Chapter 27

2.8K 161 3
                                    

Today is Monday! Ngayon ang unang araw ng intramurals. Saturday and Sunday ay babad ako sa ensayo. Ang ganap lang naman ngayong araw na ito ay ang paligsahan ng mga booth. Nalaman ko lang na may booth pala ang mga hangal ng madaanan namin sila ni Kleo. Aba. Masisikreto na pala sila ngayon.

Alam niyo kung anong booth nila? Photo booth. Dahil magaganda naman daw ang mga lahi nila ay photo booth ang naisip nila. Mamimili lang naman ang customer kung sino sa mga hangal ang gusto niyang makasama sa picture. At ang mas nakakagulat pa ay sobrang habang ng pila! Dahil babae lang ang tinatanggap bilang costumer ay ang mga kaklase kong babae ang naging mga photographer. 50 pesos isang picture. Tignan mo nga naman, mukhang kikita ang mga gago.

Lumapit ako sa kaklase kong si Diana at kinalabit siya.

"Papicture kami ni Kleo." Tumango naman siya kaya hinila ko na papasok ng booth si Kleo.

"1..2..3 smile."

I smiled happily. Si Kleo? Ewan. Nang makuha ko na ang pictures namin ni Kleo ay agad kong tinago sa wallet ko. Kinuha naman ni Kleo ang isa saakin at inilagay din sa wallet niya kaya napangiti ako.

"Tara, sa kabilang booth tayo."

Sa sobrang daming pwedeng pag kainan ay hindi ako makapili. Sa huli, dinala ako ni Kleo sa booth nila. Maganda ang booth nila, isang café. Binati ako ng mga kaklase ni Kleo ng makita kami. Ganon din naman ang ginawa ko sakanila.

"Uyy! Kayo na?" Tanong ni Carla ng malapitan ako. Si Kleo kasi ay umalis para umorder.

"Hindi ko pa sinasagot eh."

Natawa naman siya at kiniliti pa ako sa bewang. "Ay, pahard to get ka teh?"

I smirked. "Ay, chismosa ka teh?" Nakasimangot naman siya at iniwan nalang ako mag isa.

Nang dumating si Kleo ay bitbit na din niya ang order namin.

"Subukan natin yung wedding booth." Sabi ko kay Kleo. Imbis na si Kleo ang mag react ay yung mga kaklase niyang nakikinig pala. "Kayo ba ang kausap ko ha?!"

Nag tawanan sila at umiling bago kami iniwan ni Kleo.

"Manonood kami ah!"

"Wag na. Kung kayo lang naman ang manonood."

Mag kahawak kamay kami ni Kleo ng lumabas sa booth nila. "Saan tayo nyan?" Tanong ko sakanya at tumingin sa paligid.

Marami kaming pinuntahan na booth ni Kleo. Yun lang ang ginawa namin mag hapon. Hindi namin napuntahan ang wedding booth dahil yung mga kaklase niya ay halatang nag aabang dahil bantay nila ang galaw namin ni Kleo.

Tuesday ng umpisahan ang mga sports. Ngayon ang araw ng laban nila Kleo sa basketball kaya hindi ko siya kasama ngayon. Nandito ako sa photo booth namin at nag babantay. 3 pm ang start ng game nila Kleo mamaya.

Marami pa ding customers sa booth namin. May ibang lalaking nag pumilit na pumasok para lang makapag papicture saakin. Malakas na sigawan ang narinig namin mula sa labas kaya sumilip kami.

"Anong meron?" Tanong ko kila Jerome na naabutan namin sa labas.

"Keisha, nandito si King."

"Huh?"

Muling nag hiyawan ang mga estudyante kaya napatingin ako sa field.

"Kyaaah! Ang gwapo niya girls!"

"Oh my gosh! Anong name ni fafa?"

Napakunot ang noo ko ng makita si King na nag lalakad patungo saamin. Nilingon ko si Jerome pero bago pa ako makapag salita ay tinulak na nila ako papasok sa loob ng booth.

