PAHINA 9

86 3 1
                                    

Third Person's Pov:

Nakatulala Ang buong pamilya sa nasaksihan nila. Ang akala nilang nagbakasyong si Victoria ay nakasabit sa bakod at napapalibutan Ng mga matitinik na baging.

Agad na lumapit ang kambal at tinanggal ang mga baging tsaka ibinaba si Victoria. Labis ang pag-aalalang nararamdaman ni Primo sa kapatid ng makalapit ito.

"Ihanda niyo ang sasakyan dadalhin natin siya sa bahay." utos ni Primo sa mga anak atsaka binuhat ang kapatid.

Agad silang bumyahe patungo sa mansyon ng mga Silverstone.

"Ano kayang nangyari kay Tita Victoria?" nag aalalang tanong ni Zeren sa kapatid.

"Hindi ko alam,mas lalong hindi maganda ang kutob ko." wika ni Zeshren.

Nang makarating sila sa mansyon ay agad na inasikaso si Victoria.

"Primo anong nangyari sa kapatid mo?" puno ng pag-aalala at naluluhang sabi ni Ginang Stella.

"Hindi ko din alam,ina." bakas ang galit sa boses nito kaya upang pakalmahin ay hinawakan no Herezett ang kamay ng asawa.

"Kumalma ka lamang malalaman din natin kung sino Ang may gawa nito." wika ni Herezett ngunit bakas din ang pag aalala dito.

Doon na nagpalipas ng magdamag ang magkakapatid.

Nakaupo sa terasa si Zeshren ng tumabi si Zeren.

"Ang lalim yata ng iniisip mo." tanong ni Zeren sa kakambal.

"Wala akong iniisip." wika ni Zeshren.

"Sige iibahin ko na Lang ang tanong kapatid. Iniisip mo siya?" nakaismid na sabi ni Zeren.

Agad siyang itinulak ng kakambal dahilan upang mahulog siya sa terasa. Nakahalukipkip siyang lumutang sa harap ni Zeshren.

"Ang sama mo talaga buti na lamang at nakakalipad ako."

"Mag tanong ka pa ng ganun hindi lang tulak ang gagawin ko sayo." banta ni Zeshren.

"Bakit ba kasi itinatanggi mo? Ano bang dahilan." pag uusisa ni Zeren habang nakalutang pa din sa ere.

"Kasi ayoko pag-usapan,Zeren."

"Alam mo hindi mo naman kailangang itago. Pano pa't naging magkambal tayo kung ganun?" matiim na tinitigan ni Zeren ang kakambal habang sinasabi iyon.

Napabuntong hininga na lamang si Zeshren.

"May kasalanan ako na hindi niya alam,Zeren. Kaya kahit gusto lumapit hindi ko kaya." nakatungong sabi ni Zeshren.

"Dahil dun ba? Siguro naman iintindihin niya ang dahilan. Mabait naman si ganda." wika ni Zeren habang unti-unting bumalik sa kinauupuan niya sa terasa.

"Gusto ko siyang kausapin kahapon ngunit nauunahan ako ng konsensya ko." nagpakawala ng malalim na hinga si Zeshren.

"Kapatid hindi mo kasalanan ang nangyari na iyon yan ang tatandaan mo." sabi ni Zeren at iniwan na ang kambal.

Nanatiling nakaupo roon si Zeshren habang nakatanaw sa kalangitang nababalot ng bituin.

"Patawad,sana mapatawad mo ako."



Devi's Pov:

Nakapagtataka bakit wala pang tao sa kabilang bahay? Gabi na,may nangyari ba? Naputol ang pag-iisip ko Ng makarinig ako ng nabasag na bagay. Agad akong nagtungo sa pinanggalingan ng tunog napabuntong hininga na lamang ako.

"Pang-ilan mo nang binasag Yan ha,Shiue?" nakataas kong kilay na tanong.

"Bat Kasi ako naghugas nito ha,Devi? Di ako marunong." nakasimangot niyang Sabi.

"Aba natural yan yung usapan natin. Magabasag ka pa at pauuwiin kita." Umirap ako sa kanya at umalis.

Ang sakit niya sa ulo. Napailing na lamang ako habang nakaupo sa salas. Wala sa sariling napatingin ako sa labas ngbintana. Bakit nakakaramdam ako ng labis na pagkabahala. Tumayo ako at lumabas ng bahay,pinagmasdan ko ang paligid. Napakatahimik,ano ba itong nararamdaman ko? Sa aling bagay ba ako nag-aalala?

"May bumabagabag sayo." agad akong napatingin sa tabi at nandoon si Shiue.

"Hindi ko alam,nag-aalala ako pero hindi ko alam kung saan."

"Baka dahil walang tao sa kabilang bahay at nababahala ka sa siguridad natin ngayon. Lalo na at nahanap ka ng mga Erfigal." wika niya.

Wala sa sariling napatingin ako sa kabilang bahay. Madilim at tahimik iyon ngayong gabi. Yun nga ba ang dahilan?

"Siguro,sila lang naman ang dahilan kung bakit hindi makalapit Ang Erfigal."

"Devi, kailangan mo na talagang lumipat. Hindi sa lahat ng oras andyan sila na ililigtas ka." seryosong sabi niya.

"Pero saan naman ako lilipat?"

"May alam akong lugar malayo dito."

Napaisip ako marahil tama siya kailangan ko ng lumipat ngmatitirhan. Wala akong ginawa buong gabi bukod sa makipag usap Kay Shiue tungkol sa lugar na sinasabi niya. Nang naghahanda na akong matulog. Biglang may umilaw sa loob ng aking aparador.

Lumapit ako at binuksan iyon. Ang kwintas na ibinigay ni Ashriel sakin,nagliliwanag iyon. Kinuha ko it on at tinignan habang kumikinang ito. Tila may mga bituin sa loob niyon na nakakahalinang tignan.

Umupo ako sa kama habang hawak ang kwintas. Ilang minuto pa ay unti-unting naglaho ang liwanag ng kwintas. Ano Kaya ang ibig sabihin nito?

















Note:

Short update. Sobrang tagal ko nawala kaya I'll try na makaupdate hanggang matapos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Over Power  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon