Chapter XXXIV

19 1 0
                                    





Psyche

"Grabe naman" Yun lang nasabi ni Eury sa bonggang flashback ko.

"Pero bakit mo nasabi kay Orpheus na pangalawang beses mo nang nahuli na ganon sila?" Tanong ni Eury kaya ningisihan ko siya.

"Eto yung nangyari"

Flashback
(Author's note: Eto po ang nangyari sa Chapter II na hindi alam ni Eury at ipinakita sa isang CCTV sa chapter XV)

Pasipol sipol lang ako habang naglalakad papunta sa library, ganyan talaga basta maganda.

Yung library at ang floor nila Artemis ay iisa lang kaya sinilip ko muna si Artemis sa room nila pero kumunot ang noo ko ng makita kong wala siya roon at ang nandoon lang ay si Theia na kaibigan niya.

Binaliwala ko lang yun dahil baka nandoon nanaman siya sa sosyaling balcony niya kaya nagpatuloy lang ako at pumasok na sa library at pumunta sa pinakamadilim na parte ng library at kinuha yung suki kong libro. Isang napakakapal na Atlas dahil ginagamit ko ito para takpan ang cellphone ko at para naman kunwaring nagbabasa, nililipat ko naman ang mga page basta nagre resurrect yung character ko.

Sinigurado ko munang naka mute ang volume at ringtones at hininaan ang vibration tsaka nagsimula nang maglaro ng mobile legends.

Nang matapos ako sa paglalaro ay may malaking ngiti sa labi ko, nadagdagan kasi ng isang star ang rank ko kaya tumayo na ako.

Dadaan nalang ako sa madilim na aisle para naman hindi ako mahalata ng librarian.

Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil ino-off ko yung data ko dahil sayang naman ang load nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Napapadalas na tayong ganito ah?" Tanong ng boses babaeng sobrang pamilyar sa akin kaya kumunot ang noo ko, sino naman ang kausap ng taong ito?

"Huwag kang mag alala mahal, konting tiis nalang" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses ng lalaking iyon, kamuntikan ko pang mabitawan ang cellphone ko.

Anong ginagawa nila?

Bahagya lang akong nakasilip at nakikita kong nakaupo si Orpheus habang si Hestia naman ay nakaupo sa arm ng upuan habang paulit ulit na sinusuklayan ni Orpheus ang buhok ni Hestia.

"Hala, malapit na ang second subject namin, lalabas na ako ha?" Paalam ni Artemis habang ako ay nakatulala lang na nakasilip sa maliit na pagitan ng mga libro.

"Susunod lang ako after ten minutes" Bulong niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, galit, lungkot, pagkadismaya, pagtataka.

Nang makaalis si Hestia ay agad kong nilapitan si Orpheus at hinila ang kanyang braso.

"Ano ang ibig sabihin nito?" Gulat kong bungad kay Orpheus, agad niya akong nilingon habang nanlalaki ang mga mata niyang matagal ng malaki.

"Psy-Psyche... let me explain!" Sigaw niya kaya agad kaming sinita ni auntie Ailish kaya hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit at dinala sa balcony ni Artemis, medyo natagalan pa kami dahil sa padlock ni Artemis na may mga numbers, napangiwi ako ng maalala kong engot to magpassword

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon