MBT 33

187 13 6
                                    


Nakuha ko na ang padala ni ate. Sakto ito para sana mapunan ko ang kulang kong apat na libo pero dahil nabayaran na ito ay hahagipalin ko na lang ang taong pinanggalingan nito upang makabayad. Hindi ako papayag na magkaroon ako ng utang na loob sa pamilya niya. Debale ng magkandarapa ako sa hirap kaysa ang ipalit ang taong mahal ko sa pera.



Natapos ang baccalaureatte namin kahapon at bukas na ang graduation kaya sobrang busy ngayon ng mga advisers, wala kaming practice ngayon pero nandito pa rin kami dahil sa matinding pagkasabik ng mga mangyayari bukas. Buong loob ko na rin tinanggap na pangalawa na lang ako ngayon kay Kathryn. Salutatorian. Naliwanagan ako noong ipamukha sa akin ng mga tigang kong kaibigan na hindi naman kami ang first top section kaya kahit sa akin mapunta ang pagiging Valedictorian ay wala pa rin akong speech na maasahan. Nasa klase nila Daniel ang tunay na Vale, dahil sila ang star section. Pangalawa lang kami.


Pinaglinis kami ng gym, ang mga lalaki ang nag-hahanda sa mga upuan samantalang kaming mga babae naman ang in charge upang tumulong sa mga kakailanganin. Pili lang kaming section ang narito.


" Julia, nauuhaw ka ba? Binilhan kita ng tubig. " Kinalabit ako ni Enrique galing sa likod at ngumisi ng hinarap ko siya. Ngumiwi ako bago kunin ang mineral water na hawak niya.


" Ah, sweet. " Narinig ko ang salita ni Alicia sa gilid ko, nasa stage kami at nag-aayos ng mga upuan para sa mga guests. Hindi ko siya pinansin bagkos ay inihampas ang bote ng tubig sa braso ni Enrique.


" Oh, umalis ka na! Istorbo ka! " Pananaboy ko sa kanya hanggang sa makababa siya ng hagdan. Tss. Ngumuso pa siya kay inirapan ko na.


" Walang thank you? " Malakas ngunit malambing ang kanyang boses. Nilingon ko ulit siya at kinawayan upang umalis.


" Wala! " Sabi ko.


Bumalik ako sa ginagawa ko at naramdaman ang paglapit ni Crown sa gilid ko. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ng matino simula noong lumabas ang totoo. Kinakausap ko siya ngunit mukhang siya pa itong may ganang magtaray kaya hinayaan ko na lang siya, tutal andyan pa naman si Alicia para sa kanya. Gusto ko siyang patawarin ngunit sa tuwing naaalala kong binibilog niya ako noon pa man ay naglalaho ito.


" Crown, may kailangan ka? " Hindi ko siya natiis. Napansin kong medyo napatalon siya ng marinig ang boses ko. Nakatingin siya sa akin ngunit parang wala siya sa sarili.


" H-ha? W-wala.. " Tumaas ang isa niyang kilay at tinalikuran ako. Kumunot ang noo ko. Weird.



Nang dumating ang tanghalian ay agad ng nagreklamo ang lahat dahil sa sobrang gutom. Dumating ang Chief adviser ng buong fourth year at nagpasalamat kami ng sa wakas ay pwede na kaming lumabas ng gym. Sumigaw ang iba at pumapalakpak naman ang mga kaibigan kong sila Jaymie. Suminghap na lang ako at dinampot ang nilagay kong tubig sa upuan. Lumagok ako ng kaunti at isasarado na sana ito ng agawin ito sa akin ni Enrique.


" Hoy! Shit ka! Akin na 'yan! Hindi 'yan sayo! " Sinubukan kong kunin ito pabalik. Shit na Enrique 'to. Hindi ako tumigil sa pananapak sa kanya.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon