71. ALOHA

849 29 1
                                    


Naging pinaka memorable para sa akin ang gabing iyon.
Gabi na kung saan ay naramdaman ko na talagang iisa ang aming damdamin at puso ni Gari.Alam ko kung gano nya pinaka ingatan at pinahalagahan ang kanyang puri ng matagal na panahon kaya naman lubos ang kaligayahan ko ng mga oras na yun.Lalo kong naramdaman kung gano sya ka respetadong babae.

"Honey,Salamat sa pagmamahal mo at pagtitiwala.Sobra mo kong pinasaya.Ramdam na ramdam ko kung gano mo ko gustong pasayahin.Salamat hon._AKO. Isang halik sa nuo ang iginawad ko sa kanya.

"Honey,Masaya din naman ako gaya mo.Salamat din kasi alam kong sa tamang tao ko ipinagkatiwala ang lahat.
_Gari.Magkayakap kami habang nasa gitna ng masikip na traffic sa kahabaan ng Edsa.Papunta kami ngayon sa condo ni Sky dahil na din sa imbitasyon nila na magkita kita daw kami ngayon para mag lunch.

"Bakit nga pala tayo inimbitahan ni Sky sa condo nya,May okasyon ba? Para naman kasing biglaan yata.Wala ba syang nabanggit sayo Hon?_Gari.

"Wala din akong idea Hon,Pero baka naman trip nya lang.Minsan kasi yang si SKY,kapag naiinip sa condo nya talagang nag aayaya yan ng makakasama.
Anyways,kelan nga pala ulit yung lakad nyo ni Martha para sa tinutulungan nyang foundation?_AKO

"This coming sunday na yun hon,Sasama kaba? Hindi ba may schedule ka sa araw ng sunday palage?_Gari.Alam nya kasi na kapag sunday ay may flight schedule ako.

"Nagpaalam ako sa HR kahapon,Sabi ko kung pwedeng makipagpalit ng sched para nga makasama sa inyo.Pumayag naman si Insan kaya pwede ako sa sunday._AKO

"Talaga? That's good.Para na din makapag simba tayo together.Pero hindi ba naman nagalit yung kapalitan mo na basta ka na lang nagpapalit ng sched mo?_Gari

"Actually,Sakto namang naghahanap din si Capt.Villegas ng makakapalitan dahil sa wednesday pala ay anniversary nila ng wife nya.Balak nyang surpresahin kaya ako ang naka sched sa wednesday pa Abu Dhabi._AKO

Dumating kami sa condo ni Sky at nadatnan namin sila ni Martha na nagpa pack ng mga groceries sa mga bags.

"Tamang tama ang dating nyo guys,Madami dami din itong mga ibabalot natin kaya bilisan nyo na dyan. Bawal mag pabebe ngayon kasi kailangang kailangan na toh dun sa pag dadalahan natin ng tulong._Skyler. Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya,Wala naman kasi akong kaalam alam na meron pala syang pa grocery sa mga tutulungan nila.

"Anong meron,Bakit biglaan naman yata?Saka sino ba ang mga nangangailangan ng tulong at para yatang madalian itong pag pack na ito?_AKO

"Tinawagan kasi si Sky nung kaibigan nyong sundalo.
Ang sabi nya kasi,mayroon nga daw isang baranggay dun sa Mt.Mayamot na sinalakay ng mga rebelde at pinag susunog ang mga kabahayan.Wala daw silang mga pagkain duon at sa isang malaking tent lang sila lahat nagsisiksikan.
Kaya agad kaming nag grocery ni Sky para naman may maipadala dun sa kanila.Mabilisan lang ang pag iimpake namin kaya need namin ng mga makakatulong sana._Martha

"Naku ganun ba,kawawa naman pala sila.Mas mainam siguro kung mag padala din tayo ng mga bottled water nila duon,Mas kailangan nila ng maiinum na malinis na tubig.Lalo na sa mga bata.Tatawag na din ako sa iba ko pang kakilala na pwedeng makatulong._Gari.

"Don't worry guys,Ako ng bahala sa iba pang pangangailangan nila.Tatawagan ko lang yung secretary nung foundation at sila na ang bahala sa mga karagdagang pwedeng maitulong.Personal ko na din silang papupuntahin dun para naman malaman nila kung ano ang sitwasyon ng mga tao duon._AKO.Mabilis ko namang nakausap ang sscretary ng foundation at mabilis silang nakipag ccordinate sa mga kinauukulan.

