A/N: pagpasensyahan nyo po ako sa mga kwentong naisulat o type ko HAHAHAHAHAHA. Type lang ng type ang trip ko. Pumapasok lang kasi sa utak ko. syet!
Sana magustuhan nyo.
Gusto ko sana idedicate isa-isa kaso isa lang daw dapat eh. Kung sana pwedeng itag sa lahat gaya ng isang picture. Hahaha
Here it is. Enjoy, read, vote and comment!
Kamsa Chingu!
EXO OTP’s SHORT STORIES
KAILAN
(HunHan)
A/N: Sobrang mahal na mahal ko ang HUNHAN. Pasensya na kung ito lang nakayanan ko. hehe. Eto lang talaga yung balak ko.
------
Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika’y nakikita,
Sana naman magpakilala?
Maaga akong pumasok ng school dahil alam andito na rin sya school. Sa tatlong buwan na pagsunod ko sa kanya, memoryado ko na ang schedule nya. Sabado ngayon at may practise sila. Isa kasi sya sa mga varsity player ng soccer team. At buti na lang may klase ako ngayong araw kaya may excuse ako kung bakit ako nandito sa school.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 7:30 pa lang ng umaga, 9:30 pa yung klase ko kaya dito na ako sa field dumiretso kung saan nagpapractise ngayon ang soccer team. Naglakad ako papalapit sa isang malaking puno, tambayan ko na ito simula nung pumasok ako sa school. Swerte rin dahil lagi ko syang nakikita at natititigan ng hindi nya napapansin….at walang nakakapansin. Tulad ngayon.
Pinapanood ko na naman ang pagsipa nya ng bola sa goal at nung maka-goal sya sobrang tuwa nya. Napangiti na rin ako, hindi lang dahil naka-goal sya kundi dahil sa masayang mukha nya.
Gustong-gusto kong nakikita ang mukha nyang iyan kahit ganito kami kalayo sa isa’-isa.
Ilang ulit ng nagkabangga
Aklat kong dala’y pinulot mo pa
Di ka pa rin nagpakilala.