Mr. Destiny Killer Eyes

12 1 0
                                    

Back in highschool, maraming naging crush itong si Raine. Basta cute, gwapo, malakas ang dating, matalino, at mabait, magiging automatic crush nya. First year pa lang sya nun pero mga seniors yung crush nya. Crush-crush lang naman---paghanga sabi nga nila.

Yung una nyang naging crush--tawagin na lang muna nating si Mr. Destiny Killer Eyes.

Bakit?

Simple lang kasi akala nya destined sila to be together. Yung Killer Eyes, malalaman mo later...

Bakit destined?

Kasi yung father nya niligawan yung mother ni Mr. DKE. Ex pa nga yata.

*A week before the official start of classes*

Nakasalubong ni Raine at ng mother nya yung mother and older brother ni Mr. DKE. Childhood friends din pala yung mothers nila. Konting kamustahan at kwentuhan hanggang sa napunta sa retohan ng anak. "Malaki na pala yang panganay mo, mare" sabi ng mother ni Mr. DKE. "Oo nga, ang bilis ng panahon. Yan na ba ang panganay mo?" tanong ng mother ni Raine. "Oo, pwede na ano?" pabirong sabi ng mother ni Mr. DKE.

Hiyang-hiya na si Raine nung mga panahong yun. In fairness naman kasi, gwapo si Kuya. "Ay hindi, sa bunso ko na lang pala. Third year yun sa Western U din," sabi ng mother ni Mr. DKE. Smile-smile na lang si Raine na gustung-gusto ng hilahin ang mother nya na umalis. PERO...nung marinig nya yun, di nya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

*floating bubbles sa utak ni Raine*

Hala, same school kami--Third Year...

Ano kaya looks nya?

Sana sing gwapo sya ng Kuya nya.

Makita ko kaya sya?

Destiny ba ito?

Pwede...why not?!

Ituloy natin ang naudlot na pag-ibig.

Patuloy pa rin sya sa kaiisip hanggang sa pag-uwi nila. Inimagine pa nya yung looks ni Mr. DKE. Natatandaan nya kasi may childhood picture sila together nung birthday nya. Kaya pagkarating nila sa bahay, hinanap agad nya yung photo album at nakita nya yung picture---nakaside view nga lang yung kuha ni Mr. DKE. Sa kaiisip nya, napanaginipan pa nya.

*First Day of school at first day of highschool para kay Raine*

Late sya...kaya naman dun sya nakapila at naghintay sa may gate na siksikan na rin sa dami ng mga nakasabay nyang late comers din. Ang hindi nya inaasahan at talagang ikinagulat nya, yung mother ni Mr. DKE nandun din. Ibig sabihin late din sya...kaya tiningnan nya yung kasama at katabi ni mother---expecting it to be Mr. DKE. Hindi naman sya nabigo, si Mr. DKE nga. Pano nya nasabi? Bukod sa magkamukha sila ng kuya nya, it was the same looks na napanaginipan nya. Nagsusumigaw sa utak nya ang...

------"DESTINY!!!"------

Nakakatawa lang kasi kalalaki nyang tao at Third Year na, may kasama pang nanay sa first day of school---baby na baby lang ang peg---bunso nga naman.

This is where it all started---ang walang kamatayan nyang pagkakaroon ng mga crush pero ang malupit---naging stalker sya ni Mr. DKE.

Pano?

Simple lang...the usual stalker style---sunod dito, sunod doon. Basta may pagkakataon, kailangan makita nya si Mr. DKE. Inalam din nya lahat ng pwede nyang malaman tungkol dito. Hindi naman sya ulit binigo ng pagkakataon, alam naman na nya halos lahat ng tungkol sa personal life nito. Kilala na nya buong pamilya nila, alam na nya kung saan yung bahay nila, may common childhood friends din sila, pero yung pinaka-importante sa lahat---hindi pa nya alam yung real full name nya---ang alam lang nya Nick yung nickname na tawag sa kanya.

Buong First Year syang nasa stalker mode para kay Mr. DKE. Tuwing recess at lunch o kahit pa pupunta lang sa C.R. pipilitin nyang dumaan sa tapat ng classroom ng Third Years. Ang matindi---nasa third floor yung classroom ng section ni Raine. Kailangan pa nyang umikot at dumaan sa first floor para hindi halata. Masulyapan nya lang si Mr. DKE masaya na sya. Tuwing time ng P.E. ng Third Years at practice para sa prom, sisilipin pa nya yun sa may bintana sa third floor kasama yung bestfriend nya na may crush naman dun sa barkada ni Nick. Inggit na inggit pa sila nun sa mga partners nung dalawa.