"Haaaaay,salamat at natapos din.Parang masarap partneran to ng paborito kong wine ah._Skyler.Kakatapos lang kasi namin mag pack ng mga groceries at kaagad na din yung naipadala sa mga nangangailangan. Ganun kabilis ang ginawang pagtulong ng grupo namin sa mga nangangailangan

"Hahahahahha.Sabi ko na nga ba at yan ang sunod mong hihirit eh.Sige na nga,ilabas mo na yung mamahaling alak mo dyan at ng magka alaman na kung sino ang mabilis tamaan._AKO.Habang sina Gari at Martha naman ay naghahanda na ng hapunan namin dun sa dinner area.

"Hep hep hep! Bawal mag inum hanggat wala pang laman ang mga tyan.Mag dinner na muna tayo bago pa kayo magka lasingang dalawa.Tara na dun sa mesa._Gari.Hinila ako ni Gari sa upuan at saka kami magkaakbay na nagtungo sa dinning area ng condo.Mas malaki na kasi ngayon ang condo ni Sky kumpara dati na pang isang tao lang.


"Lakas ng loob magyaya ng inuman,sya naman ang nauunang nalalasing! Hahahahaha.Alam mo Sky,Hindi ko alam kung bakit dati ka namang laman ng mga bar pero di kapa din sanay sa inuman talaga._AKO.

"Papapno naman kasi akong di malalasing sa bar,iba iba ang iniinum ko dun.Natural magrambulan yung lahat sa tyan ko._SKY.Malakas ang appeal talaga ni Skyler sa mga kababaihan kaya madaming babae ang nag bibigay sa kanya ng inumin.At dahul patola din naman itong kaibigan ko,lahat ng iaalok sa kanya ay hindi nya tinatanggihan.

"Aysus,Palusot kapa.Ang sabihin mo,gustong gusto mo yung madaming babae ang nagpapa cute sayo dun sa bar kaya kahit siguro lason na pala yung ipinapainum sayo sige ka lang basta makaka iskor ka sa mga babae._Martha.
Tinignan tuloy ako ng masama ni Sky at saka ako biglang namula.

"Oppssss!Teka teka...Bago pa tayo magkasumbatan dito, mabuti pang kumain na muna tayo diba? Kasi lalamig na itong pagkaing niluto ni Martha.Kain na muna tayo guys.
_Gari.

"Ahahahhaha. OA nama sa niluto Gari...Actually pinadeliver ko lang lahat yan from Terry's.Alam mo na,Sisig at adobong pusit.Paborito nating lahat yan kaya yan ang inorder ko.Ayoko din namang mapagod pa si hon sa pagluluto.Pero syempre,the best kung si Martha talaga ang nagluto._Skyler.

"Sipsip ka talaga!Ang sabihin mo,ayaw mo lang mag amoy ulam itong condo mo kaya ayaw mo masyadong nagluluto.
Alam mo Martha,Yang si Sky talaga...Walang di masarap na luto dyan.Kahit yung sa mga luto sa karinderya nga,nasasarapan yan eh.Hahahhaa._AKO.

"GAGO!Kanina kapa sa akin ha.Gusto mo masaktan ha Kapitan?
Wag kang maniwala dyan honey,Masarap naman talaga ang mga luto mo eh.At totoo namang kaya ko gusto palagi umuuwi dito para makakain ng mga putaheng luto mo.
The best kasi talaga._Skyler.

"Bolero talaga tong bff mo noh?Naniniwala naman ako agad.hahahahahah.Pero kidding aside, sana next time talaga matikman nyo din yung luto ko,lalo kana Kapitan.Kasi itong si Gari din nuon,madalas kong dalhan ng niluluto ko kapag pupunta ako sa kanila sa Bulacan.
_Martha

"Hayaan mo next time Martha,Kapag pareho kaming hindi busy ni Gari...Papasyal kami ulit dito para naman makakain ng iluluto mo.Sa ngayon,Dito na muna tayo sa luto ng Terry's.Para naman matuwa sa atin si Katie.
Hehehehhee._AKO.

Masaya kaming nagsalo salo sa munting hapunan at saka kami nagsimula na mang uminom.Paminsan minsan ay masarap din namang magpakalasing lalo pat alam mong kasama mo at katabi mo lang yung taong dahilan ng bawat kaligayahan mo.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon