[4]: Pout Day?

888 14 1
                                    

[KYLIE's POV]

Its monday today, papunta na ako ng school sakay ng kotse ko. Tig-iisang kotse talaga kaming magkakaibigan para di na kami magcommute. Nasa iisang school lang naman din kami kaya magkikita rin kami dun.

Your entering Popular's Academy...

Sabi ng GPS ko, as always pagtitilian na naman ako ng mga tao dito and I hate that. Hindi naman sa ayaw kong iniidolo nila ako, ang akin lang naman be proud of who you are. Di na kailangan na mainsecure ka sa iba.

Pagkapark ko ng kotse ko, nakita ko si Natalie sa labas kakarating lang din. Kaya lumabas na din ako para sabay na kami.

"Good Morning Nat." Sabay biso-biso sa kanya. Ngumiti lang siya at bumiso din sa'kin.

"Nasa bahay pa ba yung iba?" Tanong ni Natalie habang nilolock ang kotse niya.

"Yeah, pero papunta na rin yung mga yun. Nahuli lang ng gising yung iba." Nagsimula na rin kaming maglakad papasok ng school. As usual tinitignan kami ng mga tao. Actually kaming magkakaibigan sikat sa school, bukod sa mga luho at good looks namin, sikat kami when it comes to academic and sports.

"Ang gaganda talaga nila no? I want to become one of them."

"Di ba magkakakababata lang yan sila lahat? They're very lucky to have each other."

"Mas bet ko si Leigh sa kanila pero favorite ko silang lahat lalo na ang basketball team! OMY!"

And speaking of basketball team, andyan na pala sila. Papalit na rin sila samin ni Natalie kaya hinintay nalang namin sila.

"Bakit hindi kayo naghihintay Ky?" Tanong ni Jace na nakapout kaya ang mga babae sa paligid namin nagtitilian.

*ppplllokkk*

"Aray Ky! Masakit yung batok mo! TT^TT." Living emoticon talaga.

"Wag ka kasing nagpopout dito sa school, maraming maiinlove sa'yo. Baka magselos si Ava." Bulong ko sa kanya na ikanapula ng tainga niya. Kinikilig yan pag ganyan. Tumawa lang ako at ginulo ang buhok niya, abot ko pa rin siya kahit mas mataas siya sa'kin.

"Kita kita nalang tayo mamayang lunch guys!" Sabi ni Chloe sabay kaway kaway sa'min, ginantihan din namin siya ng kaway at ngumiti.

***

[SAMANTHA's POV]

Kakapasok lang namin ni Charles sa room namin. Magkaklase kasi kami dahil nga po parehas kami ng course. Tsaka we're in the same age din naman eh. Nagtitilian na naman ang mga girls dito, sino ba namang hindi di ba?

Basketball player, matalino, gwapo, may ABS pa. Eh? Bakit nasali ang ABS dito? Totoo naman kasi, silang lahat sa basketball team may ABS. A perfect guy a girl could ever dream. Oha! Hehe.

"Anong nginingiti mo dyan Sam? May crush ka no?" Tapos pinipisil niya ang tagiliran ko, nagpout ako at hinampas ko siya sa braso niya. "Alam mo namang wala akong crush. Ikaw kaya mahal ko. Haha." Sabay pisil sa dalawang pisngi niya. Ngumiti lang siya, alam niya na joke lang yun. Pumasok na rin ang prof namin kaya umayos na kami ng upo ni Charles. *sigh* mamatay na naman mga brain cells ko nito. Tch.

**

[LEIGH's POV]

Nandito kami ngayon ni Xavier sa Dean's Office ng department namin. Ewan ko ba kung anong pakay ni Dr. Salazar sa'min.

"Good morning Mr. Scott, Ms. Garcia, please take a seat."

Umupo lang kami ni Xavier sa sofa dito sa office niya.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon