What if mapipilitan kang tumira ka sa isang bahay na super pang-mayaman at ang may-ari ay super sadista/sungit naman?
What if wala kang ibang choice kundi ang tumira kasama siya? (as in kayong dalawa lang?)
Carry mo kaya?
____________________________________
-ONE-
Past memories,well that's why my life is not that perfect.
-Cloud
Live happily and just forget the bad memories.
-Skye
.................
SKYE’s:
The piercing ringtone of my phone woke me up. Grabe naman super early may nambubulabog na!
“Hel---“
“Skye!” bulalas ng boses sa kabilang linya.
“Where are you? Bakit hindi ka umuwi kagabi?” si Ate pala ang tumawag. I looked at the clock on the wall and the time is 5:24 am.
Right timing naman pala ‘tong si Ate kasi mga 6 am ako kadalasang gumigising.
“Nasa Malaysia ako, Skye! And guess what? I’m Getting married!”
Napamulagat ako ng super!
“Ano na namang---“ hindi man lang ako pinatapos sa dapat kong sabihin sa magaling kung kapatid.
“I know,I know, nabigla ka, sorry! Sorry---“
“Nabigla? To heck with that,Ate!”
“Skye, what can I do? This is true love---“
“Lecheng true love ‘yan!” I shrieked. “May nangyari ba sa true love mo kay John,kay Ron,kay Frank---!”
“This time it’s true na,Skye,promise!”
“Sa fifteen promises mo,sixteen ang hindi natutupad!”
“Skye kahit ano pa ‘yang sasabihin mo, I’m getting married in 10 minutes. I’m just calling you to remind you na bayaran na ng bahay ngayon, I can’t come home kaya hindi ka makakabayad kay Mrs. Tan. Kaya umalis ka muna diyan---“
“At saan naman ako pupunta?”
“May nephew ‘yong mapapangasawa ko,ite-text ko lang sayo ang address niya. Doon ka muna for three months---“
“Three months? I know na naloloka ka na,pero naloloka ka na ba talaga?”
“Sige na, magsi-six na, diba? Mag-impake ka na bago ka katukin ni Mrs.Tan. Lagot ka kapag di ka naabayad.”
“Sandali lang, you can’t do this to me At—“ pananakot ko sa kanya.
“Andito na ‘yung mapapangasawa ko. I’ll text you the details. I love you, Skye! Keep in touch! Babush!”
“Hindi mo pwedeng gawin ‘to sakin Ate!” hiyaw ko sa kabilang line pero wa epek.
Nawala na pala ang kausap ko.
I glanced at the clock,5:32.
No time to waste, nagmamadali akong tumungo sa banyo at naligo, then nagbihis at hinagilap ang mga kakailanganing i-impake.
In less than 10 minutes, mission accomplished na aketch.
Wala namang masyadong gamit sa bahay kaya madali lang akong natapos.
Lahat kasi ng essentials,nakalagay na sa isang maleta na pang ready-to-go para sa mga emergency na gaya nito.
Ah may nakalimutan pa pala ako na isang bagay na ilalaban ko ng patayan —ang aking laptop na pineste ko pa kay ate nang magkaron siya ng credit card.
Hila-hila ang maleta na halos kasing taas lang ng beywang ko,parang ninja na binuksan ko ang pinto ng maliit naming bahay.
Sinulyapan ko ang watch ko,5:45.
Tumingin ako sa kaliwa’t kanan---amazing, the coast was clear:penguin: .
Then as if hinabol ako ng sampung aso,dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay na halos 4 years din naming tinirhan ni Ate Joanne.
I did not even look back once at the old house.
Ganito kasi ako,laging nagmamadali kaya wala ng panahon para lumingon pa.
CLOUD’s:
I woke up with the incessant buzzing of my doorbell.
Kahit takpan ko pa ng napakaraming pillow ang ears ko, na umaasang mahaharangan niyon ang ingay.
Wala na talaga akong masabi sa mga taong ayaw tantanan ang buhay ko,mukhang pati bahay ko ay alam na ng mga ‘to.
Mabuti sana kung tungkol sa new song na pino-produce ko ang itatanong, pero hindi.
Limited ang concern ng mga ‘to kung sino ang huli ko ka-date. Useless publicity ‘yon para sakin.
Hindi sa nagkulang ako sa publicity, hindi pa ako nakatapos ng pag-aaral ay madalas na akong ma-cover sa mga magazines,etc.etc.
And now at the age of 24, household name na kaagad ako. Lifestyle magazines, broad sheets, tabloids ---FHM mens magazine at ilang mens magazine na lang yata ang hindi ko pa naco-cover.
Halos everyday din akong laman sa news entertainment,social network, radio,etc.
Ikaw ba naman ang maging ala-kambal ni Chace Crawford at maging youngest singer-songwriter/producer na nanalo sa prestigious event sa music industry,ewan ko lang kung hindi ka dudumugin ng media.
Back to the topic, diniinan ko ang pillow na itinakip ko sa tainga ko pero sa kasamaang palad, wlang laban ang feather pillow ko sa matinis na sound waves na likha ng doorbell.
Cursing, marahas akong tumayo mula sa bed, and hinagilapang t-shirt na naka-display sa floor,sinuot at padabog kong tinungo ang pinto.
Wala kasing maid kaya ako lang mag-isa sa napakalaking bahay na’to.
Pasensya di naman ako masyadong rich kaya huwag kayong mag-isip ng kung ano diyan.
Sinilip ko mula sa peeping hole ang aking buwisita. It’s a girl, maybe about twenty years old or so ang nakita ko.
Tall,payat,long hair na magulo na parang hindi man lang nagsuklay bago mang-istorbo and as if nanggaling pa mula sa roller coaster .
Sabog ba ang taong 'to?
At muli siyang nag-doorbell.
Kung isa ‘to sa mga fans/stalker ko ang babaeng ‘to, I’m sure she was surely going to get it.
With that in mind,asar kong binuksan ang pinto.
And you what was her reaction?
Natulala dahil sa kagwapuhan ko or....
Parang ewanlang talaga siya?. +_+
BINABASA MO ANG
Love Like Oxygen d(^.^)b
RomanceWhat if tumira ka sa isang bahay na super pang-mayaman at ang may-ari ay super sadista/sungit naman? What if wala kang ibang choice kundi ang tumira kasama siya? (as in kayong dalawa lang?) kaya mo kaya?