Chapter 1

1.8K 69 67
                                    

Chapter 1

-----

After I graduated senior high, I promised my self that I'd try my best to be the best.

Kasi gusto ko maging proud pa lalo sa akin ang mga magulang ko. Gusto ko kapag uuwi sila dito sa Manila, may iku-kwento ako sa kanila na panibagong achievement ko.

So I strived. Hard.

"Ivana, ikaw na ba ulit bahala sa catering para sa camp?" Tanong sa akin ni Dorothy, iyong vice mayor ng SLC.

College na ako pero hindi pa rin nagbabago iyong mga gusto kong gawin. Active pa rin ako sa SLC at swerte naman ako na nanalo ako noong nakaraang eleksyon bilang third year mass com councilor kahit pa second year pa lang ako noon.

"Okay lang naman sa akin." Kibit balikat kong sagot bago ako ngumiti. "Kaso paano sila? Okay lang ba na café ko ulit ang mag-provide ng pagkain?"

"Oo naman!" Sabi ni Topher na nag-thumbs up pa sa akin. "Sobrang sarap kaya ng mga pagkain sa café mo! Idagdag pa 'yung mga luto mo na kasama sa menu ng camp last year kahit di naman available sa café mo."

Mas lumaki ang ngiti ko dahil nag-agree rin iyong iba sa sinabi ni Topher. Nong camp kasi last year ay ako ang kinuha nila para mag-provide ng pagkain kahit pa hindi naman ako nagke-cater talaga. Alam lang nila na masarap ako magluto dahil na rin sa café ko na regalo sa akin nina Mommy at Daddy. Sakto naman na umuwi sina Mommy at Daddy kaya natulungan nila ako sa pag-aasikaso noon.

Nag-suggest sila ng menu na pwede kong i-provide. Alam na kaagad ng mga SLC members ang isa-suggest nila dahil sila rin naman iyong mahilig makikain sa baon ko minsan.

Nakapaglista sila ng anim na putahe at nagkasundo kami na i-finalize ang menu kapag present na lahat ng members.

"Dahil si Ivana na ang in charged sa pagkain, iba naman ang sa technical team. Any suggestions?"

Nagpatuloy ang meeting. Assigning pa lang naman ngayon ng mga tasks kaya wala masyadong gagawin. Iyong mayor kasi namin ay nasa leadership conference ngayon kasama ang vice mayor pati na rin ang secretary. Hindi naman sila kasali sa mga assignments kasi siyempre sila na iyong bahala sa mga proposal and paper work na kailangan para sa camp. Mas marami silang trabaho kaysa sa amin.

Almost one o'clock na nang matapos ang meeting. Mabilis na inayos ko iyong mga gamit ko para makaalis ako kaagad. Baka patayin ako ni Miggy kapag na-late ako kahit five minutes lang sa oras na napag-usapan namin.

She had been jittery since the day she became Asher's personal assistant. Whatever that meant. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin talaga maintindihan iyong arrangement nila.

Medyo weird lang kasi. Sure ako na si Asher iyong tipo ng tao na kahit saan ka lumingon, may nakahanda na mag-provide ng kung ano mang kailangan niya sa buhay. Para saan pa ang personal assistant?

Pagdating ko sa café, nasa likod ng cashier si Miggy at kalmadong nagsusukli doon sa costumer na kakatapos lang siguro na mag-order sa kanya.

"Migs, wala pa sila?" Tanong ko pagkapasok ko sa counter. Umiling si Miggy. "Akala ko ba after lunch?"

"Knowing those pea brains..." Sabi ni Miggy, nakatingin pa rin sa screen at nagla-log out siguro sa account niya as a cashier. Nang matapos siya magpipindot ay sumandal siya sa counter at ipinatong ang siko niya doon. She then leaned her chin on her open palm. "kumakain pa rin siguro sila hanggang ngayon."

Natawa ako sa sinabi ni Miggy. Nakakatuwa na sa maiksing panahon na nakakasama niya na iyong sikat na barkada nila Asher ay mukhang kilalang kilala na sila ni Miggy. Ang dami niyang kinukwento tungkol kay Asher. I even doubt it if she noticed na halos si Asher na lang ang bukambibig niya these past few days.

EZH #5: Hope Tuason [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon