Hailey's POV
"I'm sorry." Paumanhin ko sa nabangga 'kong umiinom at ang masama pa doon ang nabangga ko ang SSG Vice President ng school na si Keisha Gonzales. Ang kakambal ni Keira.
"Oh my god! Look what you did to my clothes." Iritableng sabi ni keisha sa akin. Dali dali 'kong pinunasan ang damit niya gamit ang tissue nang bigla niyang hampasin ang kamay ko.
"Eww wag mo ngang mahawak hawakan ang damit 'ko, hindi mo ba alam na mahal 'to? Gosh." Sigaw niya sa akin.
"Hindi naman sadya ni hailey na mabangga ka." Pagtatanggol ni mika sa akin.
"What?! Malamang sa laki niyang 'yan mababangga niya talaga ako." Sabi ni keisha.
"Nag sorry naman siya kaya wag mo naman siya pagsalitaan ng ganyan." Sagot ni mika.
"Walang magagawa ang sorry niya sa pag dumi niya ng mamahalin 'kong damit. Kaya ikaw palitan mo 'to." Duro ni keisha sa akin. Pagkasabi niya noon ay biglang dumating si clyde. OMG! Hindi kaya ipagtatanggol niya ako?
Habang papalapit si clyde ng papalapit ay nag iimagine ako ng kung ano ano. Siya na ba ang super hero ko? AaAaAaa
"Hey what's happen?" Nagtatakang tanong ni clyde sa amin nang marinig niya ang sigaw sa akin ni keisha.
"Nothing, nabangga niya kasi ako habang umiinom pero hindi niya naman sadya. Can you help me to clean this please?" Pagpapaawa ni keisha kay clyde. Tumango lang si clyde.
Tumalikod na si clyde at naglakad at sumunod naman sakanya si keisha pero inirapan muna niya ako bago tuluyang umalis. Bakit ganun? Natapunan rin naman ako pero hindi ako tutulungan ni clyde ko. Unfair!
Buti na lamang at may dala lagi akong extra na damit dahil lagi naman ako pinagtritripan ng mga schoolmates at classmates 'ko. Bumalik na uli kami ni mika sa room at hindi naman natuloy ang painting dahil kulang sa time kaya ipagpapatuloy na lang bukas.
"Ang tagal mo naman ata sa CR, hailey?" Tanong sa akin ni dianna.
"Oo nga, don't tell me nagdumi ka?" Pang-aasar ni aira at nagsitawanan naman ang lahat.
"Oh my gosh ang baho nanaman niyan sa CR. Buti nasikmura mo ang amoy mika?" Natatawang tanong ni keira kay mika.
"Ano ka ba keira? Malamang yun ang perfume ni mika." Sabi ni dianna at nagsitawanan nanaman ang lahat.
"Nagpalit lang siya ng damit at tinulungan 'ko lang siya maglinis kaya wag niyo nga kaming inaasar." Inis na sabi ni mika.
"Oh really, Pano kung ayaw namin?" Nakapamewang na sabi ni keira sa amin.
"Kung ganun makakalaban niyo ako." Inis na sagot ni mika.
"Oh my god! So scary jeez." Sarcastic na sabi ni keira at sinabayan nanaman ng tawa nang lahat.
"Mika tama na, hayaan mo nalang sila titigil rin ang mga 'yan." Bulong ko kay mika. Napabuntong hininga nalang siya at bumalik na kami sa table namin.
Kinuha ko ang diary 'ko at sinulat ko ang mga nangyari sa araw ko ngayon at lalo na ang nakakakilig na makita 'ko si clyde kanina. Dito ko sinusulat lahat ng mga ganap sa buhay 'ko araw araw at lalo na ang pinaglalabasan 'ko ng nararamdaman ko para kay clyde.