Walang ganang mag-aral si leah ngayong araw.idinukdok na lang nya ang ulo sa desk nya.Pano ba naman hindi natupad ang inaakala nyang mangyayari kagabi.
*flashback*
nakatitig pa rin si leah sa pintong pinasukan ni jervis kanina.mag-iisang oras na yatang nag-iintay si leah sa pagbalik ni jervis pero wala pa rin ito.
Napaayos sya ng upo ng may makitang palabas.inayos pa nya ang kanyang buhok na sa palagay nya ay nagulo na dahil sa lakas ng hangin dito sa garden.Pero agad syang napasibangot ng makita kung sino ba ang palapit sa kanya.
''tsk.! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa pinapahanap nila tita kung saan saan ka nagpupunta ako tuloy ang napapagod dahil sayo'' bungad sa kanya ni jayvee
''pakielam mo? Sinabi ko bang hanapin mo ko?''
''suplada.. Pero bakit nga ba nandito ka? Aah.. Alam ko na hinihintay mo nanaman si jervis?'' sabi nito habang nakangiti ng patuya
''ano bang pakielam mo?!'' agad naman nag-init ang ulo nya dito. Totoo naman kasi ano bang pakielam nito at pinakikielamanan nito ang pag-iintay nya sa Prince charming nya!
''tsk.. Kawawa ka naman.kung hinihintay mo si Jervis kanina pa umalis.''
napatingin naman sya dito.nagsasabi ba ito ng totoo? Pero sabi ni jervis hintayin nya daw ito. napakunot ang noo nya.nakalimutan na ba syang balikan ni jervis?
''ano tatanga ka na lang ba dyan? Bahala kana nga.sumunod ka na lang pagtapos ka nang tumulala dyan hindi yun ako ang pineperwisyo mo.tsk!'' agad itong tumalikod sa kanya at umalis na