Ryuji’s POV
(=__=) Pesteng buhay ito oh.
Nauna na nga akong maglakad, naabutan pa ako nitong mga maiingay na ito. Nakakarindi ang mga boses nila sa sobrang lakas.
“Yo, alam mo yung si Pacquiao? Wala yun sa kamao kong sumuntok. Isang suntok lang sakin, bulagta na ang kalaban.” Pagmamayabang nitong si Liit. Si Shean.
“Tsk. Wala iyan sakin noh, isang kalabit lang ng gatilyo...boom! Patay kaagad.” Isa pa tong si Jasper.
“Sobra ka naman Jas, patayin daw ba ang kalaban. Eh, boxing ang usapan at hindi ang patayan, ulol!” Bulyaw naman nitong si Dariel kay Jasper.
“Alam niyo, napakawalang sense ninyong kausap eh noh. Hindi ba Vinxe?” Sabay akbay naman ni Jasper sa tahimik na si Vinxe.
Nagtanggal naman ng headset tong si Vinxe sabay baling ng tingin kay Jasper na walang kaalam-alam sa sinabi nito. “Hah? Anong sabi mo Jas? Hindi kita narinig, pasensya na.”
“Ay potek ka naman eh Vinxe! Sinira mo pa ang image ko.” Maktol ni Jasper habang nagpipigil naman ng tawa sina Shean at Dariel.
(_ _”) Hays... ganito palagi ang mga ito. Sakit ng ulo palagi ang inaabot ko sa pag-awat sa mga ito. Ni hindi man lamang ako matulungan ni Vinxe sa pag-awat sa tatlong mokong na ito sa kalokohan at kabalbalan.
Kasalukuyan naman kaming naglalakad patungo sa classroom ng Section A nang biglang nagtatakbuhan ang mga estudyante papunta sa direksyon na aming pupuntahan. Dahil doon ay napatigil ako at napatigil din ang mga kasamaan ko.
“Oh, bakit ka tumigil Master?” Tanong ni Shean. “May problema ba?”
“What’s all about this commotion?” Malamig kong tanong. (-__-)
Seriously, ang ayoko sa lahat ay nasisira ang araw ko. Dahil naman sa nadatnan ko, nasagad na ang pasensya ko.
“Insan, cool ka lang kasi.” Tapik naman ni Dariel sa balikat ko. “Masyado kanang hot eh, mas hot kapa kesa sa kumukulong tubig sa takure eh.”
“Psh.” (-__-)
“Alam niyo ba? May pinagtritripan na naman daw si Audrey dun sa room nila.” Banggit ng isang student na nakatayo sa tabi namin.
“If I know, yung nerdy girl na naman iyon. Palagi na lamang mainit ang ulo ni Audrey dun kasi inagaw ni nerdy girl yung dating pwesto ni Audrey bilang top 1 sa rankings.” Kwento naman nung katabi niya.
“Naku... kawawa naman si nerdy girl kung ganon. Napakasimpleng bagay lamang naman iyon eh tapos ganon na katindi ang galit ni Audrey sa kanya? Ang babaw naman.” Sagot naman nung isa.
Nerdy girl?
“Umm... miss, ano ba yung nangyayari dun?” Tanong naman nitong si Shean sa dalawang babae na nagchichismisan sa tabi namin.
“Umm.. Prince Shean... kasi yung nedry girl sa Section A, mukhang pinagtritripan na naman ng grupo ni Audrey.” Magalang na sagot nung babae.
Ganyan talaga ang trato sa aming lima ng mga students dito. They treat us like royalties kahit di pa nila lubusang kilala ang tunay naming imahe sa likod ng mga mukha naming ito. We could be deadly and dangerous.
“Ah, salamat” Sabay kindat dun sa dalawang babae. Kilig na kilig naman tong dalawang to. Psh. Mga malandi. (-__-)
“Ano daw sabi?” Tanong ni Jasper.
“May pinagtritripan daw sina Audrey.” Sabay hawak sa chin niya na parang nag-iisip. “Sa pagkakaalam ko, napakamaldita niyang si Audrey. Spoiled brat din siya at lahat ng bagay nagagawa niyang makuha by her connections.”
“Yeah. Guess you’re right, baliw na baliw pa bakamo kay Insan.” Sabay pameywang naman nitong si Dariel at may patango-tango pa.
“May sinasabi kaba diyan?” Cold kong tanong sa pinsan ko.
“Ah wala wala naman insan. Hehe” (^__^;) Iling-iling naman niya. Sus. Narinig ko iyon, humanda ka sakin pag may oras ako.
“Let’s go.” I commanded them.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa room ng Section A. Ewan ko ba, I have the urge na parang gusto kong makita yung ‘nerdy girl’ na sinasabi nila.
Nang makarating naman kami malapit sa room ng Section A ay makapal na ang mga estudyanteng naroroon. Mga chismoso at usisero talaga ang mga tao ngayon.
“Whoa! Ang dami namang mga audience dito.” Pagkamangha naman ni Shean.
“Triple ang ginawa ni Audrey na eksena ah.” Sipol ni Jasper.
“Kung awatin niyo kaya sila.” Singit naman ni Vinxe. (-__-)
“Ang hirap kayang awatin niyang si Audrey. Parang leon na nakawala sa cage kapag nagwala iyan eh.” Reklamo naman ni Jasper.
“Nagwawala ba siya?” Tanong ng poker face na si Vinxe.
“BOOM! Barado!” chorus na katyaw nila Dariel at Shean.
“Tsk.” Dismayadong si Jasper, iyan na lamang ang nasabi.
“Huy!” nanlalaking matang sigaw ni Shean na parang may itinuturo.
“Anyare sayo? Para kang nakakita ng multo?” tanong ni Dariel sa kanya.
“Shean, alam mo...” Hindi na natuloy ni Jasper ang sasabihin ng takpan bigla ni Shean yung bibig niya sabay baling ng ulo nito sa nakita ni Shean na ikinalaki ng mga mata nito. “Holy... cow...”
Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong manlaki ang mga mata at literal na mapanganga nang makita ko mismo ang pagbuhos ni Audrey ng isang baldeng tubig dun sa nerdy girl na tinatawag nila. (o__o)
“What will you gonna do now... Mr. Rednaxela?” Makahulugang sabi ni Vinxe na may pilyong ngiti pa sa mga labi nito.
“Te-teka nga lang... parang... yun si... ano...” Nanginginig pang nagturo si Jasper dun kay nerdy girl. “Si...”
Ngumiti naman si Vinxe sabay sara nung librong binabasa. “Yep. No other than Jaeri Park. Our long lost... PRINCESS.”
-----------------------------------------------------
I hope di ako magkawriter's block sa dami ng school works na dapat tapusin. :)
Comment.Vote.Be a Fan
BINABASA MO ANG
Your Angel
RomantikPaano kung ang isang anghel ay natagpuan ang kanyang nawawalang katauhan sa isang devil. Paano kung mabihag siya nito sa irang trap na tinatawag na PAG-IBIG. Magawa pa kaya niyang makaalis sa trap na ito o ipaglalaban niya ang kanyang nararamdam par...