Kabanata 12

6 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ng game at nauurat ako. Oo, NAUURAT TALAGA AKO!

Hindi man lang kasi nagawang tumingin sa amin si Sky. Hindi niya ba alam nandito kaming sumusuporta sa kanya. Kaltukan ko yan pagtapos ng game. Tsk!

"O, o, o, kalmahan mo lang. Lalabas na yung  usok sa magkabilang ilong mo eh" si Nute. Todo tawa naman si Macalbo.

"Man! Sigurado bang alam niya na pupunta tayo para mapanood siya?" tanong ko dito.

"Oo naman, ikaw lang hindi"-Nute

"Ugag ka pala eh. Paano ko malalaman e hindi niyo sinasabi sa akin?"

"Kasi nga SURPRISE" si Boone na ang sumagot.

Pa-surprise-surprise pa. Powtek.

"Puro virtual games lang kasi alam mo at alam naming hindi ka mahilig sa reality games kaya ito sinama ka namin para naman lumabas ka sa lungga mo"-Nute

"Oo na po a-Tay"ngumiti pa ako ng plastic. Kasura, basketball pa tsk.

Hindi na ako umimik pa. Nanood na lang ako kahit hindi ko alam kung anong nangyayari. Pasahan ng bola, takbo, shoot, pasa ulit then takbo. Ako napapagod tumingin sa kanila at sa bola.

Gusto kong ibalibag yung bola pero mas gusto kong ibalibag yung kalaban na simpleng tinabig si Sky dahilan para ma-out of balance siya. Buti na nga lang hindi siya natumba.

Sa takbo ng game nagpaulit-ulit yon, hindi lang ako nakapansin may mga nagrereklamo na ring iilan-ilan.

"Technical foul na dapat yan"bulong ni Boone. Tumango-tango na lang ang dalawa.

Iintayin pa ba nilang may mangyaring masama kay Sky bago mapansin ng referee? Baka magkaroon ng brawl dito.

At sa di namalayan ng lahat, nangyari nga ang di inaasahan. Bigla-bigla na lang napaupo si Sky hawak ang gilid ng bibig niyang may dugo.

Syempre ako bilang tropa tumakbo agad. Excuse me doon at dito ang ginawa ko para makadaan.Napansin ko ding sumunod ang tatlo sa akin, naguguluhan man sa nangyari.

Madami ang nagsipagreklamo sa pagdaan ko at marami ang naawa kay Sky kahit di alam ang dahilan.

Tinakbo ko ang court kung saan pinapalibutan na si Sky ng kasamahan niya.

Pagdating ko hinarap ko agad ang lalaking nakasuot ng red na jersey. Nakangisi pa ang ugag. Bahala na sa mga nanonood. Paki nila e kaibigan ko yung nasaktan. Hinawakan ko siya  sa collar at inangat, sapat na para makita ng lahat ang galit ko sa kanya.

"Hoy kupal! Kanina pa ako nagtitimpi sayo a! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa mo kay Sky!" nangangalaiti kong galit.

Pinuntahan naman ako ng tatlo para awatin at pilit pinapalayo sa kumag.

Nagkamot siya ng ulo at sinabing 'wala akong alam sa sinasabi mo a'

"Wala kang alam!? bobo ka kasi! Kung ikaw kalaban ko, kanina pa kita nasupalpal sa game!!" Langya pabuhat yan sa game. "Bias kayong mga referee!" huling sigaw ko.

Bago ako mailayo ng tatlo, nakita ko ang pagdilim ng itsura niya. Huh! Utot mo! Masakit talaga ang katotohanan.

"Yung alta pression mo"-si Boone na tatawa-tawa na sinundan ng dalawa.

"Mga ugok wala ako non"

Nang mahimasmasan ay agad naming nilapitan si Sky pero napatigil ako sa paglalakad ng makitang pinupunasan siya nung babaeng pinagbigyan ko ng upuan ko kanina.

Wat es des sheet?

-----

Natapos na yung game. Resulta? Pagbali-baliktarin mo man ang donut, donut pa rin. Nakuha niyo ba? Hinde?

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon