Sumali ako sa basketball league sa university at dahil sa matangkad at may itsura naman ako nakilala agad ako lalo na ang mga kababaihan...
Hiyawan at pagpapacute ang mga ginagawa nang mga ito nagkaroon na tuloy ako nang Fans Club dahil dito...
Himala at wala ang groupo nang inaantay ko, baka naman pumupunta lamang sila dito para panourin ang team na sinusuportahan nila...
At himala na hindi ko na sila nakikita sa paligid., natapos ang araw na hindi nagpakita ang Nadia na yun, pero teka bakit ko ba hinahanap ang babaeng yun., hhhaaaaiiisstt nababaliw na ata ako at kinakausap ko ang sarili ko maka alis na nga lang...
Maaga pa naman kaya naisipan kung tumambay muna malapit sa tennis field., malawak ang lugar at maraming mga studyante ang nandoon ang iba nag-lalaro at ang iba nanonoud at ang iba naman ay nakaupo at nag uumpukan, naupo ako sa may ilalim nang puno ang presko dito at nakakarelaks, binuksan ko ang phone ko para makinig nang music habang nagpapahinga, nakatanaw lang ako sa mga naglalaro at nakakaaliw manoud nakakawala nang pagod, may-maya lamang nagulat ako at nakita ko ang babaeng kanina ko pa gustong makita 😊 naupo sya sa di kalayuan sa pwesto ko at mukhang di nya ako napansin, maya-maya lang may kausap na ito sa phone nya at mukhang naiinis., naisipan kong kuhanan sya nang picture total di naman nya makikita., naririnig ko na bigla na lamang syang nangigigil, ang cute nya pero anu kaya ang problema nya., hhhmmm baka iniwanan nang bf dahil boring syang kasama., hahaha tawa kong mag-isa, bigla syang tumayo kaya naman sinundan ko sya kung saan ang punta nya mukhang alam ko na kung saan ang punta nya, tama nga ako sa court ang punta nya at nandon ang mga kaibigan nyang nag-aantay....
Friend halika panourin natin ang praktis nila Marlon para gumanda ang pakiramdam mo hahaha, asar nang kaibigan nya
Wala ako sa mood kaya wag mang-asar., tahimik ito naupo at nanoud nang praktis
Bakit ba sila kinikilig sa Marlon na iyon eh hindi naman gwapo mukha ngang mayabang at babaero., kamaway ito sa mga babae at kilig na kilig naman hhhmmm tiyak makakalaban namin sila at tingnan lang natin kung hanggang saan ang suporta nang mga fans mo 😏 bulong ko sa sarili ko
Tumayo na ako para umuwi na pero nauna na ding tumayo si Nadia nagpaalam na ito sa mga kaibigan, huh nararamdaman ba nya na lalabas na din ako, hahaha
Paglabas nang pintuan halos magkasabay kami kaya nagulat sya bigla at nakatingin sa akin
Mauna kana, pagbabasag ko nang katahimikan
Inismiran lang ako at saka lumabas, wow ang sungit naman mukhang may dalaw lang 😂 hahaha
Pagkauwi ko sa aking condo nagpahinga kaagad ako? Ayaw kung umuwi sa bahay namin at tiyak makikita ko na naman ang aking Ama., iniiwasan ko talaga sya dahil pinakikialaman nya ang personal life ko...
Pag naka graduate na ako nang college sa amerika ang punta ko para dun muling mag-aral dahil gusto nang Daddy ko na naging mahusay ako lalo na at ako ang nag-iisa nyang anak na mag mamana nang kompanya, ayaw ko sanang tanggapin pero wala naman na akong magagawa kaya sinunuod ko sya...
Kinabukasan pagpasok ko sa university ang gugulo na naman nang mga studyante may kanya-kanyang umpukan dahil hindi pa nagsisimula ang unang subject...
Hi., pwedeng makisabay sa paglalakad sabay na sabi nang dalawang babae na kaibigan ni Nadia., ako nga pala si Mitch at sya naman si Trish may isa pa kaming kaibigan pero mukhang nauan na sya sa loob.., sabi pa nito
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomantizmNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...