"Sila ang kalaban nila Kleo, Sha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Axel.

Napahinto sa pag kwento si Axel ng makarinig kami na parang may nagaganap na gulo mula sa labas.

"Ano yun?"

Parehas kaming lumabas ni Axel. Napakunot ang noo ko ng makitang nakikipag palitan ng salita si Jerome kay King.

"Hindi mo ba narinig? HINDI KAMI TUMATANGGAP NG LALAKING COSTUMER!"

"Walang nakalagay." King said boredly.

"Anong nangyayari?"

"Keisha! Bakit ka lumabas?"

Napakunot ang noo ko. "Huh? Ano ba kasing nangyayari?"

"Ito kasi—" Maraming napatili ng malakas na itulak ni Jerome si King. Hindi naman umiimik si King at nanatili ang ngisi sa kanyang labi.

"What's happening here?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Kleo kaya napatingin sakanya ang lahat. Mabilis akong lumalapit sa at lumapit sa braso niya.

Nag simulang mag kwento si Jerome sa gulong nangyari. "Ito kasi pinipilit na pumasok. Sinabi ng babae lang ang tinatanggap naming costumer. Paano korsonada niya si Keisha." Nanlaki ang mata ko sa huling salitang binanggit ni Jerome.

Nag angat ako ng tingin kay Kleo. Nagulat ako ng makitang madilim na ang expression niya.

"What do you want, Mr. Casiano." Kleo asked King coldly.

King smirked. "Let's have a deal."

"What is it?"

"Sa basketball. Pag nanalo kami, saakin siya." Oh my gosh! My eyes widened.

"K-Kleo—"

"Deal."

"Oh my gosh! Bakit pumapayag ka? Kleo, ayoko!"

Naiiyak na sabi ko. Mabilis niyang hinawakan ang mag kabilang braso ko at niyakap.

Amoy na amoy ko siya dahil sa ginawa niyang pag yakap saakin. Pero talaga bang pumayag siya sa deal?

"Please, don't cry. You're mine, okay? Always remember that you're mine and I'm yours." He whispered seriously and I froze.

Maraming estudyante ang nakaalam sa deal na mangyayari. Kaya ng dumating ang oras ng laban sa basketball ay sobrang dami ng tao sa gym. Sobrang ingat pa dahil sa mga pangalan na isinisigaw ng mga estudyante.

Ang pangalan ni Kleo ang pinakamaririnig mo sa mga isinisigaw nila. Mas lumakas pa ang hiyawan ng tuluyang lumabas ang dalawang team.

Kabadong kabado ako ng mag umpisa ang laban. Tuwing nakaka-shoot si Kleo ay todo ang sigawan namin. Nag flying kiss ako kay Kleo ng tumingin siya sa pwesto ko. Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil bigla itong tumibok ng malakas ng makita kong kunwaring hinuli ni Kleo ang kiss ko at inilagay sakanyang labi. Nag sigawan ang mga estudyante sa nakita.

Fourth quarter ng maging intense ang laban. Dalawang pintos lang ang lamang nila Kleo. Mangiyak ngiyak na ako ng lumamang ng 2 points ang kalaban. Bukod pa doon ay isang minuto nalang ang natitirang oras at matatapos na ang laban.

Napatayo ng makitang naagaw ni Kleo ang bola kay King.

"OH MY GOSH! I-THREE POINTS MO BABY KO! I LOVE YOU!"

Napaupo ako sa bleacher ng marinig ang sigawan ng mga tao kasabay ng tunog na nag sasabing tapos na ang laban.

Akala ko.. hindi siya makaka-3 points.

Masaya akong tumayo at tumakbo pababa para puntahan si Kleo na sinalubong ako ng yakap. He hugged me tight.

"You're mine. Mine. Mine alone." He said and kissed my forehead.

Chasing Mr.Collins [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon