“Maynila! Maynila!” Tawag ng kondoktor sa mga pasaherong nagaabang paluwas ng maynila. Nakasakay ako ngayon sa bus na ito para puntahan ang trabahong inalok sa aking ng kaibigan ni tiya liza. Nang mabanggit sa akin ni tiya na may nag alalok ng trabho ang kaibigan niya agad ko itong tinangap, Hindi na ako nag dalawang isip pa. Ginawa ko iyon upang makaalis na sa poder na aking tita liza, Hindi naman nya ako pinag mamalupitan o tinrato ng hindi maganda gusto ko lang na ako na mag hanap buhay para sa sarili ko. Marami na akong utang na loob sa kanila at hindi ko naman yun makakalimutan, habang buhay ko yun tatanawing utang na loob lahat ng ginawa nila para sa akin. Sila na kasi ang naging pamilya ko simula ng mamatay ang nanay sa aksidenteng nangyare sa amin pitong taon na ang nakakaraan.
Bakit ba Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang limutin ang nangyare nayun sa amin sobra padin akong nasasaktan sa pagkawala ng nanay, hindi ko padin maisip kung bakit nawasak ng ganun ang masaya nameng pamumuhay wala akong alam na may mabigat na palang silang problema, hindi manlang sumagi sa isip ko na mawawasak ng ganun ang masayang pamilya meron ako.
Dahil sa nangyare kinamuhian ko na ang ama ko at sinbi ko sa sarili ko na pag nagkita kaming muli lahat ng hinanakit ko ay ipararamdam ko sakanya.
Sandaling naputol ang aking pag iisip ng magsalita si manong kondoktor.
“San ang baba mo ine” Tanung ng kondoktor sa akin.
“Sa terminal po ng bus na ito kuya”. Sagot ko sa kanya. Inabot na ni kuya sa akin ang tiket ng babayaran ko. Pag katapos nyang iabot sa akin ang sukli,sumandal na ako at muling ibinaling sa labas ang tingin. Narinig ko ang pagsabi ng driver na lalakad na ang aming sinasakyan. akita ko ang isang lalaki na patakbo at kumakaway.
“Sandili! Sasakay pa ako manong !”, Hingal na sabi ng lalaki at mabilis na sumampa sa bus. Pag akyat ng lalaki agad na syang nag hanap ng mauupuan nya at sa tabi ko nalng ang may bakante, kayat mabilis ang hakbang n'ya patungo sa ispasyo sa tabi ko. Nilagay nya ang gamit sa taas ng kinauupuan nmin, at tumabi na sa akin sinulyapat ko ang lalaki sa tabi ko parang pamilyar ang lalaki nato sa akin. Pero imposible. Ang layo nung itsura nya sa katabi ko ang payat nun na ang itim kumpara sa katabi ko katamtaman lang ang kulay nya hnde maitim pero hnde din maputi,mern syang kulaykayumanging mata,matangos na ilong at labing kay pula. Kya alam kong hnde sya yun,natigil ako sa pag iisip ng mag salita ang lalaki.
“Miss may dumi ba yung muka ko??”. Preskong tanung nya sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingen at Binaliwala ko ang pag tanung nya skin. Sinandal ko nalang ang ulo ko at pinikit ang mata. Pero narinig ko pa din ang huli katagang sinabi nya dahil parang sinadya niyang iparinig sa akin.
“Sungit naman nitong babae nato” pabulong nyang sabi.
Kaya mabilis pa sa isang sigundo ang pag bukas ng mata at matalim na tumingin sa kanya. “Wala akong oras mkipag usap sa taong hnde ko kakilala” Deretsong sagot ko sakanya. Humarap lang sya sa akin at isang ngite nakakaloko ang iginanti nya sa pag tatray ko. Inirapan ko nlng sya at binaling ang tingin sa labas ng bintana.
Habang patuloy ang pag andar ng sinsakyan ko naisip ko nanaman yung mga nangyare sa akin ng araw na magtapos ako ng elementarya. Marami akong tanung sa aking isip. Bakit nangyare sa akin sa amin lahat ng ito? Anung nagiintay sa pag luwas ko? Naway maging ok na ang lahat gusto kong mag tuloy ng pag aaral kya ginusto kong magtrabaho. Nasan na kaya ang ama ko? Buhay pa ba s'ya?.
BINABASA MO ANG
Fingers On Her Bra
General FictionHinde alam ni jhennica na mas magiging kumplekado pa pala ang kakaharapin niya pag luwas ng maynila. Hinde siya mapakapaniwala na mangyayare ang mga bagay na hinde niya inaasahan ng ganun kadali..