Hello everyone,
Sorry lang kung may grammatical errors..
Sorry sa typing errors..
Kasi trying hard lang ang authors.
Pagbigyan n'yo na parang awa n'yo na..
😂😂😂😂------_----_------
"SURPRISED!!!"
OTHER PEOPLE's POV
Nagulat si Steven at Isiah sa mga bisitang dumating, niyakap ni Steven si Seven at Sky. Nang tumingin siya kay storm kinamayan niya ito, saka tinignan si Vicky at binati...'Awkward'"Hi guys! I'm sorry I'm late!" Ani Miyu na kumakaway pa.
Nang makita ni Isiah si Miyu ay patakbo niyang niyakap ang kaibigan, kahit na 'di niya maintindihan ang dahilan ba't nandirito sila ay masaya pa rin siya.
"Isiah beshy, I miss you..." Ani Miyu
"I miss you too beshy."
At inaya na niyang pumasok ang bestfriend. Nang mag cross naman ang tinginan ni Vicky at Miyu, biglang nagtaas ang kilay ang huli, samantalang si Vicky ay mataray ding nakipagtitigan.
Sa tensyon na nararamdaman ay inakbayan ni Seven si Miyu dahilan nang pagkagulat niya, nanlaki ang mata niyang niyakap si Seven saka nagsisigaw. Bumalik na ang idol niya, dalawang taon na rin ang nakalipas.
"Oppppaaaaa!!"
Tawa naman nang tawa si Isiah sa saya na nararamdaman ni Miyu nang makita ulit ang kanyang pinakamamahal na oppa. Habang si Vicky umiikot ang mata at tila nag mamaldita, na agad namang nakita ni Miyu. Hinarap niya ito.
"May sakit ka ba sa mata? Ex friend?" Tanong ni Miyu kay Vicky.
"What?"
Napangiti naman si Miyu sa tanong ng dating isa sa matalik niyang kaibigan, dalawang taon na ang nakalipas at 'di pa rin ito nagbabago.
MIYU: "Hindi lang pala mata may deperensya, pati tainga..." Aniyang nakangiti. "Kasi napapansin ko panay ikot ng mata mo, I'm just concerned that maybe your eyes had a problem, na pa-check mo na ba 'yan?"
Inawat ni Isiah si Miyu, at si Storm naman inaawat si Vicky. 'Di talaga pwedeng magpang-abot ang dalawa na 'to. Marahil 'di ni Miyu makalimutan ang mga ginawa at pagbabago ni Vicky nung highschool pa lang sila.
-------_--------_---
*****************
ISIAH's POVHanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, wala akong maintindihan sa sorrbrang surpresa ko, niyakap ko si Seven nang mahigpit, na miss ko din siya, dalawang taon din na 'di kami nagkita.
"How are you?" Tanong ni Seven
"I'm fine, ikaw musta ka naman? Medyo nag-tan ka dun ah at naging binatang-binata ka na tignan."
Natawa si Seven sa sinabi ko, niyakap ko din si Miss Suzie at Sir Sky. Nakita kong kinakamayan ni Steven si Storm at nag-hi siya kay Vicky. Inakbayan naman niya ako nang makalapit ako para batiin ang dalawa, saka bumalik ulit kay Seven, 'di pa man ako nakapag salita ulit ay may narinig akong.. "Hi guys! I'm sorry I'm late"

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...