Chapter One

291 15 0
                                    

all the characters, names, places, things, events have no existence whatsoever the biggest imagination and all the incidents are merely invention of the beautiful author *ehem* meeeee..(^___________~)/

I do not own those pictures I used in this story. Thanks kay Google.

Hope you like it.

Sorry sa mga bad wordssssss na nakasulat dito sa TRG! At sa mga typo error at wrong grammar. Hindi ako perfect,  sadyang maganda lang.

~~~~~~~~~~

*His point of view*

"Hoy Vergara Laya ka na!"

Sabi nung parak na humuli sa amin kanina.

"Pasalamat ka malakas ang connection ng lolo mo." dugtong pa nito na mas lalong kinainis ko. Makalabas lang ako dito sa seldang ito, bubugbugin ko talaga ang maingay na pulis na ito.

"Manahimik ka!" siguro kung kayo ang nasa sitwasyon ko baka, magtatalon pa kayo sa tuwa...pero paksh*t! ako hindi! Lintik makikita ko na naman yung huklubang yun.

Ang sarap pa naman ng pagkakaupo ko sa loob ng kulungan habang nakikipaglaro ng baraha sa mga kasamahan ko dito sa loob. Langya namang buhay!

"Tol, muka kang namatayan, condolence nga."

"Oo nga, dapat ngiting tagumapay...lalaya eh." 

Andito ako at ang mga gago kong kafrat sa kulungan, nagkaroon kasi ng riot kanina, since mga gago nga kami ayun nakisali kami.

"mamimiss kita pare, pakiss nga." Tas nagtawanan mga kasamahan ko sa selda. Mga siraulo, mental yata ang napasukan ko at hindi kulungan ng mga tarantadong tulad ko.

"Tangina para kayong bakla! Panu una na ako at hahatulan pa ako."

"Dudeluck sa lolo mo P're, ipagpapray ka namin."

"Mga gago, marunong ba kayo nun." 

Napangisi na lang ako. Tumayo na ako at naglakad papunta sa sasakyan. Masamang paghintayin ang matanda at as usual pagkakita ko sa kaniya ang sama na agad makatingin.

 Ayos din, bagong car ni Tanda. Yaman talaga nito....magkano kaya ito pag ibinenta ko. XD

Nung nakaharap ko na si Tanda with matching kunot noo taas kilay pa,.....ay mali normal na pala sa kanya yun.

Yang si Tanda kasi sa kasamaang palad ay lolo ko na pinaglihi yata sa sama ng loob kaya ganun ang itsura. Hindi gumaya sa akin gwapo. Ako ngang apo niya stress na sa hitsura niya.

"Hindi ko alam na concern pa kayo sa akin." Walang ganang sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama. Tsk...walang epek sakin niyang humanda-ka-mamaya look. #>___>. Para namang hindi pa ako sanay sa kaniya.

Buong byahe muntangang nakapoker face lang ako. Ganito O---> '____'....Grabe ang boring! sana pala binugbog ko na lang yung maingay na pulis kanina, para tumagal ang stay ko sa kulungan habang naglalaro ng puso'y dos. Langya namang buhay to!.. Mga kafrat ko naghahappy-happy sa kulungan, ako eto parang may lamay.

Pagkadating sa mansyon, di pa ako nakakatapak ng bigla akong kinaladkad ng mga men in black ni tanda at hinarap sa kaniya.

'PAK'

Isang malakas na sapak ang naramdaman ko. Tangina hindi ko nailagan yun.  May lahi yatang super saiyan si tanda at ang lakas sumapak.

"Stupido kang bata ka! Puro na lang kahihiyan ang dinadala mo sa pamilyang ito. Wala ka talagang silbi at ngayon sa kulungan pa kita pinulot. Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo!" galit na mahabang litanya ni Tanda. ako no reaction...sanay na ako. Kaya anung bago?

Simula ng nagrebelde ako sa lolo ko eto ang napapala ko. Ginusto ko ito so panindigan ko. Isa lang ang alam ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Ngayong malaya na ako, hindi ako papayag na hawakan niya ulit ako.

"Buti alam niyo, kung wala na kayong sasabihin uuwi na ako." Tumalikod na ako. 

Hindi ako natira sa mansyon niya, since naglayas ako. Minsan sa bahay ng mga tropa ko ako natutulog o kaya sa bahay ng mother ko. Pero madalas sa hideout namin ako nag-iistay. Kinut niya din ang allowance ko so no choice ako kundi maghanap ng kung anung raket man ang alam ko. Alam kong pathetic ang buhay ko ngayon dahil sa pride ko, pero ngayon ko lang naranasan ang maging malaya at walang nagkokontrol sa akin.

"Hindi pa ako tapos sayong gagong bata ka. Wag na wag mo akong tatalikuran pagkinakausap pa kita."

Humarap ulit ako. Buset oh! Pustahan, manenermon na naman ang matandang to

"Now what?!"

"Ganito ba ang gusto mong buhay? Ang magpakahangal. Walang mangyayari sa buhay mo at pinag-aralan mo kung patuloy kang magpapakagago." Tumalikod na ako, wala akong panahon makinig sa mga sermon ni Tanda.

"I warn you Jin, paghindi mo ititigil ang pagrerebelde mo. Mapipilitan akong gawin ang pinag usapan natin. Wag mong sagadin ang pasensya ko."

"Then go on. Wala na akong paki kung hindi mo ako pamanahan." Tsk, kala naman niya matatakot ako sa mga banta niya.

"Beside, I'm sick and tired of your fucking game. Lahat na lamang ng bagay pinapakielaman mo. Simula bata, para na akong robot na sunod sunuran sa gusto mo. May sarili akong buhay at kung pwede lang mamili ng buhay, hinding hindi ko pipiliin ang pakshet na buhay ko ngayon! Lalong lalo na ang maging apo mo, sayung sayo na yang kayamanan mo!"

"Kaya ayokong lumaki ka sa ina mo dahil kinukunsinte niya ang baluktot mong ugali. Tingnan mo ang nagyari sayong bata ka, ang laki ng pinagbago mo."

"Walang kinalaman dito ang mama ko--"

"Kanino pa nga ba ikaw mag mamana ng ugali, kundi sa nanay mong asal kalye."

"Bawiin mo ang sinabi mo!" nakatungo na ako, Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko na masuntok ang tandang to. Kahit naman gago ako, nirerespeto ko pa rin ang lolo ko kahit papaano.

"Ang nanay mong--"

"SHUT UP!" nalalasahan ko na ang dugo mula sa labi ko, habang kagat kagat ito.

"Totoo naman na ang nanay--"

"I SAID SHUT YOUR FUCKING MOUTH!!!" Lumapit ako sa kanya para suntukin kaso, laking epal nung mga alagad niya. Pinigilan ako. Son of a bitch!!!

"Tsk, di bale na nga." Naglakad na ako palayo...Subalit bigla nila akong pinigilan at sinimulang bugbugin, syempre hindi ko inexpect yun. Ang dami pa nila.Pero kalaunan, lumalaban na din ako. Nung tumba na silang lahat, nagmamadali na akong tumakas.

Damm'it, kung kelan kailangan ko ng sasakyan saka walang dumadaan. No choice kundi tumakbo kahit masakit ang aking katawan. Pagtingin ko sa likod....nakanang kabayo nasundan agad ako. Pumunta ako sa madilim na iskenita at nag ala spider man doon.....Bahala na kung saan mapadpad. Basta may matulugan ako ngayong gabi.

TBC

( *____*)....

**** .^______________^v



That Rude GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon