Untitled Story Part

72 1 0
                                    

Nandito ako ngaun sa park. Walang tao at ang ganda din ng panahon.

Anong ginagawa ko dito?

Wala lang. Una dahil walang magawa sa bahay. Pangalawa, nakakasawang kalkalin ng kalkalin ang cellphone, magfacebook o magdota. Paulit ulit na lang.

Ewan ko ba kung bakit naaadik ang mga tao sa mga pumapatok na mga bagay na un. Tapos kapag nagreklamo ung iba sisisihin nila ung gumawa kahit mismo sila napakinabangan o nakaaliwan din ung bagay na un? Eh tayong mga tao lang din ang gumagawa ng mga kinaaadikan natin.

Pero un nga, pumunta ako dito para magpahangin at magkaron ng katahimikan kahit saglit.

Naglakad-lakad ako. Kahit wala akong ginagawa gumagaan ang pakiramdam ko kahit sa ganitong paraan lang. Mas maganda pa to kesa magbabad sa internet o sa dota.

Habang naglalakad ako, may nakita akong babaeng umiiyak.

Napahinto ako.

Naalala ko tuloy SIYA..

Sya na tulad ng babaeng yan, sa pwesto na yan, sa ganyang posisyon, umiiyak din.

Tinatakpan nya ng mga kamay nya ang mukha nya.

Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako kung bakit hindi ko man lang sya nagawang lapitan.

Kung bakit hindi ko nagawang magpakita sa kanya, kahit nandun na ako di kalayuan sa harap nya.

~FLASHBACK~

*new text message*

Tinignan ko agad ang bagong text.

From: MyChlows

I'll see you there, okay?

-

Agad akong napangiti, at nireplyan sya.

To: MyChlows

Yes, boss. ;) See you.

-

From: MyChlows

:)

-
Di ko na sya nireplyan at pumunta na agad ako sa pagkikitaan namin.

Kinakabahan ako.

Ako ang lalaki pero ako pa ang naduduwag, natatakot.

Pero syempre, magkikita na ulit kami ng babaeng mahal na mahal ko after 5 long years, at natatakot ako na baka hindi nya ako magustuhan at makilala.

Pagkapunta ko sa park, nakita ko na wala pa sya.

Naghintay ako ng mga 5 minuto at dumating na din sya, ng makita ko sya agad akong nagtago sa di kalayuan sa kanya.

Putek! Kinakabahan ako.

Di ko ata kayang lapitan sya.

Maganda sya, napakasimple pero, ang ganda nya lalo pag ngumiti.

Ngumiti na sya.

Eto un eh. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagisip ng maayos. Hindi rin ako makagalaw. Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko. Nakatitig sa kanya. Sa mga mata, ngiti. Simpleng simple. Pero ung ngiti nya, nakakalaglag ng puso.

Kinuha nya ang phone nya at ngumiti ng abot tenga.

Nagulat ako ng may magtext sa akin.

From: MyChlows

Hey. I'm here. =) San ka na?

-
Lintik! Patay tayo diyan.

Yun ang problema ko. Nandito na ako pero, hindi ko magawang magpakita sayo.

MissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon