CHAPTER3 (Selos)

1 0 0
                                    

CHAPTER 3 (Selos)
Naging mag kaibigan kami ni Nicole. Itinago ko yun kina Karl,Aaron,Dashviel at Paul sabi kasi ni Nicole wag ko dawng sabihin tinanong ko siya kung bakit ayaw niya pasabi sagot lang niya sakin "basta"

Halos sabay kaming kumain ng lunch at ng break, at sabay din kaming pumapasok at umuuwi.

Nag sasabihan din kami ng sekreto dahil may tiwala na kami sa isa't isa.

Di ko pa rin naman nalalayuan si Miguel kaya hanggang ngayon ay mag kakaibigan pa rin kami.

Kung nananatili ang friendship namin ni Miguel ay siya namang pag layo ni Dashviel.

Nag tatampo ba siya? Kailangan ba na mag sorry na ako? Sa tingin ko naman wala akong nagawa kong mali diba?

Papunta kami nina Miguel at Nicole sa canteen nang nag paalam si Nicole na may kukunin siyang gamit sa room nila na nasa 5th floor kaya sa tingin ko ay matatagalan pa siyang bumalik.

Nauna na kami ni Miguel sa canteen ng makita ko sina Karl,Dashviel,Aaron at Paul na kumakain.

Napatingin ako kay Dashviel na nahuli ko naka tingin sa akin at nag iwas ng tingin.

Ngayon ko lang na realize na nag tatampo siya. Luh parang di lang nalibre ganun na siya.

Seloso ba siya?

"Ok dapat na nating iwanan si Dashviel"sabi ni Paul.

"Ok"sang ayon ni aaron at karl

Siguro kaya nila iiwan si Dashviel para makapag usap kami ng maayos.

Siguro para maayos namin yung tampuhan namin.

"Mauna na rin ako"sabi ni Miguel.

Naiwan na lang kami ni Dashviel sa canteen.

Wala din ang mga tindera doon kasi may binili lang at may isinasikaso. So kami na lang talaga ang nandito.

"Sorry"sabi ko sa kaniya

Di niya ako pinansin dahil ginagamit niya ang cellphone niya.

Kinuha ko ang cellphone niya para makapag usap kami ng maayos

"Hoy ano ba kausapin mo naman ako nagmumukang tanga nako dito!"sabi ko ng pasigaw at
Don lang niya ako tiningnan

"Ano ba paguusapan natin?"sabi nya

Nagulat na lang ako ng tumutulo na ang luha ko

Iyakin kasi ako konting sigaw ko lang naiiyak na ko

"Ano bang ginawa ko sayo? Bakit di mo ako pinapansin?"tanong ko sa kaniya.

"Kasi nagseselos ako Louisse!"sagot niya na sumisigaw.

Bakit naman siya magseselos?

"Bakit ka naman nag seselos?"tanong ko

Natahimik siya at di ako pinansin. Ano naman kaya ang dahilan niya? Bakit naman siya nag seselos?
Di niya ako sinagot.

Alam ko na narinig niya ang sinabi ko. Tumayo na siya at aalis sa canteen. Lalabas siya ng tumayo ako at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Sorry"sincere kong sabi habang umiiyak

Matagal bago siya nagsalita. Kanina pa ako nag iintay sa sasabihin niya. Bibitawan ko na sana ang kamay niya ng hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Sorry"sabi niya.

Nagulat ako nang nag sorry na siya. Nawala ang pangamba ko na hindi na kami magiging mag kaibigan. Humarap siya sa akin at nakita ang umiiyak kong mukha. Binitawan ang kamay ko at niyakap niya ako.

You And IWhere stories live. Discover now