Butones

4 0 0
                                    

Ang sarap mabuhay dito sa ating mundo, kung saan malalasap mo ang sariwang simoy ng hangin sa bawat pag ihip nito,at sa bawat pagyuko at pagsayaw ng mga mahahagway na puno. Maging pagsikat ni haring araw, kaygandang tunay ang likha ng ating Diyos.

       

Si Anita,isang mumunting nilalang na likha ng Diyos, simpleng nilalang na may pamumuhay dito sa lupa kung saan nakatira sa isang munting paraiso, na puno ng katahimikan kapiling ang mga halaman ,mga puno, at nakapaligid ang mga itosa kanilang mumunting tirahan sa bayan ng San Ildefonso. Ang pamumuhay nila’y puno ng pagmamahalan, at pagmamahalan nilang mag-ina,na isang mananahi. Silang dalawa lamang ang magkasama ngunit matibay ang pundasyon ng kanilang pagsasamang mag-ina. Maganda ang pagpapalaki kay Anita kahit siya’y bata pa lamang. Mabait itong si Anita, matulungin sa kanyang ina, matiyaga, may respeto at mapagmahal. Ngunit nasanay ng mag-isa, natutong maglibang at maglaro ng mag-isa, natutong tumayo sa kanyang sarili. Maging sa paaralan siya lamang ang mag-isa,laging nasa isang sulok at palaging gumuguhit.

Si Anita, bata pa lamang ay hilig nang magkakalikot ng kung anu-anong mga bagay, hilig gumawa ng likhang sining maging ang pagguhit.Mahilig din siyang mangulekta ng makukulay na butones galing sa kanyang Ina. Dahil gusto niyang matulad sa kanyang Ama, na sinasabi ng kanyang Ina ay isa itong pintor, magaling gumuhit at tunay na mahusay. Dahil sa palagi itong kinukwento ng kanyang Ina, lalong naging interesado si Anita sa Sining. Ngunit hindi na nasaksihan ni Anita, di manlang niya nalaman kung ano ang itsura ng kanyang Ama, ngunit sa mga kwento ng kanyang Ina, ay madali niyang nailalarawan sa kanyang isipan at pinapatakbo ang kanyang imahinasyon kung ano ba ang itsura at katauhan ng kanyang Ama. At sabi ng kanyang Ina ay hindi nalaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ButonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon