Ako si KeyCee Dela Cruz. Isang 24 years old na Call Center Agent. Nagtapos ako ng Pre-Law sa isang malaking Unibersidad sa bandang Recto. Akala ko nuon magiging Abogado ako..
Pero dahil sa realidad ng buhay, eto ako ngayon. Sumasagot ng tawag ng mga Amerikano tungkol sa bill nila o sira ng telepono.
Matangkad ako. 5'7 . Maputi. Hindi ako payat, pero hindi din naman mataba. Yun tipong malaman pero may korte. I have a heart- shaped face, almond eyes, button nose and full lips. Sabi nila maganda daw ako. At madalas naniniwala ako dun kahit sinasabi ko sa kanilang hindi totoo yun.. hehehe..
But kung mayroon akong traits na ipagmamalaki ko, yun ay yung personality ko. Im very opinionated. Im very open-minded. I have a very big personality. Yun tipong people gets drawn to me ng hindi nila namamalayan. Yung para akong magnet na humahatak sa kanila.
Ang yabang ko ba? Hahaha.. Yun kasi talaga ako. And I am proud to be me. Sabi nga nila, love your self. Paano ka mamahalin ng iba kung hindi mo mahal sarili mo diba? Kaya heres me being my self's number one fan.. hehehe..
May boyfriend din ako. 3 years na kami. At kahit far from perfect yung relationship namin, masasabi kong siya ang greatest love ko. Kahit na sinasabi ng lahat na hindi daw siya bagay sa akin. Na may pagka demonyo daw yung boyfriend ko. Wala akong pake sa kanila. I dont take unsolicited advice. Hahaha..
I have so many friends sa pinapasukan kong opisina. Pero mayroon lang lima na masasabi kong grupo ko. Yung clique ko. Yung mga taong kasama ko sa bawat yosi break, bawat uwian. Ka car-pool ko. At lalong kasalo ko sa alak at ka gimikan ko tuwing off. Motto nga naming lima "work hard party harder e."
..at dahil sa kanila at sa isang gabing gimik kaya ko nakilala ang isang tao na nakapag pabago ng opinyon ko. Nakabali ng prinsipyo ko, at nagparamdam sa akin ng mala fairytale na love story..
..for six months..
BINABASA MO ANG
Ang Ex- Boyfriend kong Artista (A short Story)
RomanceMatangkad, Guwapo, Malaki ang katawan, Magaling kumanta at sumayaw.. Isang gabi sa Gimikan.. Anim na buwang fairytale.. Isang maling desisyon.. Isang love story na walang happy ending. Isang istorya na too good to be true.. ..pero nangyari.. Paano k...