Plok. Plok. Plok.
Yan ang maririnig na tunog sa bubungan ng bahay namin. Napabuntong-hininga ako.
Umuulan na naman.
Kasabay ng pagbugso ng malakas na ulan ay ang pagdaloy ng mga alaala sa isip ko.
December 2***. Tandang-tanda ko pa ang araw na yun. Malamig ang simoy ng hangin dahil malapit na ang pasko. Sa park ng subdivision namin, doon ko siya unang nakita. At di ko ineexpect na doon din pala naibigay ko sa kanya ang puso ko.
Nakaupo siya sa swing noon, at kumakain ng cotton candy. Akala ko nga bakla siya dahil wala naman akong kakilala na teenager na lalaki na kumakain pa rin ng cotton candy. Umupo ako sa may katabi ng swing. Akala ko di niya ko napansin dahil busy siya sa pagkain.
" Masarap kumain ng matamis kapag nalulungkot." bigla niyang sinabi sa kain noon. Nagulat naman ako dahil kinausap niya ko bigla. Lumingon siya sa akin at ngumiti. NApatitig ako sa ngiti na yun. Gwapo pala siya.
" Ako pala si Aki. Ikaw, ano name mo?"
" A-ah, ako p-pala s-s-si ahm..." ano ba naman toh. Nakakahiya.Bakit ba ko nauutal?
" Hey, ayos ka lang ba? Wag kang mahiya sa akin. Gusto ko lang makipag-kaibigan :)" ayan na naman yung smile niya na sobrang nakaka assure.
" Eh, pasensya na. Di kasi ako sanay na makipag usap sa kakakilala pa lang. Ako pala si Nathy." sabi ko sa kanya habang nakayuko. Nakakahiya naman kasi talaga noh!
" Nice meeting you, Nathy. So, friends na tayo huh?" sabay alok ng kamay. Nginitian ko naman siya sabay tanggap ng kamay niya.
"Sure, Aki."
Simula noon, araw-araw kaming nagkikita sa park. Nakilala ko yung family niya at nakilala din niya yung family ko. Naging mag best friends kami all the way. Dahil sa simpleng pagkikita namin sa park ay nagkaroon kami ng deep bond bilang best friends. Lumipas ang tatlo, apat, hanggang 8 months na pagkakaibigan namin. Yun na yata yung pinakamasayang moments na nangyari sa akin.
Isang araw, nasa park na naman kami. Dito kasi yung official tambayan naming dalawa. Medyo makulimlim nun. Nakaupo kami sa damuhan. Tahimik. Di ako sanay sa pagiging tahimik ni Aki. Kwela kasi siya at puno ng kwento. Kaya nakapagtataka ang katahimikan niya.
"Nathy."
Nagulat ako nung bigla niya akong tinawag. "Oh, bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa kin at tinitigan ako sa mata. Seryoso siya. Di ko napigilan yung sarili ko para kabahan.
Dugdug.Dugdug.
" Mahal kita, NAthy." bigla niyang nasabi sa akin. " Hindi ko alam kung kailan to nagsimula. Pero, hindi na best friend ang turing ko sayo. Alam ko, maaring magalit ka sa akin. Pero, pasensya na, di ko na kaya pang itago toh." sabi niya. Yumuko siya agad na tila ba batang nahihiya.
Napangiti ako. Akala ko, ako lang yung nag iba ng paningin sa kanya.
" Pareho lang naman pala tayo eh." pag-amin ko sa kanya.
Napaangat niya bigla nag kanyang ulo habang gulat na nakatingin sa akin.
Plok.Plok.Plok.
"Hala, umuulan na, Aki! Tara na!" tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila. Napayakap ako sa kanya. "Aki, ano ba, mababasa na tayo.! Baka magkasakit ka pa!"
"HAyaan mo nga muna yang ulan, masyado kasing epal sa moment natin eh." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Yumakap naman ako sa kanya.
"Pero, thankful pa rin ako sa ulan." sabi niya. Nagtaka naman ako doon.
"Bakit?"
"Naging saksi kasi to sa pag coconfess natin sa isa't isa, ibig sabihin, may blessing tayo kay God. Approve siya sa atin :)"
"Oo nga noh. Akalain mo nga naman."
At nanatili kami doon. Embracing each other under the rain. It was the start of my happy relationship and I thought hindi na matatapos yun. Pero, dahil sa isang balita, matatapos lahat.
5 months na kami noon, at habang nagcecelebrate kami ng monthsary namin ay biglang nahimatay si Aki. Tinawagan ko agad ang kanyang mga magulang at sinabi yung nangyari. Akala ko hindi ganun kalala yung sitwasyon kaya sobrangf nagtataka ako kung bakit nag panic sila.
May dapat pala akong katakutan.
"Sorry, hija, hindi namin to nasabi sayo. But, A-aki... has an acute leukemia.." those were the words that shattered me.
Acute Leukemia.
Nang malaman ko yun ay hindi agad ako nakapaniwala. Si Aki.. ang masayahing si Aki, ang makulit na si Aki... ang mahal na mahal kong si Aki.....
Iyak na iyak ako noon. Hindi ko matanggap na ganun na pala yung sitwasyon niya. Mas sumama ang pakiramdam ko nung sinabi na nang ng doktor, " Im sorry, but Aki might die sooner as we expected. Hindi na kaya ng mga gamot niya. He's actually fighting but his body is too weak. He might leave us soon. Im so sorry."
Nilabas namin si Aki dahil nirequest niya to. Nalaman na din niya na alam ko na yung kalagayan niya pero hindi namin ito pinag uusapan. MAsakit man isipin na anumang oras ay kukunin na siya sa akin. Pero, tinatagan ko ang loob ko. Alam kong magkakahimala.
4 weeks has passed at magsecelebrate na kami ng aming 6th monthsary. NAndito kami ngayon sa park ni Aki. Pinayagan kasi kami ng mga parents niya na magdate. Pero, may mali akong nararamdaman ngayong araw na ito. As in sobrang mali.
" Nathy." Nasa damuhan ulit kami ngayon. Katul;ad noong nagtapat siya sa akin, makulimlim. Mukhang uulan.
" Yes, Aki?"
"Salamat sa lahat. Ikaw yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Masaya ako na nakilala kita. Nung araw na nakita kita na tumatambay dito sa park, yun pala yung araw na minahal kita. I'm proud na naging tayo kahit 6 months pa lang. Mahal na mahal kita."
" Ba-bakit ka ba ganyan kung makapagsalita, Aki-kun? Parang i-iwan mo ako ah :'(" Nagsimula nang tumulo yung luha ko pero pinunasan niya ito. Ngumiti siya sa akin at yinakap ako.
" Ano ka ba, hinding hindi kita iiwan noh? Lagi kitang babantayan."
"Aki..mahal na mahal din kita." hinigpitan niya yung yakap niya nung marinig niya yung sinabi ko.
"Nathy, that's all I want to hear." Kumalas siya sa yakap niya at hinalikan ako.
" Can I sleep?" bigla niyang tanong sa akin. Humiga din siya sa lap ko. Ngumiti. Ngiting mapait. Alam ko, sa oras na ito, pagod na siya. Tanggap ko.
" Sure. Magpahinga ka n-na." sabi ko habang hinahaplos yung buhok niya.
" I loveyou." at sabay nun, pinikit niya ang kanyang mga mata.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan,
Iniwan na ako ni Aki.
We started this love under the rain and ends also, under the cold rain.
Plok.Plok.Plok.
BINABASA MO ANG
Lovestruck (Compilation of My One Shot Stories)
Teen FictionLove comes in different time. Are you ready to be LOVESTRUCK?