sandejas, don't be too harsh on the young lady. Remember, Director Bongcales is doing the Bureau a big favor by underleasing their most beautiful cadet for this joint operations."
Nag-init ang mga pisngi niya sa narinig. Napalingon siya sa kung sino ang nagsalita. Napahigit siya ng hininga nang makitang si Director Ignacio iyon. Alanganin siyang ngumiti rito bilang pasasalamat. Sana lang ngiti at hindi ngiwi ang kinalabasan noon.
"Noted, sir," narinig naman niyang sagot ni Mac na nagpabaling muli ng tingin niya rito. Napikon kaya ito dahil "napagalitan" ito ng boss nito sa harap nilang lahat? Pero wala namang pinagbago ang expression ng mukha nito. Seryoso pa rin at parang hindi marunong ngumiti since birth.
"Alright," muli niyang narinig ang boses ni Director Ignacio. Nang lingunin niya ito ay nakatayo na sa kinauupuan. "I can't stay for the full details of the operations. I just want to let you guys know that I trust each and everyone of you who is inside this room. Alam n'yo na rin siguro kung bakit espesyal sa akin ang operasyong ito. Kaya I'm counting on each of you, to you, Sandejas, more than anyone. You report directly to me, alright?" anito na tumango pa sa gawi ni Mac, "You guys have my full trust that you will be able to protect my daughter, keep her safe for the whole duration of your mission in Palawan. Thanks, everyone."
"Yes, sir!" ang iisang sagot ng lahat ng nasa loob ng meeting room na iyon. Pagkarinig noon ay naglakad na palabas si Director Ignacio.
Napansin ni Armie ang sabay-sabay na paghinga ng maluwag ng mga nasa loob ng meeting room, maliban kay Mac na seryoso pa rin. Ang itsura nito ay pwedeng sagot sa "Show me your war face!" na bukambibig ng commanding officer nila sa loob ng academy. Kailan niya kaya makikita si Mac na masaya at walang kaproble-problema?
BINABASA MO ANG
The Queen of Shields
RomanceFrom being a PNPA cadet to a Beauty Pageant contestant slash undercover agent. Will Armie survive the training? Parang mas mahirap pa para sa kanya na maglakad ng naka-high heels kaysa mag-martsa sa ilalim ng nakaka-tustang init ng araw. At paano ba...