Kabanata 22

30.4K 885 76
                                    

Jesselle's POV

GRABE!!! Nakakainis talaga ang butiki na iyon! Jusmiyo!!! sa tinagal-tagal ng panahon ay bakit ngayon pa kami nagkita? Teka, ano bang pakialam ko sa kanya? Nakaraan ko lang sya at hindi ko na babalikan kung ano man ang walang kakuwenta-kuwentang relasyon namin noong highschool.

Basta hindi ako tutulad sa kaibigan kong nasilaw sa Jun-jun este, pagmamahal ng isang lalaki. Isinusumpa ko lahat ng lalaki sa mundo na mabaog sana silang lahat!!

"Mga mangagamit!!!! manloloko!!!! Paasa!!! " Umuusok ang ilong ko habang padabog na umaakyat ng hagdan. Napansin ko ang dalawang bodyguard na makakasulubong ko sana .

"Magsitabi kayo diyan!!!! Mga supot!!!! " Singhal ko sa kanila kaya dalian silang napatabi. Hindi sila pumalag sa kung ano man ang sinasabi ko patungkol sa kanila dahil sanay naman ang mga iyon sa ugali ko.

Nangmakapasok na ako sa aking kuwarto ay pabalya kong isinara ang aking pinto. Wala rin akong pakialam kung mawasak pa iyan basta galit ako ngayon.

Napatingin ako  sa babae sa  salamin, ito ang babaeng nagmahal, niloko , at nagbago. Nasaan na ang mahinhing Jesselle? Mula ng lokohin ako ni Decko ay naging ganito na ako, hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag pero napakahirap ng pinagdaanan ko.

Hindi ko na malayang tumutulo na pala ang mga butil ng luha sa aking mata habang nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang babaeng nagbago dahil sa pagmamahal.

"Isinusumpa ko Decko!! Walang sino mang babae ang makakapuno ng pagkalalake mo!! Habulin ka man ng lahat ng babae pero walang magmamahal sa iyo ng totoo!!! Tatanda ka ng nag-iisa sa mundo!! Wala kang pagmamahal na mararanasan mula sa babae!!! Magiging malas ka sa lahat ng babae!!!!!"

Napapikit ako ng muli ko na namang maalala kung ano ang mga binitawan kong salita noon. Tsk! Ano kaba Jesselle hindi mo dapat iniintindi ang mga bagay na iyon. Ang nakaraan ay nakaraan na at hindi na dapat pa binabalikan. Kaya mong mabuhay kahit hindi ka magkaroon ng boyfriend. Gawin mong laruan ang mga lalaki tulad ng ginawa nila sa iyo!

"Umiiyak ka na naman?" Mula sa salamin ay kita ko si Savanna o mas kilala ng lahat bilang Ivory. Nakasandal sya sa gilid ng pinto habang nakatingin sa akin. Minsan kinikilabutan ako sa babaeng ito dahil bigla na lang sumusulpot na parang kabute.

Pinunasan ko ang mga butil ng lecheng luha sa mga mata ko. Hindi ko dapat iniiyakan ang mga walang kuwentang tulad nila. Lalake lang sila at kung ano ang kaya nilang gawin ay nagagawa rin ng babae. At kung kaya nilang mangloko ng babae ay kaya ko ring gawin iyon.

"Jesselle hangang kailan ka magiging ganito? Napakamiserable ng buhay mo kung ganyan ka palagi" mahinahong pahayag ng kaibigan ko.Mahina akong natawa sa kanyang sinabi.

"Ano kaba Savanna, hindi buhay ko ang magiging miserable kundi ang mga lalaking dadaan sa buhay ko. Wala kang dapat ipag-alala  dahil ayos lang ako, magiging ayos lang ako...." pangungumbinsi ko sa kanya dahil kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata

"Oh sige, ikaw ang may sabi nyan, Sige maiwan muna kita hahanapin ko lang si Heaven" Tumango lang ako sa kanya bago ito lumabas ng aking silid.

Inayos ko ang aking sarili upang hindi halatang umiyak na naman ako , hindi ko hahayaan na malaman ng lalaking iyon na iniiyakan ko parin siya hangang ngayon.

Nang masiguro kong okey na ang itsura ko lumabas na  ako sa kuwarto upang hanapin si Savanna  para tanungin sana kung dito ba maghahapunan ang asawa nya , nakalimutan ko kasing itanong dahil sa sobrang init ng ulo ko kanina. 

Nakarating ako sa baba ng mapansin ko ang likod ni Ivory na papunta yata sa gate nitong mansyon. Tatawagin ko sana pero hindi mukhang hindi na ako nito mapapansin.

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon