"Eto maganda to!"
"Tsaka eto!"
"Eto pa!"
Ang kulit talaga ng lalaki na to. Biruin mo ba naman siya na namimili ng sapatos na susuotin ko?
Nilapitan ko siya at tsaka bumulong.
"Pwede ba kim!"
Yumuko naman siya na parang bata. Haaaaays! Kung alam ko lang na ganito pala ang pagkatao ng mokong na to -_-pa childish effect di bagay sa malaki niyang katawan.
Kinuha ko na lahat ng sapatos na sinabi niya at binayaran ko na lahat ng yun. Magaling naman siyang mamili eh ang kaso lang talaga nakakainis lang talaga siya.
Nginitian naman ako ni kim. Lumabas na kami sa store ng mga sapatos.
"Hays nagugutom nako!" hawak ko sa tyan ko
"Tara kain tayo ^__^"
"Kumain ka mag-isa mo!"
Iniwanan ko na siya doon. Pero dahil may awa pa naman ako eh binalikan ko siya at nahawakan ko ang kamay niya. Habang naglalakad kami eh hawak hawak ko pa rin ang kamay niya.
Si kim naman ngiting panalo eh -_- ngayon lang ba siya nakahawak ng kamay ng maganda? Kawawa naman pala tong lalaking to.
Napatigil kami sa isang shop na may naka post na couple shirt.
"Hoy ano balak mo nalang titigan yan?"
"Hoy panget!"
Hindi pa rin niya ko pinapansin. Nakatingin pa rin siya sa couple shirt na naka post.
Tumingin siya sakin ng napakalungkot.
"Hoy panget san ka pupunta?"
Hindi niya lang ako pinapansin patuloy lang siya paglakad niya.
"Hoy pangeeeeet!"
"Pangeeeeet!"
Wala pa rin. Binatukan ko nga ng magising manlang. Mapapaos na kaya ako kakasigaw dito. -_-
"Ano bang nangyayari sayo ha?"
"Wala."
"Wala? Yun lang?"
"Pwede ba kaycee ang ingay mo!" nagulat ako ng sinigawan niya ko
Natutulala ako. Kasi eto ang unang beses na sigawan niya ko ng ganun.
Naglakad nako palabas ng mall. Di ko matanggap -_-
"Kaycee wait!"
"Kayceee!"
Naririnig kong sumisigaw si kim pero hindi ko siya nililingon. Pagkatapos niya kong sigawan huh! Bahala siya dyan!
Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ko to. Iniwan ko si kim na nakatayo sa harapan ng mall.
"Hm. Sisigawan sigawan niya ko tapos hahabulin niya ko!" pagdadabog ko sa manobela
"Tsk. Ang panget mo talaga kiiiiiiim!" sigaw ko
Nang may nakita akong matanda na tumatawid. Hindi ako makapreno. Bakit?
"Shit! Gumana ka gumana ka!"
Pinaghahampas ko ang manobela ko. Dahil palapit na ng palapit para mabangga ko si lola.
Wala nakong magawa kundi ibangga nalang ang kotse ko sa puno.
Idinilat ko ang mata ko na at nakita ko ang puting kisame. Amoy ng mga alcohol at parang nasa hospital ata ako.
Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko nick pati si mama.
"Baby. Are you okay?"
"Princess. Anong nangyari?"
Yung mga mukha nila. Mga mukhang nag-aalala. Hindi ko nakita sa paligid ko si kim. Himala! Hindi ko siya nakita. Hindi kaya sobra talaga ang galit niya sakin? Para hindi ako puntahan dito?
Sinubukan kong tumayo pero sumakit nanaman ang ulo ko.
"Princess wag mu munang pilitin" pagaalalay sakin ni nick
"Ano bang nangyari?" hawak ko sa ulo ko
Sina mama at nick naman ay nagtinginan sa isa't isa.
"Wala kang maalala princess?"
"Baby. Kilala mo ba ko?" -mama
"Ano ba naman tanong yan ma. Syempre oo -_-"
Huminga naman ng malalim sina nick at mama. Ang we-weird nila. -_-
"Oh nick! Bantayan mo muna si kaycee. Tawagan mo ko kapag may balita na."
"Sige po tita"
Hinalikan naman ako sa noo ni mama. At nagpaalam na
"Magpahinga ka okay?"
"Okay .." malamya kong sagot
Diko alam kung bakit agad agad umalis si mama. For sure sa business nanaman yan. Okay umalis lang siya. -_- sanay nako .. Ayoko ng makipagtalo pa sakanya.
"Oh princess nagugutom kaba?"
"Hindi."
"Ano bang nangyari kasi?"
"Ako pa talaga tinanong mo eh wala nga kong maalala sa nangyari"
"Tsk. Sa susunod kasi magpamaneho kana lang. Nasana ba yung driver mo?"
"Pinaalis ko na."
"Bat mo pinaalis?"
"Ano ba nick! Dina ko bata!"
"Tsk. Mamaya mangyari nanaman sayo yung nangyari dati" bulong ni nick
"Ha ano? Anong dati?"
"Ah wala wala. Sige na magpahinga kana"
Humiga nalang ako dahil ang sakit ng katawan ko -_-
Napaisip naman ako sa narinig ko kay nick.
"Mamaya mangyari nanaman sayo yung dati"
Anong dati? Anong pinagsasabi ni nick? Anong meron sa dati? Hindi ko siya maintindihan -_-
-
Tieyches~
BINABASA MO ANG
You found me
Novela JuvenilBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...