Noong nagkaroon naman ng training sa school nila, sumali si Raine. Dahil bukas lahat ng rooms, nakahanap sya ng pagkakataon para makapasok sa classroom nila Nick. Doon nya nalaman ang birthday ni Nick na saktong nasa birthday corner that time. Yung mailap na full name naman ni Nick, Second Year na sya nung nalaman nya. Naging officer kasi si Raine ng student council kaya every morning and lunch nagbabantay sya sa may gate for school violators (students who violates the school rules like no ID, wrong uniform, late comers, etc.). Sulit naman ang lagi nyang pagbabantay kasi laging late si Nick. Doon nya nalaman yung name niya na Dominick. Kung minsan, lalo na pag lunch, hindi na tumitigil si Nick para isulat yung name nya sa violators---iwas-iwas kumbaga---ang hindi nya alam, alam naman ni Raine yung full name nya kaya nasa violators list pa rin sya---ang laki tuloy ng utang nya.

Hindi pa nakuntento si Raine sa mga alam tungkol kay Nick. Nagtanong pa sya sa mga friends nya na ka-year level ni Nick. Nalaman nyang walang girlfriend pero maraming nagkakagusto---ang tawag pa nga daw sa kanya---Mr. Killer Eyes---kasi nga naman ang ganda ng mata nya, parang sa Indian sa ganda at maamong tuta kapag tinitigan mo.

Ang hindi naman malilimutan ni Raine sa lahat ng nangyari sa kanya sa mga panahong crush nya si Nick ay noong Second Year sya.

*School Foundation Day*

Kasama ni Raine ang bestfriend nyang si Joyce na nanunood sa may third floor. Maraming upuan at kita naman doon yung stage kaya naman pati yung ibang year level umaakyat dun para manuod---presko pa kasi malakas yung hangin. Hindi nila akalain na isa sa mga aakyat dun ay si Nick at yung friend nito na crush ni Joyce. Malala pa nyan, halos magkakatabi lang sila. Nagkukurutan at asaran na sina Raine at Joyce nang....."Gusto nyo ng candy?" alok ni Nick. Tinanggap naman nila at nagthank you. Umalis rin sila Raine at Joyce pagkatapos nun at pumasok sa room nila. Doon nila parehong nilabas ang tinatago at pinipigilang kilig na nararamdaman. Halos mahimatay ang dalawa. Pero yun na yun, natapos na lang ng ganun yung moment na yun. Wala ng sumunod na conversation. Nagkakahiyaan siguro---typical highschool moment.

*Summer*

Napiling magbakasyon ni Raine ng dalawang linggo sa bahay ng lola nya. Ang bahay naman na yun ay malapit lang sa bahay nila Nick. May mini sari-sari store din ang lola nya na pansamantalang sya ang nagbantay---hoping na sana bumili at makita nya si Nick.

Isang beses lang nangyari yung wish nya na yun. Pinagbilhan nya si Nick at noon din nangyari ang pinakamahaba na nilang pag-uusap. Tinanong sya ni Nick na ang mga sagot lang nya ay simple at maiksing OO---kung sya yung apo nung may-ari ng tindahan. "Nagkita na ba tayo?" tanong ni Nick na ikinagulat ni Raine at hindi nya malaman ang isasagot, bukod kasi sa ayaw nyang magpahalata, nahihiya din sya. "Ahhh...oo yata. Sa LMI ka napasok di ba?" ang tanging naisip na sagot ni Raine. Nagpasalamat at nagpaalam si Nick---doon na lang natapos ang usapan na nila.

Bitin pero masaya na si Raine sa mga experiences na yun with Nick o si Mr. Destiny Killer Eyes. Crush nga lang di ba? Kinikilig sya in moments like that but she doesn't expect for more.

After 2 years of stalking at naka-graduate na si Nick, nagtapos na rin ang long time crush ni Raine. Kung destiny nga talaga, gagawa mismo ng paraan si Destiny.

...FIN...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Puppy Love, si Infatuation, at si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon