*********Nakangiti lamang si Kath habang pinapanood kung paano humalakhak si Danilo habang nakikipaglaro ito kay DJ. Ikinuha lamang nya sandali ng merienda ang asawa at nadatnan na nitong parehas na nakasalampak sa play mat ng bata ang dalawa at magiliw na nagbubuo ng mga wooden blocks. Napansin din ni Kath ang pag-aliwalas ng mukha ni DJ na wala sa itsura nito nung nagkita sila sa opisina ni Mr. M.
Hindi maipagkailang medyo may naiba sa mukha ng asawa mula nang huli niya itong makita. Medyo humumpak ang pisngi nito at may ilang pimples na tumubo sa ibang parte ng mukha ni DJ. Mas lalo ding naging kapansin pansin ang eyebags ni DJ. Napasimangot na lamang siya. Hindi nya sigurado kung iniinom ba ng asawa ang mga vitamins at gamot nito. May konting sundot ng guilt na naramdaman si Kathryn. Ngunit desidido syang hindi agad sya bibigay.
Alam naman niyang mahal na mahal sya ng asawa. Ngunit ang naging problema kasi nila ay ang sobrang pagmamahal nito sa kanya.
'Merienda ka muna.' Sambit ni Kath habang papalapit sa kanyang mag-ama.
Nakangiting lumingon si DJ sa misis at mas lalong lumuwang ang ngiti nya ng makita ang inihanda ng asawa.
'Lasagna.' Tila isang batang paslit si DJ na noon lang makakatikim ng pagkain na iyon.
Lasagna ang favorite food nya. At na-perfect na ni Kathryn ang gusto nyang timpla sa Lasagna nya kaya naman sa tuwing magluluto ito noon ay hindi nya to talaga mahindian kahit na puputok na ang tyan nya sa kabusugan.
'Ok naman na siguro si Danilo.' Sabi ni Kath habang nakakandong sa kanya ang anak sa sofa.
Nakaupo naman sa kabilang upuan si DJ habang ninanamnam ang luto ng asawa.
'I mean, pagod na si Danilo. Patulugin ko na lang sya muna tapos pwede ka nang umuwi.'
Natigilan sa pagnguya si DJ sa narinig. Hindi nya inaasahang manunumbalik agad ang lahat sa dati. Pero ang sakit pala sa kalooban na maipagtabuyan.
'Kath, baka naman pwedeng ako na ang mag-hele kay Danilo? Ako na ang magpapatulog sa kanya.'
Ngumiti si Kathryn. Pagkaraka'y umiling.
'Hindi na. Ok na kami.'
Maya maya pa'y naramdaman na ni Kathryn na tila bumabagsak na ang ulo ni Danilo sa braso nya.
'O diba sabi ko sayo?' Natatawang sabi ni Kath habang hindi maipinta ang mukha ni DJ. 'Pagod kasi kaya mabilis 'tong makakatulog.'
Dahan dahang tumayo si Kath mula sa couch.
'Iakyat ko na muna si Danilo. Pag tapos ka nang kumain, pakipasok na lang sa kusina yung plato. Kung nauuhaw ka, alam mo naman na diba?'
'Kath.'
Natigilan si Kathryn nang marinig nya ang tono ng pananalita ni DJ. Hindi nya mahagap kung anong klaseng emosyon ang hinuhugot ng asawa.
'Kath please. Pag-usapan naman natin 'to o. Hindi ko na kaya.'
'Kaya nga natin ginagawa 'to kasi hindi ko na rin kaya. Ang hirap mong pakisamahan DJ.'
'Wag mo naman akong ituring na ibang tao. Mag-asawa tayo diba? Aayusin natin to diba?'
'May dapat ba akong ayusin, DJ? Nagawa ko na ang part ko. Napagtakpan na kita at ang ginawa mo. Ano pa bang gusto mong gawin ko? Ang ibalik ang dati na parang walang nangyari?' Matapang na sabi ni Kath na hindi pa rin nililingon ang asawa. 'Kung may aayusin ka, ayusin mo. Wag mo kong idamay dahil ang kasalanan ko lang ay paulit-ulit akong naniwalang hindi mo na gagawin.'
Danilo stirred in her arms.
'Mahal na mahal kita Kath. Parang awa mo na.'
Nakatulong na hindi nakikita ni Kathryn ang mukha ng asawa dahil sa boses pa lamang nito ay parang pinipiga na ang puso nya. Marahil, kung makikita nya ang reaksyon sa mukha ni DJ ay agad agad, papayag na sya sa gusto nitong maibalik ang dati.