Everything were going smoothly, parang sobrang gaan sa pakiramdam na ngayon ay wala na akong problemang iniisip.
Nagising ako sa ingay dahil paghila ng upuan kaya agad akong nag-angat ng tingin.
"Ang aga mo yata?" Nagtatakang tanong sa akin ni Diary habang inaayos ang palda nya bago umupo. Kinusot ko muna ang mata at bahagyang nag-inat bago ko sya sinagot.
"Hindi ba at may exam ulit tayo, ayoko lang mahuli." Bahagya syang tumango bago naglabas ng libro.
Bahagya kong inayos ang posisyon ng katawan ko para harapin sya. Marami akong gustong tanungin sa kanya. Siguro ay ito na ang tamang pagkakataon. Pakiramdam ko kasi ay mas lalong lumalayo ang loob namin sa isa't-isa.
Madalas na kasi syang absent at halos hindi na namin nakakasama katulad ng dati.
"Diary," Tawag ko sa atensyon nya pero hindi man lang sya nag-angat ng tingin sa akin then this time I'm sure that there's something wrong.
"May problema ba?" Pagpapatuloy ko, nakita kong bahagyang kumunot ang noo nya at inilipat ang pahina ng librong binabasa.
"Anong problema?" Balik nya sa tanong ko ng hindi man lang tumitingin sa akin, mariin kong pinaglapat ang labi.
This is not the Diary that I used to know. Given na hindi sya palakibo pero yung pakikitungo nya ngayon sa akin ay talagang nakakapagtaka.
"Alam kong meron Diary kahit hindi mo sabihin." Mahinahon kong sabi.
Pinanuod ko kung paano nya maingat na sinara ang librong binabasa bago ako balingan ng tingin. Blangko ang ekspresyon nya kaya hindi ko alam kung galit ba sya o ano.
"Bakit tinatanong mo pa kung alam mo naman pala?" Nahimigan ko ang pagkasarkastiko ng boses nya kaya bahagya akong nagulat pero agad din akong nakabawi at pinaningkitan sya ng mata.
"May gusto ka ba kay Faustin?" Hindi ko na napigilan ang lumabas sa bibig ko, maybe she thinks that there's something between me and Faustin kaya sya nagkakaganito.
Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ito ang una kong naitanong, nakita kong umangat ang sulok ng labi nya habang mataman akong tinititigan.
"Bakit gusto mo ba sya?" Nang-aasar na nyang tanong pabalik sa akin na nakapagpapula ng mukha ko, awtomatikong kumuyom ang kamay ko dahil sa pagka-inis.
Inayos nya ang suot na eyeglass bago nagawang ngumiti. Nagkibit balikat lang sya at muling bumalik sa pagbabasa kaya padabog akong tumayo para lumabas.
"It's alright if you like them both, Coligne pero sana wag puro sarili mo na lang ang nasa isip mo. Don't be selfish." Makahulugan nitong sabi na nakapagpahinto sa akin, magsasalita pa sana ako ng nakita ko nang papasok si Marie at Jona.
"Good morning!" Masigla nilang bati, mabilis silang naglakad patungo sa akin saka ako inakbayan.
"Pakopyahin mo kami mamaya Miss President." Nakangising sabi ni Jona sa akin.
Tipid na tango lang ang isinagot ko at mas piniling bumalik na lang ulit sa upuan.
Nagsimula na ang klase pero wala pa din si Faustin, nang dumating ang lunch break ay hindi sumabay sa amin si Diary dahil nagpaalam ito na uuwi daw sya.
"Parang may mali." Bulong ni Marie habang nakalumbaba sa lamesa.
"Maling-mali talaga." Segunda ni Jona habang nakatutok sa cellphone na hawak.
"A-ang alin?" Kuryoso kong tanong.
"Pakiramdam ko talaga ay may tinatago itong si Diary eh. Palagi na lang yan uuwi tuwing tanghali hindi lang natin nahahalata dahil nga masyado syang tahimik." Paliwanag ni Marie na nakapagpaangat ng tingin ni Jona.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...