Chapter 35 - Good news or Bad news?

3.2K 118 4
                                    

Kiana




PAG balik namin sa unit nila Bria ay naabutan naming tulala sa sala si Sky.

Nagkatiningan pa kami ni Bria, buti na lang at may maganda kaming balita.

"Sky!" tawag ko sa kanya.

Lumingon din naman siya agad pero parang wala parin sa sarili.

"Nakausap na namin si Miley." Biglang sabi ni Bria.

Bigla na lang nagliwanag ang lahat kay Sky ng marinig yung sinabi ni Bria.

"Really? Wait papano? Kasama niyo ba siya? Nasaan siya?" Aligagang tanong niya.

Napangiti na lang ako bigla, sobrang mahal talaga ni Sky si Miley.

"Calm down Sky, nakausap namin siya kanina sa rest house nila, at sinabi niya sa amin ang nangyari-"

"Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya?" Putol ni Sky sa sinasabi.

"Sky naman eh, hintayin mo kong matapos nagsalita." angal ko.

"Sorry." sabi niya.

"So ayon nga, nakausap namin siya.. Wait mo lang yung tawag niya at siya na ang magpapaliwanag sayo." sabi ko.

"Eh kelan naman siya tatawag?" tanong niya.

"Hindi rin namin alam, actually pwede ko naman siya tawagan ngayon kasi phone ni Kian yung gamit niya pero nag-aalangan kami dahil baka mahuli siya." ang sabi naman ni Bria.

"Anong mahuli? Bakit?" takang tanong niya.

"Oh sige para hindi kana maguluhan pa, umamin na si Miles kay Tita, at hindi naging maganda ang kinalabasan." sabi ko.

Bigla namang nalungkot si Sky sa kanyang nalaman.

"Gusto lang naman naming maging masaya ni Miley pero bakit kung sino pa yung dapat makaintindi sa amin ay pinapahirapan kami? May mali ba sa ginawa namin? Mali bang minahal namin ni Miley ang isa't-isa?" Nangingilid ang mga luha ni Sky habang sinasabi ang mga iyon.

Tila naawa ako sa mga kaibigan ko. Ako kasi ay tanggap ako ng pamilya ko kaya naman hindi ako mahihirapan.

Nadako ang pansin ko kay Bria na kanina pa tahimik.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

"Naalala ko lang, what if kung matulad ako kay Miley? What if pag nalaman ng parents ko yung about sa atin ay ilayo karin nila sa akin? Kian natatakot ako. Ayokong mangyari yun." Naluluhang sabi ni Bria.

Damn! Mag best friend talaga sila, bakit ngayon ko pa kailangang makita na umiiyak yung dalawa?

Niyakap ko si Bria.

"Ssshhh, wag mo isipin yung mga ganung bagay... Think positive lang tayo okay? Magiging okay ang lahat." sabay punas ko sa luha niya.

"Bria, I know Tita and Tito. I have this feeling na matatanggap ka nila kung sino ka man." Biglang sabat ni Sky.

"Ikaw din Sky, feeling ko matatanggap ka ni Tita. Sobrang bait kaya nun." Sabi naman ni Bria.

"Yeah right? Actually balak ko na ngang ipakilala si Miley pero nangyari nga yung ganito. Next time na nga lang siguro kapag okay na ang lahat." sagot ni Sky.

"Tama yan guys magiging okay ang lahat, kaya kayong dalawa, ayusin niyo ang sarili niyo. Punasan niyo yung mga luha niyo, kailangan okay tayong haharap Kay Miles okay?" sabi ko sa kanila.

"Uhmm! Kaya ikaw Sky magpakatatag ka! Simula palang 'to." Sabi naman ni Bria.

"I will, syempre para kay Miley." sagot ni Sky.




















































































INABOT na kami ng hating gabi sa kakahintay sa tawag ni Miley at ngayon nga ay nagsimula na namang mag-alala si Sky.

Mabuti na lang at nandito narin sina Thomas at Brix para naman may mga kasama kami para pakalmahin si Sky.

"Guys? Ano na? Akala ko ba tatawag si Miley? Baka mamaya may nangyari ng masama sa kanya!" Nagpapanic na sabi ni Sky.

"Babe, hindi kaya nahuli si Miley?" sabi ni Bria.

"Wag naman sana." Sabi ko.

"Baka lalo kaming paglayuin ng Mom niya, ano ng gagawin ko?" si Sky.

"Dapat kasi kanina tinawagan niyo kami ni Brix nung nagpunta kayo sa rest house kanina, naisama na sana natin si Miley." Sabi ni Thomas.

"Nagsisisi nga akong iniwan pa natin si Miley doon." Malungkot kong sabi.

"Sky, gusto mo puntahan natin ngayon yung rest house?" suggest ni Brix.






























































"Miles!!!!!! Miles!!!" sigaw ko.

Nandito kami sa labas ng rest house nila Miles pero parang mukhang walang tao.

"Kiana, bakit parang walang nakatira dito?" tanong ni Brix.

"Sigurado ka bang nandito si Miley?" tanong naman ni Thomas.

"Couz, nandito kami kanina. Nakausap talaga namin si Miley dito." si Bria na ang sumagot.

Nababahala kasi ako, paano kung nalaman ni Tita na nagkausap kami ni Miley? Tiyak na lalong ilalayo niya si Miley.

"Sky" tawag ko sa kanya.

Tahimik lang kasi siyang nakatingin sa bahay pero makikita mo sa mata niya ang lungkot at pangungulila.

"Umuwi na tayo." Malungkot niyang sabi at nauna ng umalis.

Nag katinginan kaming magkakaibigan, at hinabol na lang si Sky.

"Sky!" Tawag sa kanya ni Bria, nang mahabol niya si Sky ay bigla niya itong pinaharap sa kanya, nakita tuloy namin kung paano umagos sa mga mata ni Sky ang luha.

"It's okay" sabi ni Bria at niyakap si Sky.

Nasaksihan namin kung paano humagulgol sa iyak si Sky habang yakap ni Bria.

"Iiyak mo lang Sky, nandito lang kaming mga kaibigan mo." Alo ni Bria sa best friend niya.

Kahit ako ay medyo naluha sa nakikita ko, Hindi kasi ako sanay na makita ng ganito si Sky.

Sky is a cool person, Hindi uso sa kanya ang ganitong drama pero ngayon ibang-ibang Sky ang nakikita ko.

Nalulungkot ako para sa kaibigan ko.
Kung may magagawa lang din sana ako tulad ng nagawa niya sa akin nung ako ang nangangailangan ng tulong ay gagawin ko.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon