CHAPTER 31: Like a cinderella?
============
SHACK'S POV
============
Hinatid ko si Jijey pauwi sa kanila. Ang saya saya ko at nakakasama ko siya ngayon. Hindi tulad ng dati na puro si Vincent. Buti nalang busy ngayon si Vincent. Nasosolo ko ngayon si Jijey. On the way home na din ako. Madami-dami din akong iniisip. Tulad nalang nung kay Elouise pati nadin yung kay YUKA. Hindi siya naglagay ng note sa locker ko which is strange kasi lagi naman siyang naggdidikit ng sticky note sa locker ko. Medyo...err.... ineexpect ko kasi na maglalagay siya. At aaminin ko, hinanap ko. Tinanong ko pa nga sa mga kasamahan ko kung may nakita silang sticky note. Pero wala daw. Hayy! Itutulog ko nalang ito mamaya.
Nakarating na ako sa bahay namin. Nagpark na ako at pumasok na sa loob ng bahay. At syempre ang unang una kong makikita ay si Papa na nanunood ng tv. Si Mama siguradong nasa kusina. Si Shara, ang bunso kong kapatid, ay siguradong nasa kwarto niya at naglalaptop nanaman. 2nd year high school na si Shara eh kaya gayun.
'' Pa, Ma. Andito na po ako.'' sabi ko pagkapasok ko.
'' Oh anak, kain ka na dun.'' sabi ni Papa.
'' Sige po.'' sabi ko. Pumunta muna ako sa kusina at nakita si Mama na naghuhugas ng pinggan. Hinalikan ko si Mama sa pisngi.
'' Hi, Ma.'' sabi ko.
'' Oh, Shack. Kain ka na. Sorry di ka na namin naantay. Ang tagal mo kasi eh nagutom na kami.'' sabi ni Mama.
'' Okay lang po. Lagay ko lang po ang bag ko sa taas.'' sabi ko.
'' Sige. Baba kaagad at kumain.'' sabi ni Mama. Tumaas na ako at nakasalubong ko ang kapatid ko.
'' Oh kuya, andiyan ka na pala.'' sabi niya.
'' Hinde. Picture ko lang ito!'' sabi ko.
'' Ahhh... ang galing. Naka3-D ka ata.'' sabi niya. Ganyan talaga ang kapatid ko. Nalulusutan lahat ng pambabara ko.
'' Saan ka pupunta?'' tanong ko.
'' Sa langit.'' sabi niya.
'' Ahh.. bakit pata--'' hindi niya na ako pinatapos.
'' Hindi pa ako patay. AT syempre good girl ako kaya mapapapunta ako sa langit. Sama ka? Pakabait ka muna!'' sabi ni Shara.
'' Tssss... pumunta ka na nga sa pupuntahan mo.'' sabi ko. Tapos pumasok na ako sa kwarto ko. Galing din mambara niyang si Shara. Binaba ko na ang bag ko sa desk ko. Napatingin ako sa side table ko. Nandun ang picture ng buong pamilya ko at picture ni Jijey. Akala nga dati ng mga magulang ko girlfriend ko pero hindi best friend ko lang. Gusto ko sanang maging girlfriend ko siya pero nakakatakot. Best friend ko kasi siya at baka pag nangyari yun masira lang ang friendship namin.
Bumaba na ako at kumain. Pagkatapos nun umakyat na ako at naglinis ng katawan saka natulog. Pagod nadin kasi ako. Nakakapagod kayang magtraining tapos may drama pang nangyari. Nakakaasar lang talaga si Elouise. Wag na wag niya lang ulit gagalawin si Jij kundi magkalimutan na talaga kami. Hay! Itutulog ko nalang ito at sana bukas busy ulit si Vincent para masolo ko ulit si Jijey.
===========
YUMI'S POV
===========
Naisip ko, hinanap kaya ni Shack ang note ko para sa kanya? Probably, hindi. Ang lagi niya namang hinahanap ay si Jijey. Kahit ano talagang gawin ko, invisible parin ako sa kanya. Invisible din ang feelings ko para sa kanya. Masakit pero kailangang tanggapin. Sapat na siguro na naparamdam ko sa kanya na may nagmamahal sa kanya. At sapat nadin sa akin na magkaibigan kami.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Teen FictionAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)