Sending You a Valentine Kiss [Bianca and Miguel]
(By: EkaytheOne)
~~Hannah's POV ~~
Friday morning, nasa school ako nagbabantay ng booth namin, valentines day kaya lahat busy. Busy ang mga SSG officers sa mga pag-aasikaso ng event, while yung iba busy sa pag pi-PDA. yuckz! Pero ako, ito nakaupo lang naghihintay na lumapit si crush. hayy... wla naman akong magawa kundi maglaro ng fluppy bird, nakakaaddik.. pero hindi ako adik noh, sadyang wla lang talaga akong magawa . SO BOOORING! wala akong kablind-date, kalove-chain man lang .
Tiningnan ko yung mga booth sa paligid, ang ganda at ang saya.. Merong isa na kakargahin ng boy yung girl at ililibot sa field. ang sweet nga nung couple eh. Meron ring nakachain while naka sakay ng tricycle na punong-puno ng balloons at bulaklak. ang cute nilang tingnan, kilig na kilig pa nga yung girl eh. Mabuti pa sila sulit na sulit ang last valentine day ng high school life nila, samantalang ako?haiiish....
Habang ako'y busing-buby saking lablayp aii este flappy bird pala, bigla nalang may malambot na bagay ang dumapo saking pisngi.
"1 kiss mark for miss Hannah Gonzales from her secret admirer."
Dugdug-dugdug. . .napatulala ako nang makita ko ang lalaking may hawak ng kiss-mark. ang gwapo naman kasi eh kahit kelan hihihi.... Bigla nalang akong kinabahan sa kanya.
"Sorry, trabaho lang eh.. ok lang bah?" tanong nya
"Ahh.. ouh.. ok lang." umayos naman ako at napahawak sa pisngi ko.
"Salamat nalang dito.." dugtong ko
"Salamat?" -sya
"Ah.. ouh, para sa nag-utos.." -ako
"Admirer mo?" -sya
"Ouh ganun." -ako
"Hmm.. hindi ka ba curious kung sino ang secret admirer mo?"
"Hah.. ah eh.. sino?"
"Secret.. di pwedeng sabihin eh.. rule 'to"
"Yun naman pala eh.."
"Sige mauna na ko sayo, may task pa kong dapat gawin." tsaka umalis narin sya at na-iwan ng smile.
"Salamat ulit.." habol ko. Pero hindi nya ito narinig.
Yun nga pala si Carlo. Ang first love ko.. Si Carlo na lihim kong minamahal noon pa, pero di nya ito pansin.. Nagtitiis nalang ako sa twing gusto ko syang yakapin, di naman kami close eh. Isa syang SG officer at nagbabantay ngayon sa kiss-mark booth. Yan si Carlo mabait yang tao, at syempre gwapo yan.. Sa twing nasa malayo sya , wala akong ginagawa kundi ang pagmasdan sya, kaya lalo akong nahuhulog sa kanya.
Teka, kanino kaya nanggaling ang kiss-mark nato? Akala ko pa naman sa kanya 'to galing.. Isa lang pala syang facilitator sa booth na yun. Assuming ko talaga. Sayang,, nagthank you pa ko sa kanya.. Wala nga talaga syang gusto sakin noh.. dahil ok lang sa kanya ang may admirer akong iba. Ang sakit namang isipin..
Napabuntong hininga nalang ako. Eh sino ba naman ako para magustuhan nya?.... Pero sana sya nalang mismo ang may utos nung kiss-mark ko..
BINABASA MO ANG
Sending You Valentine Kiss
Teen FictionHello readers! I'm Ekay, and this is my first one shot story on wattpad. But hope you'll like it. ^_^ Enjoy reading!!