"Padaan!" Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Nasa park kami, wala lang, tumatambay, walang pasok kaya eto kami ngayon at naka tunganga. Wala man lang ka kwenta-kwentang kausap tong kasama ko, sarap iuwi sa bahay at ikulong sa kwarto eh! Tsk!
"Saan?" Sagot niya na may halong pag tataka.
Haay. Kahit kelan talaga tong pandak na to, hanggang ngayon di niya parin na gets kung ano ba talaga ang ibig kong sabihin.
"Basta! Padaan lang!" Sabi ko na may pilit na pag mamatigas.
"Ulol! Edi dumaan ka kung san mo gustong dumaan! Letse to!" Sagot niya naman na halatang na iinis na.
Sabi na eh. Yan na naman isasagot niya. Tss. Napaka talaga netong babaeng to. Kung hindi ko lang to mahal eh baka kanina ko lang to nasapak. Pasalamat siya!
"Teka nga Gab, nung isang araw mo pa sinasabi yang padaan na yan ah. Bakit ba? Nakakapikon ka na!" Sabi niya nung mag sasalita na ulet sana ako.
Lagot na! Nagalit ko na yata siya. Eh gusto ko lang namang sabihin sa kanya na mahal ko na siya. Tss. Ilang buwan pa lang kaming nag kasama pero nahulog na ako sa kanya. Pano ba naman kasi, sa simple niyang ito, sino bang lalaki ang hindi mahuhulog sa isang anghel na tila hinulog talaga sa langit para makasama ako. Naks!
"Tss. Wala wala. Wag mo na lang yun pansinin. Basta dadaan ako sa ayaw at gusto mo. Okay? *wink*" Sabi ko. Syempre sinamahan ko na ng matamis na ngiti para naman mawala na yung galit niya saken.
"Hay nako. Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya naman at binaling na ang tingin sa iba.
Siya si Irish, ang pangalawang babae na nag patibok ng puso ko. Eh minalas nung unang tibok eh. Di ko na lang ikukwento, bahala na kayong mag isip kung anong nagyari sa first love ko.
Yun nga, siya ang pangalawang nag patibok ng puso ko, pano ba naman kasi, araw-araw ko siyang nakikita sa campus, palagi kaming magkasama kasi magkatabi lang classroom namin, nakakagaan ng damdamin yung mga tawa niya.
Nung una ayaw ko sa kanya. Sino ba ang magkakagusto sa isang napakasungit na babae na kulang na lang eh sumpain niya lahat ng tao sa paligid niya, daig niya pa ang matandang na memenopause. Tss
"Irish/Gab" Sabay naming sabi. Bigla akong namula. Napayuko na lang ako kasi baka mahalata niyang kinikilig ako. Tae nakakabakla. Tsk!
"Ah ikaw na/ladies first" Sabay nanaman naming sabi. Napatawa na lang kami sa katangahan naming dalawa.
"Ah. Ano kasi Irish, may gusto sana akong sabihin sayo, pero ikaw na mauna. Ano ba yung sasabihin mo?" Pag tatanong ko sa kanya.
"Eh ano, ikaw na mauna. Hehe." Mahinahon niyang sabi. Nakakapanibago naman itong isang to. Nakakakaba.
Haay. Sabi ko nga ako na ang mauuna. Ayaw ko namang magalit siya ULET kaya pag bibigyan ko na lang siya. Kinakabahan ako pero ayaw kong ipagpabukas to, mag tatapat na ako ng nararamdaman ko sa kanya.
"Irish, wag ka sanang magagalit at lalong lalo sa lahat, wag ka sanang mag babago nang dahil lang sa sasabihin ko ng ito. Ano kasi, gusto kita, mag dadalawang linggo na yata simula nung napagtanto kong mahal na pala kita. Kung itatanong mo saken kung bakit minahal kita, sorry, kasi kahit ako hindi ko din alam kung bakit minahal kita." Sabi ko nang diretso sa kanya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ako nakatingin sa kanya, ayaw kong tumingin, baka kasi pag nag kataon ay mahalikan ko siya ng wala sa oras at baka masampal niya ako ng wala sa oras.
"Gab." Sabi niya. Sa hinaba haba ng sinabi ko sa kanya, yan lang ang tanging sagot niya. Ayos din eh. Tss.
"Ano, okay lang naman kahit na wala kang gusto saken. Atleast nasabi ko sa iyo kung ano tong nararamdaman ko para sayo." Sabi ko na nakangiti. Pero sa loob looban ko, nalulungkot ako.
"I'm sorry." Sabi niya. Sorry? Para saan? Madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko, pero di ko magawang itanong sa kanya.
"Sorry. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Oo gusto kita, pero bilang isang kaibigan lang at wala nang iba pa. May iba akong mahal. I'm sorry." Sabi niya na may halong lungkot sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nasasaktan ako pero ayaw kong ipakita. Gusto kong umiyak sa harapan niya para mag makaawa pero hindi pwede, wala akong karapatan sa kanya. May iba siyang mahal at wala akong ibang magawa kundi ang tanggapin yun ng walang pag aalinlangan.
Ngumiti na lang ako sa naging sagot niya. Walang nag iimikan matapos ang nangyaring yon.
Nabaling ang atensyon naming dalawa sa isang lalaking nag lalakad patungo sa direksyon naming dalawa. Nakangiti siya at nakatingin kay ..... Irish.
Tumingin si Irish saken at tumayo, nag lakad siya papunta sa lalaki at nakita kong ngumit siya. Isang napakatamis na ngiti. Ngiting gusto kong makita sa kanya na ako ang dahilan ng pag ngiti niya. Pero kabaliktaran ang nangyari.
"Mal, sino siya?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Ahm. He's my friend mal." Sagot nito sa lalaki.
Ang sakit. Durog na durog ang puso ko ng marinig ko ang salitang FRIEND na galing mismo sa bibig niya. Ang malas ko naman yata sa buhay pag-ibig.
Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa na parang hindi nasasaktan. Nagpapaka martyr na naman ako sa sitwasyon kong ito. Napakahirap naman ng ginagawa ko. Ito yata talaga ang kapalaran ko.
"Rish, pre, una na ako. May kelangan pa akong asikasuhin. Ingat kayong dalawa." Sabi ko sabay ngiti at tapik sa kanilang dalawa.
Kasabay ng pag talikod ko sa kanila ay ang pag patak ng luha ko. Hindi ko na napigilan, kusa na siyang lumabas sa mga mata ko.
Hindi lang pagdaan ang ginawa ko, tumambay ako kaya napahamak. </3
-----------
Book Cover by: @Hanzkyler
Written by: slashYOU
Copyright. 2014