Chapter 32

6 0 0
                                    

"Kaycee."

"Kaycee .."

May naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. Idinilat ko naman ang mata ko at nakita ko nanaman ang mukha ni kim. Aga aga ng almusal ko nakakaumay -_-

"Yun buti nalang gising kana. Masakit paba ang ulo mo?" -kim

"Ha?"

Napahawak naman ako sa ulo ko at wala naman akong kakaibang naramdaman.

"Tsk. Oh kumain kana. Niluto ko yan" ngiti niya sakin ng napakalapad. Ang gwapo niya sa umaga

"Ah salamat ah"

"Subuan kita gusto mo?"

Ano daw subuan? Ano ko bata? -_-

"Dina kaya ko na" sabay agaw ko za kutsarang hawak niya

"Alam mo kahit gawan ka ng mabuti ang sungit sungit mo pa rin."

"Daldal mo. Nakakairita sa tenga. Kumain ka kaya" subo ko naman sakanya ng niluto niyang itlog

"Wow ah salamat"

"Welcome" ngiti ko ng pang-aasar

"Tsk."

Kumain nalang ako ng kumain. Ewan ko ba gutom na gutom ang mga alaga ko sa tyan.

Natapos din akong kumain ng ilang minuto at hinugasan naman ni kim ang pinagkainan ko. Ewan ko kung anong sumapi na bangaw sakanya at ang bait niya ata sakin ngayon.

"Magpahinga kana payatot. Aalis nako"

"Sige ingat"

Kinuha niya naman ang susi niya sa table.

"Yung gamot mo inumin mo kapag sumakit ulit ang ulo mo ah" binuksan niya na ang pintuan ng bahay ko

"Okay."

Isasara niya na sana ng may pahabol pa.

"Nagtext nga pala si patrick. May rehersal daw mamaya."

"Okay."

Tuluyan ng umalis si kim. Sungit ko ba? Wala kasi akong maalala kung bakit ganun siya sakin ngayon. Na we-weirduhan na nga ko sakanya eh.

Pumunta naman ako sa kusina at may nakita akong note sa ref.

"Hoy! Payatot! Buksan mo tong ref mo at nadyan yung chocolate cake. Masarap yan. Kakabili ko lang nyan kanina. Kaya wag kang mag-alala hindi pa panis yan.

PS- walang lason yan :)"

Binuksan ko naman ang ref ko at nakita ko nga ang chocolate cake dun. May bait din naman palang taglay tong mapanglait na panget na to eh :">

Kinain ko na yun at pagkatapos kong kumain ng isang slice ay nagshower nako maaga ang pasok ko ngayon. Tapos hanggang 7:00 pm. 1 hour nga lang ang vacant time ko tapos ilalaan ko pa sa rehersal ng red hook mamaya. Hays katamad -_-

Natapos nakong magshower at dalidaling nagbihis at pumunta garahe para kunin ang kotse ko. Nagmaneho nako ng mabilis para agad akong makarating sa school. Di naman nagtagal ay nakarating na rin ako. Nga pala wala yung driver ko si tyler. Pinaalis ko na kasi siya tutal kaya ko namang magmaneho magisa eh.

"Goodmorning class"

Nagsimula ng magturo ang prof namin. Ilang oras din akong nabobored wala akong sa mood makinig ngayon dahil tungkol lang naman sa valley to. Kung pano ang tamang posture -_-

Alam niyo naman guys na hindi ako interesado sa ganitong mga eksena. Nakakairita.

"Bye class see you tomorrow"

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon