---------->
Lance Ryuji Rednaxela at the right side. See his picture ^^
Ryuji’s POV
(_ _)zzZZ
“LANCE!”
*whoooosh*
(0__0)!! WHAT THE-
“Bumangon kana nga diyang lalaki ka! Anong oras na!? May pasok kapa!” sabi nang taong mabunganga sa harapan ko. Sh*t!
“Give me 5 minutes!” Tinatamad kong sabi sabay taklubong ulit ng kumot.
*pak*
(0__0) ANAK NG-
“Kapag di ka pa diyan bumangon... pwes confiscated lahat ng auto mo.” Banta naman niya.
(0__0)!!! ANO!? HINDI PWEDE IYON!
“ATE NAMAN!” Angal ko sa kanya sabay balikwas at upo sa kama.
“Don’t mess up with me Mr. Rednaxela. Kapag di kapa bumangon diyan...” sabay angat niya sa kanyang kamay at hawak-hawak ang lahat ng susi ng mga babies ko. (0__0) NO F*CKIN WAY! HINDI PWEDE!
“...I’ll give all of these keys to Dad.” Sabay yugyog pa sa mga susi.
(-__-)++ Great. Ginawa na naman niyang pangblackmail sakin yung mga babies ko. TAKTE NAMAN OH!
“Oo na, oo na! Babangon na!” Iritable kong sabi sabay padabog na hinawi yung kumot at nagtungo sa CR. Pesteng buhay ito!
“Be sure na papasok ka kundi talagang lagot ang mga babies mo kay Dad.” Banta ulit niya sabay labas ng kwarto.
Nakakairita talaga si Ate kahit kailan. Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng kapatid na kagaya niya? Siya si Hana Rednaxela, ang nakakatanda kong kapatid. Isa siyang sikat na model sa Japan at nandito siya ngayon kasi siya muna ang hahalili kay Dad sa pagpapatakbo sa University.
And yes... we own a school, Rednaxela University. Exclusive school siya para sa mga mayayaman, anak ng artista, politiko, at iba pa diyan. (-__-)
Bago ko makalimutang magpakilala... I’m Lance Ryuji Rednaxela, 16 years old at incoming Senior sa R.U. Half-Japanese at Pilipino ako. Anak ako ng may-ari at President ng Rednaxela Group at ng Rednaxela University.
Not to mention... I’m also a gangster. I am known as Master of the Black Spades Gang, ang top one sa lahat ng gangster dito sa Pilipinas. But we are not the gangster that everyone used to know na pumapatay ng tao. We do gang battles pero hanggang doon na lang ang limit namin. Pero kapag talagang may pinatay ang ibang gang na members ng Black Spades talagang hindi ko na sila mapapatawad.
Lima kaming head sa gang at may mga underlings din kaming hawak. Sina Vinxe, Jasper, Dariel at Shean ang mga kasama kong bumuo ng gang na ito. Huwag ninyo ring maliitin ang gang namin kasi kilala rin ang Black Spades bilang isang boy band. Hindi lang kami sa basag-ulo magaling, magaling din kami pagdating sa larangan ng music.
Ang totoo niyan ay sa larangan ng musika kami talaga sumikat pero parang sideline lang namin ang pagkanta at pagtugtog.
I’m the rank 1 gangster here in the Philippines and internationally. If you’re doubting my skills, I excel in Taekwando, sa katunayan ay black belter ako. May alam din ako sa ilang mga martial arts at pati na rin sa kendo. Marunong din akong humawak ng baril at mga daggers pero hindi parati ko iyong nagagamit.
Tama na nga ang kwento, malalaman niyo rin kung sino talaga ako sa mga susunod ng pahina ng kwentong ito. Tinatamad na akong magkwento pa. (=__=)
Nang matapos akong mag-ayos ay tinignan ko naman yung mga susi ko sa lagayan. TAKTE! Kinuha ni Ate yung siyam kong susi, ang itinira lamang niya ay yung susi ni Shana. Huwag na kayong magtaka kung bakit may pangalan yung red Ferari ko dahil ganon talaga ako sa mga kotse ko. I give them names at trinatrato ko silang parang mga girlfriend ko na din.
Kaya bago pa ako mapuno ay kinuha ko na lang yung susi at tsaka bumaba na.
Nadatnan ko naman sila Dad at Ate Hana na kumakain na sa may kusina. At talagang hawak-hawak ni Ate yung mga susi.
“Ate, give me back my keys.” Maawtoridad kong utos sa kanya.
“I will not return these keys to you unless you’ll go to school straight.” Seryoso niyang sabi.
“Listen to your sister Lance, she knows what’s best for you.” Dad commanded while drinking his coffee. AAAARGH! Bakit ba parati na lamang ganito ang buhay ko,
“Pero DAD!” Angal ko.
“Respect Son. Hindi kana bata pa para umarte ng ganyan sa harapan ko ngayon. Kung pinagbibigyan kita noon, hindi na ngayon. Malaki kana at balang-araw ay ikaw ang magmamana ng lahat ng ito.” Medyo pagalit na sabi ni Dad.
Naikuyom ko na lamang ang aking mga kamao dahil doon. Walang araw na hindi ako kinokontrol nila Ate at Dad. Ano ba kasing nagawa ko at bakit ba palaging mainit ang dugo nila sakin. (=__=)
“Soon, you’ll understand anak kung bakit ko ito ginagawa sayo. It’s for your own good.” Sabay inom ulit ng kape niya.
“Whatever.” Ako sabay talikod na at lumabas.
“Lance! Kumain ka muna!” Pahabol na sigaw ni Ate Hana.
“Hindi na. Nawalan na ako ng gana.” Sabay bitbit nung bag kong nasa living room at luamabas na nang tuluyan. Nasasakal na ako sa pamamahay na ito.
Nagpunta kaagad ako sa garahe at nadatnan naman doon si Mang Alfonso, ang family driver namin na nag-aayos ng kotse.
“Magandang umaga po Mang Alfonso.” Bati ko sa kanya.
“Oh, magandang umaga rin naman sayo ijo.” Sabay tayo at punas ng kanyang mga kamay. “Hindi kaba magpapahatid?”
“Hindi na po Mang Alfonso, baka makaistorbo lang po ako sa ginagawa ninyo. Besides, alam ko na pong magdrive.” Ang sabi ko sabay bukas sa pinto ni Shana.
“Oh, bakit si Shana ang gagamitin mo at hindi yung iba?” Nagtatakang tanong niya. “Hindi ba matagal mo nang hindi ginagamit iyan?”
Updated iyang si Mang Alfonso, bukod sakin, alam niya lahat ng pangalan ng mga babies ko sa garahe.
“That’s the point Mang Alfonso, matagal na nga pong hindi nagagamit pero kailangan kong gamitin ngayon.” Iritable kong sagot.
“Kinuha na naman ng kapatid mo yung mga susi mo ano?” Iling-iling niyang sabi sabay pagpapatuloy ng kanyang pag-aayos sa kotse.
“Yeah.” Sagot ko habang pinupunasan yung windshield ng kotse ko.
“Hays nakung bata ka talaga, kailan pa kayo magkakasundo ng ama mo at ng kapatid mo?” Sabi niya.
“Kapag siguro tumalon na ang bato tsaka kami magkakasundo ni Tanda at ni Ate Monster.” Ako. (=__=)
“Hay naku ijo, hindi na talaga kita maintindihan.” Siya sabay iling-iling.
“Sigeh po Mang Alfonso...” Sabay paandar ko sa engine ng kotse. “Papasok na po ako.”
“Aba sigeh ijo, mag-iingat ka sa pagpasok.” Siya.
“Opo.”

BINABASA MO ANG
Your Angel
RomantizmPaano kung ang isang anghel ay natagpuan ang kanyang nawawalang katauhan sa isang devil. Paano kung mabihag siya nito sa irang trap na tinatawag na PAG-IBIG. Magawa pa kaya niyang makaalis sa trap na ito o ipaglalaban niya ang kanyang nararamdam par...