Ako si Bella mayaman at masaya ang kinagisnan kong pamilya .Sa totoo lang hindi nila ako tunay na pamilya ,ngunit minahal nila ako ng higit pa sa tunay nilang pamilya . Si Ana ang lagi kong kalaro sa tuwing aalis ang kaniyang Mama at Papa (na mama at papa ko na din .Si Ana ang lagi kong kasama at dahil doon ,mas ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya.Akala ko ang saya na mararanasan ko ay hanggang dulo na,ngunit natapos ang lahat sa isang malagim na gabi .
Pasado alas-diyes na ng gabi ng napagdesisyon naming magpahinga . Ngunit isang malakas na putok ng baril at sigaw ni yaya Adel ang bumulabog sa tahimik naming gabi.
Dali dali kaming bumaba lahat upang tingnan kung ano ang nagaganap . Wala ng buhay si Mang Andoy na aming hardinero at si Yaya Adel naman ay hindi na makausap sa panginginig at takot .
"Ana pumasok kayo sa loob ng iyong kuwarto at wag na wag lalabas kahit anong mangyari ha!" ,ang pakiusap
sa amin ng aming ina.Dali dali kaming pumasok sa loob ng kwarto . Ikinanandado ang pinto at nanginginig sa takot .
Kinig na kinig sa loob ng kwarto ang bawat sigaw ng mga masasamang lalaki na pumasok sa aming tahanan.
"Papatayin namin kayong lahat, at hinding hindi kayo makakaligtas ", ang malakas na sigaw ng lalaki.
Kasabay ng malakas na putok ng baril na syang nagpasigaw ng aming ina.
Agad kaming tumakbo palabas ng kwarto upang puntahan namin ang aming ina .Kinig na kinig ang hagulhol at pag mamakaawa
Ng itinuring kong ina.Ano bang kailangan niyo samin? Pakiusap wag mo akong papatayin, paki -.....
Hindi pa natatapos ang pagsasalita ng aming ina ng bigla siyang binaril sa kanyang ulo . Kitang kita namin kung paano sya humandusay sa sahig . Kasabay nito ang pag hagulhol ni Ana.Gusto kong sumigaw at umiyak ngunit di ko magawa .
Agad kaming nakita ng masamang lalaki na pumatay sa aming ina , agad kaming tumakbo ng mabilis dahil agad tumakbo ang lalaki upang kami'y habulin.
Itinago ako ni Anna sa isang malaking Cabinet. " Bella, wag kang lalabas dyan ha. Mahal na Mahal kita ", saad niya at agad tumakbo . Ngunit hindi pa siya nakakalayo at agad siyang bumulagta sa sahig. Kitang kita ko sa konting bukas ng pinto ng cabinet.
Agad umalis ang mga masasamang lalaki ng marining ang sirena ng pulis.
Ako lamang ang nakaligtas sa aming pamilya. Ako lamang ang nadatnan ng mga pulis na natira sa aming tahanan.
Gusto kong isiwalat ang aking lahat na nakita at nasaksihan.Gusto kong maging witness upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa aming pamilya. Ngunit paano ? Paano ko isiswalat ang lahat ,kung wala akong kakyahang magsalita dahil akoy isa lamang manika na saksi ng lahat .....
YOU ARE READING
Saksi
FantasíaAng kwentong ito ay patungkol sa isang saksi na hindi kayang isiwalat ang kaniyang nakita.