DMC-1

20 1 0
                                    

"ANO NANAMAN BA 'TO HA, SOFIA?! BAT UMALIS KA NG BAHAY NG HINDI NAGPAPAALAM?!"

Naglakad sya papalapit sakin. Nanginig naman sa takot ang buong katawan ko. Hindi ko maexplain sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari dahil nga sa takot na nararamdaman ko.

"ANO HINDI KA SASAGOT?"

Napahagulgol na lang ako ng sampalin nya ako. Sa sobrang lakas nun napasubsob ako sa sahig.

"K-kaya lang naman umalis kasi nag-grocery ako kasama si Nicole. Natakot lang ako kasi baka magalit ka. Pasensya na tal--Aray! Davis nasasaktan ako!"

"ALAM MO NAMAN PALANG MAGAGALIT AKO TAPOS SUSUWAYIN MO AKO?! NAKIPAGKITA KA LANG NAMAN KAY NICOLE AT HINDI MAN LANG SINAGOT ANG MGA TAWAG KO? WHY CAN'T YOU JUST FOLLOW MY RULES, SOFIA! ANG SABI KO SAYO WAG NA WAG KANG AALIS NG BAHAY NG HINDI NAGSASABI SA AKIN AT HINDI KITA PINAPAYAGAN, PERO ANONG GINAWA MO!"

Asawa nya ako for goodness sake! Hindi nya ako bilanggo. Ang sakit isipin dahil nagbago yung pakikitungo nya sakin ng mangyari yon. Pero nakalipas na ang isang taon mahigit. Bakit hanggang ngayon galit pa rin sya?

"DAMN IT! SINASAGAD MO TALAGA ANG PASENSYA KO!"

Nanlaki ang mata ko ng inangat nya ako using his hand na nasa panga ko. Nararamdaman ko yung kuko nya na bumabaon sa pisngi ko. Kumawala na ang mga hikbing pinipigilan ko.

"DAHIL SA GINAWA MO, HINDI KA KAKAIN NGAYONG GABI AT SA BASEMENT KA MATUTULOG!"

Hinawakan nya ang braso ko at hinila ako papunta sa isang lugar na ayaw na ayaw ko. Ang basement  ng bahay namin.

"P-please Davis. Maawa ka naman sa akin? Believe me this time please?"

Gumuhit ang isang ngisi sa labi nya. "Maawa? Bakit? Naawa ka ba sakin noon? I won't believe on your fcking lies again. Nakakasawa na. Puro kasinungalingan lang ang lumalabas jan sa bibig mo! Kaya manahimik ka! Tutal kasalanan mo rin naman kung bakit ako nagkakaganito ngayon. It's all YOUR fault!"

Napahagulgol ako sa sinabi nya. Tama nga sya. Ang tanga tanga ko para gawin ko sa kanya yon. Masakit tanggapin ang katotohanan. Sobra ko syang nasaktan noon kaya ngayon binabalikan na ako ng karma. 

Binuksan nya ang ilaw sa basement. Nakita ko ang kama na ipinalagay nya talaga para dito. Nakakalungkot isipin dahil pinasadya nyang ilagay ito dito para sa tuwing sumusuway ako ay dito nya ako patutulugin. Ipinagawa nya itong basement kaya nagmukha talaga itong kwarto kumapara noon.

Hinila nya ako papunta sa kama at itinulak doon. "Davis please? Wag mo akong patulugin dito. Doon na lang ako sa kwarto natin. K-kahit na sa carpet na lang ako matulog please?" Umiiyak kong pakiusap sa kanya pero hindi sya natinag.

Naglakad sya papunta sa pinto pero hinawakan ko ang braso nya para magsumamo pero tinabig nya lang ito. Nahawakan nya na ang doorknob. Napahagulgol ako ng lalabas na sya.

"Dito ka muna hanggang bukas ng umaga. Baka hindi kita matancha at mas malala pa jan ang gawin ko sa'yo." Pagtapos nun ay tuluyan na syang lumabas ng basement. Narinig kong ini-lock nya ang isa pang pintuan sa taas. Bagsak ang balikat na pumunta ako sa ma at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil May CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon