Grade 1 ako ng matutunan ko ang salitang “crush”.
Grade 3 ako ng pinagaralan ko ang mag tirintas ng buhok ko dahil sabi ni Lucas, cute daw ang mga babaeng nakatirintas.
Grade 5 ako ng maging crush ko naman si Luke. Sabi niya kasi ang cute daw ng dimples ko.
Grade 6 ako ng umiyak ako kasi isang taon ko siyang naging crush pero wala akong napala.
2nd year high school naman ako ng muntikan ko ng maging boyfriend si Lawrence. Nagpaligaw ako ng halos isang taon para sigurado na. Akala ko yun na. Kaso ang nangyari, isang araw bago ko siya sagutin, nanligaw na ng iba. Nainip daw.
Kaya nung 3rd year high school ako, wala pang isang buwan nanliligaw si Lance, sinagot ko na. First ever boyfriend. Nakakatrauma kasi yung “Lawrence Incident”. At kagaya ng pinaka una, akala ko yun na. At kagaya din ng pinaka una… mali na naman ako. After 1 week nakipag break siya. It turns out, nangti-trip lang ang loko. Ako naman si loka-loka, nagpaloko.
4th year high school, iyak pa rin ako ng iyak sa ginawa ni Lance. Pakiramdam ko magugunaw na ang mundo ko dahil sa ginawa niya.. siguro nag suicide na ako kung hindi dahil kay Larry. Pinatahan niya ako at siya ang nag-comfort sa akin.... sabi niya, hindi lang daw si Lance ang lalaki sa mundo. Hindi daw deserve ni Lance ang bawat patak ng luha ko, at isa pa daw madami pang lalaki ang nandiyan sa tabi tabi.. yung magmamahal daw sa akin ng totoo at iingatan ako, matuto lang daw ako tumingin kasi andiyan nga lang sila sa tabi ko. Tama kayo ng iniisip, nanligaw nga sa akin si Larry. At siyempre, na-inlove na naman po ako. Di ba nga sabi, mas madaling mainlove ang babae sa lalaking nandiyan sa tabi niya in times of their vulnerable moments sa buhay. Well andun siya nung time na yon sa buhay ko to comfort me. So naturally, after 2 months sinagot ko siya.
1st year college. Bagong chapter sa buhay. Bagong school. Bagong uniform. Bagong look. At siyempre bagong heartache. Masaya na sana ako dahil umabot kami sa 8th monthsary namin ni Larry. Ang kaso, kukuhanin na daw siya ng tita niya papuntang States at dun na daw ipagpapatuloy ang pag aaral niya. Masakit but I had to let him go, syempre I wanted the best for him. Maghintay daw ako at babalik naman siya, and I said yes. Willing ako maghintay. Mahal ko siya e. Pero wala pa man siyang 3 weeks dun tinawagan niya ako para ipaalam na nakita niya na ang tunay na babaeng magpapasaya sa kanya. Sinabi niya rin ang mga gasgas na linyang “It’s not you. It’s me.” pati ang “I don’t know how it happened. It’s like ….. a whirlwind romance!” at ang pinaka kinainisan kong sinabi niya dahilan para bagsakan ko siya ng telepono: “Don’t cry over me. Please. I don’t wanna hear you crying over me. Find that guy. That guy who deserves to be with you. That guy who’s not a complete jerk as I am.” Binagsakan ko siya ng telepono, kasi instead na magalit ako sa kanya, lalo lang akong naiyak at lalo lang akong nasaktan na hindi na siya ang cupcake ko.. na ang lalaking nakasanayan ko ng andito lang sa tabi ko ay hindi ko na pwedeng tawaging akin. Na simula ngayon ibang babae na ang itatrato niyang prinsesa.
1st year college second sem. Heto ako ngayon at mahal ko pa din si Larry, aminado ako. Hindi naman overnight process ang moving on di ba? Pakiramdam ko nagkalasog-lasog na ang puso ko. Oo, corny mang pakinggan.. ganun ang pakiramdam ko. Alam ko na rin na malaki talaga ang kamalasan ko sa lovelife. May balat ata ako sa pwet e. At alam ko na din na hindi pwede na sa tuwing maiinlove ako gora na lang. Ngayong nadala na ako… kailangan ko ng ingatan ang natitirang parts ng puso ko na functioning pa, kailangan ko itong ipagtanggol mula sa mga male species na ang alam lang gawin ay paghatihatian ang puso ko saka nila pipilasin in their own brutal way.
Ngayon alam ko na, na si Mr. Right ay hindi hinahanap. Hindi rin siya hinihintay. Kasi si Mr. Right ay hindi nahahanap. Nasa imahinasyon lang siya ng mga babaeng kagaya ko. Kaya ang bitter mang pakinggan hindi na ako naniniwala sa love. Kasi posibleng ngayon mahal mo ako, pero bukas....? Hindi na natin alam.
Saka naman dumating si Louis. Utang na loob. L na naman ang umpisa ng pangalan! Allergic na ako sa L. Pero wag kayo mag alala, hindi ako bibigay sa kanya. Ang problema lang everything about him speaks love and peace. He’s like a magnet to a bitter person like me.
“You can’t hate the fact the people fall in love Lei.” Sabi niya sa akin. “Don’t let your past experiences ruin your chances of happiness. Let me help you. Please.”
Ganyan din si Larry noon. Ganyang ganyan ang set-up.
Binabawal na ng utak ko si Heart ko na naghuhurumentado na naman. Lalo pa’t pag magsalita ang hudas, titig pa sa mga mata mo gamit ng maganda niyang mata. Parang nanghi-hypnotize.
Ang pang counter attack naman ni Heart ko na makulit, paano kung siya na pala talaga?
Yun nga e! Paano kung siya na nga talaga? Pero paano kung hindi naman siya at masaktan na naman ako? Susugal ba ako o hindi?
Argghhh! Ang gulo!
------<><><><><><>--------
A cliché story of risking everything for love. Putting whatever has remained of your heart at stake for true happiness.
----////----
Leftover
LeeSukShin
All Rights Reserved
©2014
11:24 pm August 16, 2014
BINABASA MO ANG
Leftover
Teen FictionMaaga siyang natuto tungkol sa love. Sa sobrang aga, nasobrahan na siya sa heartaches. Siyempre, kalurkey na lang sa bangs pag di pa siya nadala di ba? Bitter na tuloy ang peg. Pero if you were on her shoes, would you take the chance of falling in l...