Part Ten: The Mock Pageant Experience

798 39 2
                                    

DAHIL iyon na ang huling araw ng isang linggong training ni Armie kay Piper, sa ibang lugar siya nito pinapunta para sa mock pageant niya. Sa isang dance studio sa may Jupiter Street sa may Makati siya nito pinapunta. Doon na rin daw niya masusukat ang mga damit at accessories na gagamitin niya sa mismong pageant.

Nang marating ni Armie ang mismong dance studio ay bahagya pa siyang nagdalawang isip pumasok. Sumilip muna siya sa may salaming bahagi noon at nakita niya si Piper sa loob na may kasamang isang lalaki at isang babae na hindi niya kilala. Mayroong mahabang mesa at apat na upuan sa bandang unahan. Napa-sign of the cross muna siya bago tuluyang pumasok sa loob ng dance studio. Nagsipag-lingunan sa kanya ang tatlong tao na nasa loob.

"Armie, finally! Ten thousand years kang late, Bakla!" Nakangiti sa kanya si Piper nang lumapit at ikinawit ang braso sa braso niya. Alam na niyang sa klase ng ngiti nito ay mas gusto talaga siya nitong sabunutan kaysa ngitian.

"Umm, natagalan kasi ako magpantay ng eyeliner, sorry." Kasama ng full make-up niya ay suot-suot na rin niya ang binigay nitong wig kaya naging wavy at lagpas balikat na ang buhok niya. Hindi nga niya halos makilala ang sarili kapag napapasulyap sa salaming dingding ng dance studio.

"Dapat alam mo na shugality complex talaga mag-complete aura look. Anyway, I'd like to introduce you to two of your judges for today, si Mama Miggy Tolentino, owner of Ariella's Cafe, and her dear friend, Miss Farah Sandejas, eldest sister ni Mac, Marketing Manager ng Iceberg Vodka. In case fetus ka pa lang that time, nag-first runnner up si Miss Farah sa Binibining Pilipinas about eight years—"

"Nine," pagtatama ng kapatid ni Mac kay Piper.

"Pakak, nine years ago. So I got them here to interview you, watch your catwalk in evening gown and swimsuit, then do your Q and A as well. Basically sila yung panel for the result of our isang linggong love affair." Ngumuso pa ito sa kanya na animo nagpapahalik. Pagkatapos ay bumaling muli ito sa dalawang kasama. "And so, Mama Miggy, Miss Farah, this is Armie Mananquil, AKA Patricia Santos, nineteen years old, and had been my mentee for the past seven days. She'll be joining the pageant next week so don't be kind to her, ha?" Naramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Piper. "Bakla, makipag-shake hands ka, anuveh," pabulong na sabi nito sa kanya.

Natauhan naman siya sa sinabi nito. "Hello! Good morning po, I'm... P-Patricia S-Santos. Nice to meet you po," aniya matapos maunang mag-extend ng kamay sa tinawag ni Piper na Mama Miggy.

"Bakit parang 'di ka naman sure sa name-sung mo, girl?" anito sa kanya nang makipagkamay.

"Ahm, sorry po," sabi na lang niya. 'Patricia Santos' ang bagong identity na ibinigay sa kanya nina Mac. Pat o Patty ang bago na niyang nickname, third year Nursing student, at taga-Lucban, Quezon. Hindi pa lang talaga siya sanay na ang pangalang iyon ang sinasabi niya para magpakilala. "Hello po, nice to meet you po, Miss Farah." Sa kapatid naman ni Mac siya nakipagkamay. May hawig nga ito kay Mac, at kagaya nito, may ere din ng pagiging istrikto at masungit.

"I heard you're staying in my brother's condo unit?"

"Uhm , yes po, may one week na rin po."

"Is he being a gentleman?"

"Ah, opo, sobra—"

"I told youuuu!" singit ni Mama Miggy sa usapan nila. "Ka-federasyon namin si Macario!"

"Hindi ah!" sabay nilang react ni Piper.

Nagkatawanan silang apat.

Nag-explain naman si Miss Farah. "Everyone's been wondering about him kasi he hasn't had a girlfriend since birth. He's far from being panget naman. He's twenty-four na but he still hasn't introduced anyone to the family yet! Puro na lang siya aral!"

"S-Si Yasmin Ignacio po yata, ano, uhm, c-crush niya?" singit niya. Naalala niya ang narinig sa NBI Office na nagpapalakas daw si Mac kay NBI Director Ignacio dahil type nito si Yasmin. Na para daw tumama sa lotto si Mac kapag nagkataon dahil sa ganda, talino at yaman ng anak ng Director, sigurado pa ang promotion nito bilang future biyenan nito si Director Ignacio. Hindi na nga lang niya binanggit kay Mac ang tungkol doon. Kahit naman madalas parang mannequin iyon sa kawalan ng emosyon, alam niyang masasaktan pa rin ito sa issue na iyon sa trabaho nito.

"Yasmin Ignacio? Who's that?" untag sa kanya ni Miss Farah na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Ahm... Anak po ng NBI Director? Sasali din sa Miss Global Beauty."

"Oh, okay. I'll ask my brother later about her. Anyway, Piper dear, can we start na? I have a meeting at three PM sa QC."

"Sure, sure. I'll just dress her up. Sit down na po kayo ni Mama Miggy, relax, and Patty will be out in five minutes," pagakasabi ni Piper noon ay humarap ito sa kanya. "Andun sa may locker room yung mga damit, Bakla. Mag-retouch ka na rin," dugtong pa nito bago siya iginiya papunta sa isang hallway sa may bandang likod ng studio.

Sa loob ng locker room ay isang rack kung saan naroroon ang striped navy blue and white na two-piece bathing suit na isusuot niya. Tinuruan siya nito kung paano gumamit ng hairspray para hindi mawala sa pwesto ang kakapiranggot na mga telang suot niya. Pinalagyan din siya nito ng powder highlighter sa balikat at body oil sa mga braso't binti para daw magmukhang healthy at glowing ang balat niya.

"Mukha akong litson na bar dancer, Ate Piper," reklamo niya.

Hinataw siya nito sa puwit. "Bakla! Wit ka, kung ako ang may fez at bodeh like yours , araw-araw iba-ibang mhin ang kasama ko," inirapan siya nito. "Just like what we practiced, ha. Kailangan confident,'wag ititiklop ang tuhod until ihahakbang 'yung isang paa, and always smile. Getlak?"

"Getlak. Para sa bayan!" aniya na itinaas pa ang kamao sa hangin. Nagsimula siyang maglakad ng malalaking hakbang na itinuro sa kanya ni Piper. Narinig niya ang pagpalakpak nito sa likod niya, mukhang natuwa sa ginawa niya. Lumakas ang loob niya. Itinaas niya ang noo. Stomach in, chest out.

Hindi muna siya lumingon sa gawi ng table nang tuluyan na siyang lumabas sa may dance floor. Naglakad siya papunta sa gitnang bahagi noon bago huminto at nag-pose ng isang kamay na nasa-bewang at nakangiti sa dalawang judges—

ANO'NG GINAGAWA NI MAC SA TABLE NA IYON!!!

Nanigas ang mga panga niya at parang biglang hindi na niya maihakbang ang mga paa. Narinig niya ang mahinang pagtawag ni Piper sa pangalan niya, pero bakit naman kasi—

Isang hakbang para sa bayan, Armida! Kaya mo 'yan! Sige lang!

Nadapa siya.

The Queen of ShieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon