Chapter 1 -Task?

20 1 3
                                    

Pag pasok na pag pasok ng teacher ko sa classroom namin, ito kaagad ang tanong nya.

"Who among you believes that fairy tales and fantasies exists?"

Napatahimik kaming lahat.. Napatingin sa isa't isa.. Sabay tumingin sakanya.

"Pfft.. HAHAHAHAHA!"

Tawa nilang lahat.

Napaisip tuloy ako. Siguro, 7 years before.. Ganyang ganyan din ang magiging reaksyon ko. Kaso, HINDI EH.

"May nakakatawa ba sa tanong ko?"

"Hahaha! Hindi. Wala. Wala.. XD" -Sagot pa ni Melissa

"Naturingang teacher, ang bobo. Tatanungin pa kung may nakakatawa sa sinabi nya. Tss. Obvious ba? Tumawa tayo di'ba? Tsk." -Buloing pa ni Alexa kay Melissa.

Kambal yan. Si Mel ang loko-loko at si Alex ang madalas ma-badtrip. 

All girls school 'to kaya natural, lahat kami babae dito. Sige na, counted ang ~Boom, T-boom.. Lalalalalala~ XD

"So I guess no one believes." -Malungkot pero may authority pa rin nyang sabi.

"Bagong teacher lang sya di'ba? She's kind'a weird." -Sabi naman ng seatmate ko na si Chelsea.

Hindi ko na lang sya pinansin.. Hindi naman talaga kami close eh. Sya lang ata ang may alam na close kami -_- Ayoko naman maging rude noh. Pero kase.. Ang baho ng hininga nya >_<

Tumayo na lang ako..

"I do.. Believe." -Sabi ni.. Sino pa ba? Edi AKO. :D

Gusto ko kaya yun! Yung, once upon a time! Jollitown is the happiest place to be!

~Buksan ang mga mata.. nakakita ka na ba? 

Nang mundong maka-kulay at masaya

Tulad ng Jollitown~

Okay, stop na. Di ko na alam yung kasunod na lyrics XD

Basta, lahat ng mga classmate ko nagtinginan sakin. Pataaay.. Ang ganda ko talaga. Center of attraction ka nanaman Heart! 'Chos XD

Nakita kong ngumiti yung teacher namin nga bahagya.

"Go to my office after class.. Miss Aris."

"O-okay.." -Mautal-utal kong sagot sakanya..

Bakit?

Una, dahil bagong teacher pa lang sya. Hindi nya man lang kami tinanong kung ano yung surname namin or pinagpakilala nya muna kami.

Pangalawa, I am Jewel Heart Ferriol.

Pangatlo, Aris is my secret surname! How come she knows it?!

***

Naglalakad na ako papunta sa office ni Ms. Fabella.

Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako ng sobra. Parang gusto ko na atang maniwala kay Chelsea (Kahit mabaho yung hininga nya) na weird talaga yung bago naming teacher.

Huhu TT_TT Hindi lang weird. Pag nag-smile sya, tsk. Ang ganda nya! Talo pang Diyosa. Kinabog ang beauty ko. -_- Hmp.

Nasa tapat na ako ng pinto ng office nya. Bumungad sakin ang pangalang.. Arianna Fabella. Sounds familliar. 

Kakatok pa lang sana ako kaso biglang bumukas na ng kusa. Mejo nagulat pa nga ako kase nga kinakabahan nga ako diba?! Kainis -_- Napaatras tuloy ako ng di-oras. Kaso bigla syang nagsalita.

"Come in. Ms. Aris."

Dahan-dahan na lang akong pumasok. I saw her smile..

"Bakit nyo po ako pinapapunta dito?" -Straight to the point kong tanong sakanya. Mahirap na.. ayokong magtagal sa office nya. Creepy TT^TT Saka sabi nga ni Nadine Lustre.. ~~Pwede ba? Wag ka ng magdrama.. Wag ng paligoy-ligoy, ligoy, ligo, paligoy-ligoy, ligoy~~ XD

"I have a task to give you.. Ms. Aris." -Sabay ngti nya pa. 

That creepy smile >_<

Aarrgh! Naiinis na talaga ako. Bakit ba kasi alam nyang Aris ako?! -_-

"Uhm, please Ma'am.. My surname is Ferriol. Not Aris."

Tinitigan nya ako.. as in titig na titig!

"Ferriol?! Kelan ka pa naging Ferriol?! Nag-asawa ka na agad! Ang bata-bata mo pa! Nako naman Jewel! Hindi mo man lang hinintay si Gin! Ba't ka naman nagmadali?! Ayaw mo na bang maging Jewel Heart Aris Dawn?! Haist. Sayang. Sayang lang ang pag-punta ko dito. Tsk!" -Tuloy-tuloy na sabi nya. 

Napatitig na lang din ako sakanya. Gulat na gulat ako samga sinabi nya! Imposible! Pa'no nya nalaman lahat ng yun?! 

Wait.. Did she just called me Jewel?

Oh. My.God.

Isa lang ang tumawag sakin ng Jewel sa buong buhay ko! Isa lang yun!

"Ariannaaa?!"

Ngumiti sya saakin at saka tinanggal ang salamin nya. Nagpalit ng anyo well, ganun pa rin naman kaso bumata lang konti at mas gumanda at saka sinabing..

"Yes na yes."

"Waaah! Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?!" -Bigla ko pa syang niyakap ng mahigpit.

Huhu.. I missed her so much! :')

"I missed you too."

"Waaah! Arianna! Stop reading my mind!"

Gawain nya yan dati pa eh!

"Ahaha! Hindi na.. hindi na. So kaya nga ako nandito kase, wala na akong pera. Kelangan kong mag-trabaho kaya nag-teacher na lang ako. :D"

I just glared at her. Puro kalokohan -_- Seroso na 'ko eh!

"Haha. Oh ito na talaga. XD Ahm.. Ito naman! Paulit-ulit? Unli? Nasabi ko na sa'yo kanina ah!"

Tingnan mo 'tong taong toh. Wait, tao nga ba 'to? Ewan ko ba! Hahaha.

"Alin ba yun? Wala ka namang sinasabi eh!" -Kainis. Gulo kausap.

"Napaka-ulyanin! Diba sabi ko, may task ka?"

"Ulyanin ka din! :3 Anong task? Akala ko joke lang yun."

"Baliw. Mukha ba akong nagjo-joke? Tsk. Kelangan mong maka-balik ng Zerefania."

"A-ako? B-babalik? D-doon?" 

"Oo nga! Ang kulit mo ah!"

"Ehh? Bakeeet?!"

"Yun lang. Hindi ko din alam. Basta ako, ang task ko eh mahanap ka. Ikaw, ang task mo naman eh.. makabalik! ;>"

OMG. Hindi ko talaga akalain toh. Matagal ko ring pinangarap na makabalik sa Zerefania. Kung saan bawal ang taong katulad ko. Katulad nyo. Bawal ang mga normal na tao. Dahil ang Zerefania ay isang mundo kung saan kakaiba ang mga tao. Mundong puno ng mahika. Mundong pangarap ko. 

"Wait! Hindi ka ba talaga nagjo-joke? As in? Ako? Akala ko ba bawal na? Diba hindi na ako pwedeng bumalik don?"

"Bumalik si Mardizia at ikaw ang gusto nya."

Jewel HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon