“What the fvck?!”
Malakas na mura kaagad ang naibungad ko habang kaharap sina tito at tita. Mabuti nalang at hindi ko nabitawan ang basong may laman na mainit na tsokolate o kaya naman ay naibuga ito sa mga pagmumukha nila.
But then again, why not? Mukhang magandang ideya ito ngayon dahil sa mga pinagsasabi nila.
Agad na pinandilatan ako ng mga kamag-anak ko. I think they already anticipated my cursing pero hindi nila akalaing iyon kaagad ang magiging bungad ko sakanila.
I may find it normal to insult them since I never once had a decent talk with the two, pero ito ang una naming pag-uusap matapos ang isang taon kaya mukhang nagulat ang mga ito.
Si lola naman ay nandoon lang sa veranda kasama ang nurse niya at parang natatawa dahil narinig siguro nito ang nasabi ko. Nababaliw na naman yan, katulad nalang ng nabaliw na yata na tita ko na ngayon ay mukhang handa nang ihagis sa akin ang pamaypay nito.
Inilapag ko ang baso sa lamesang pumapagitna sa amin at tumikhim. Pinigilan ko rin ang maid na akmang dadagdagan ang aking inumin dahil nangalahati na ako.
"I mean, what?" Medyo late na korekta ko sa sarili.
Pinilit kong hindi patulan ang topak nila kahit masakit pa ang ulo ko dahil kagagaling ko lang sa isang mahabang biyahe. Kakarating ko lang kasi mula Hong Kong.
I am currently working as flight attendant in a very well-known airline company based in Hong Kong. Nagtatrabaho ako doon for almost a year now even though we have our own airline company. Pamana iyon ng yumao kong ina pero hindi ako pinapayagan ni tita na mag handle nito. But that is another story.
Right after I graduated ay nagkaroon kaagad ako ng offer sa kumpanya dahil na rin sa recommendation ng aming Dean.
The Dean is so fond of me by the way, kaya agad niya akong binenta sa kaibigan niyang nagta-trabaho bilang HR sa isang leading airline company doon.
With the help of my fine credentials ay nakuha kaagad ako.
I was doing everything fine. Nakapag-adjust din naman ako kaagad sa lugar at trabaho sa kadahilanan na gusto ko talaga ang ginagawa ko. Especially traveling. I even planned on never returning to the Philippines.
Why?
Because my grandmother is visiting me now and then anyway, and you could say some of my relatives disapproved about me not taking up a business course, that explains why I kind of want to prove something to them.
Traveling is my passion. Traveling is my solace. In short traveling is my everything. At gusto kong ipunto sakanila na kaya kong mag succeed dito.
Hindi ko kayang ikulong ang sarili ko sa isang opisina at umupo lamang sa isang swivel chair.
That is another level of jail for me. But of course not everyone will understand you kaya ayan. May mga kadugo akong kontrabida.
I was planning to settle down in Hong Kong kapag napilit ko si Lola na doon na tumira kasama ko.
Obviously, ako ang paborito niyang apo at kaya ko naman siyang alagaan. She did agree but gave me a year to do whatever I want to do before we live together.
Pero an emergency happened. Pinilit niya akong umuwi dahil kailangan daw ako sa pamilya. And because I am a lola's girl ay umuwi kaagad ako.
Besides lola, ay isa si tita sa nangungulit sa akin para umuwi. Ang sabi nila ay kailangan na kailangan nila ang suporta ng lahat ng mga kamag-anak namin at isa na raw ako roon.
BINABASA MO ANG
Pretending to be Nathalie Grace Sandoval
Teen FictionGrace is finally okay with everything that she has. Kahit hindi niya makuha-kuha ang kumpanya ng kanyang ina dahil may kontrbida siyang Auntie ay successful naman siya lalo na at gustong gusto niya ang trabaho niya. She's not giving it up though...