Isang araw habang papasok si Mark sa school ay nakasabay niya ang kanyang mga kaibigan na papasok na din.Si Mark ay isang mabait na anak pero hindi katalinuhan at hindi rin kagwapuhan.Matagal nang patay ang tatay ni Mark at sila na lng dalawa ng kanyang nanay ang magkasama sa buhay,pero tinitiis nila ang hirap ng buhay ng walang padre depamilya.At isang araw habang naglalakad sina Mark patungo sa kanilang school ay nakita nila si Jayne na isang maganda,matalino,at minsang mataray pero mabait naman talaga.At si Jayne ang kanilang napagusapan sa kanilang paglalakad.Sa kanilang paguusap hindi sinasadyang nasabi ni Mark na crush niya si Jayne"yiiiiieeee"ang asar sa kanya ng kanyang girl best friend na si Ann at narinig naman sila ni Jayne na pinaguusapan siya ngunit hindi naman sila pinansin ni Jayne na patuloy parin ang paglalakad .Kayat sa tuwing makikita nila si Jayne ay aasarin si Mark ng kanyang mga kaibigan na laging sinasabi sa kanya na ligawan na niya si Jayne na may gusto rin naman kay Mark.Hanggang sa mapagisipan ni Mark na ligawan na nga si Jayne.
Ng makalipas ang isang buwan sinagot na si Mark ni Jayne,napatalon si Mark sa tuwa sa nangyari.Masayang masaya si Mark sa kanilang pag uwi ng kanyang mga kaibigan at kasabay na rin nila si Jayne na girlfriend na ni Mark.Inihatid na ni Mark si Jayne patungo sa bahay nito.Ng makauwi na si Mark sa bahay nila ay biglang nagsalita ang nanay ni Mark,"nak kain na" wika ng kanyang nanay at kanyang naamoy ang mabangong luto ng kanyang nanay.Dahil masayang masaya parin si Mark hanggang sa kanilang bahay dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ng kaniyang dating nililigawan na si Jayne na girlfriend na niya ngayon ay napansin ito ng kanyang nanay at napatanong , "nak bat parang ang saya mo ngayon,masarap ba ang luto ko?" tanong ng kanyang nanay.Sumagot naman si Mark "opo inay masarap po ang luto niyo pero hindi po ito ang dahilan ng aking mga ngiti".At nagtanong ulit ang kanyang nanay,"eh bakit naman ganyan ang mga ngiti mo?",ang tanong ng nanay ni mark.At sumagot naman si Mark ,"ahh eehhh sinagot na po kase ako ng aking nililigawan ", ang napangiting sagot ni Mark.Masayang nagkukwentuhan silang magina pagkatapos nilang kumain tungkol ksy Jayne.
Lumipas ang mga araw at buwan na masaya parin ang relasyon nina Mark at Jayne.Ngunit isang araw ay may masamang nangyari sa nanay ni Mark.
Isang gabing habang nagkukwentuhan sila ng kanyang nanay nang bigla na lang nagdilim ang paningin ng nanay ni Mark.At nawalan na ng malay ito,agad namang siyang humingi ng tulong para madala ang kanyang nanay sa ospital.Nang makarating na sila sa ospital agad nman nyang tinawagan ang ang kanyang girl bestfriend na si ann ngunit hindi ito sumagot.At pag ka tapos nun tinawagan naman nya si jayne pero di rin ito sumagot at nag text na lang sa kanya na marami syang ginagawa.sinubukan din nyang tawagan ang iba pa na nyang kaibigan pero mga busy rin ito at nalungkot si mark lalo.
Lumipas ang ilang linggo nakalabas na ang nanay ni mark sa ospital.At dahil busy si mark sa pag aalaga sa kanyang nanay ay nawawalan naman sya ng time para sa kay jayne at sa kanyang mga kaibigan.Pero hindi parin nya ito sinabi sakay jayne at sa mga kaibigan nya na ganun na nga ang nangyari.At di naman nya napapansin na nawawalan na ng gana si jayne sa kanya dahil hindi na bibigyan ni mark ng time.Isang gabi na binabantayan ni mark ang kanyang nanay ay saka naman ito sumuko at binawian ng buhay at sa mga oras din namang yun ay nakipag break naman si jayne sa kay mark.At napa iyak na lang si mark dahil sa mga nang yaring yun at napasabing "bat ganito"Yung mga masasayang araw ay bigla na lang nawala at naging isang malungkot na buhay dahil s mga doble dobling problima.
Pag ka lipas ng isang linggo ng libing ng kanyang ina hindi parin alam ng mga kaibigan nya ang nang yari sa nanay ni mark at pati na rin si jayne.Isang araw habang papasok si mark nakita nya si girl bestfriend pero di man lang sya nito pinansin.At sa di sinasadya nakita nya si jayne na my kasamang ibang lalaki "napatulala na lang si mark".Nag daan pa ang ilang araw na mag isang namumuhay si mark.At dumating na nga ang kaarawan ng girl bestfriend ni mark.Napunta si mark sa bahay ni girl bestfriend para batiin at para na rin ibigay ang kanyang regalo.Pero parang walang mark na pumunta dun sapagkat di man lang sya nito pinansin.Pinaabot na lang nya ang dala nyang regalo at umalis na rin sya kaagad.
"pauwi na si mark sa bahay".Nakita nya si jayne na tumatawid sa daan ng may paparating namang isang truck na napaka bilis ng takbo at dali dali naman nyang nilapitan si jayne at itinulak upang hindi hagapin ng truck.Pero sa kasamaang palad si mark naman ang hinagip nito.Humandusay si mark sa daan habang sya ay duguan.Sakto namang dumaan din nun ang kanyang ibang kaibigan para mapunta sa kay na ann na girl bestfriend nya.Agad lumapit at humingi ng tulong ang mga ito para dalahin sa ospital si mark.Bilang nag salita si mark ng "sorry"at pag kasabi nya ng salitang yun nalagutan na si mark ng hininga.Nang dahil nga sa pag ka matay ni mark na un dun nalaman ni jayne,ann at iba pa nyang mga kaibigan na kakamatay rin lang ng nanay ni mark.At dun rin lang na realize ni jayne na nawalan lang naman ng time si mark sa kanya dahil sa pag kamatay ng nanay ni mark.At dun din lang na realize ng kanyang mga kaibigan at ni ann na kung kilan sila kailangan ni mark dun naman sila wala.